Q4 Summative 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education

ARALING PANLIPUNAN 10 IKA-APAT NA MARKAHAN


IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ANG TITIK ng tamang sagot markahan
ang letra sa SAGUTANG PAPEL (ZIP GRADE) na inilaan. IWASAN ANG MAGBURA IKAW AY PAPASA KUNG IKAW AY MAG
BABASA
1. Sino ang maaaring makaboto sa halalan?
A. 18 taon gulang pataas at mamamayan ng Pilipinas B. Tumira sa America ng isang taon at bumalik upang bumoto
C. Diskwalipikado ayon sa isinasaad sa batas D. Hindi mamamayan ng Pilipinas
2. Ito ay nagtutulak sa mamamayan na maging aktibong makilahok sa mga hakbangin magbibigay katugunan sa mga
isyung panlipunan
A. Kaalaman at kamalayan B. Pagmamahal at pagmamalasakit C. Katatagan at kasipagan D. Kabayanihan at kasipagan
3. Lahat ay mga diskwalipikadong bumoto maliban sa isa __________.
A. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
B. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms
law
C. Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng saligang batas
D. Mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang baliw
4. Sino ang itinuturing na diskwalipikadong bumoto?
A. 18 taon gulang pataas, mamamayan ng Pilipinas B. Hindi diskwalipikado ayon sa saligang batas
C. Mamamayan ng Pilipinas D. Mga taong ideneklara ng mga eksperto bilang baliw
5. Ilan lamang maaaring makaboto ang isang tao tuwing halalan?
A. dalawa B. isa C. tatlo D. apat
6. Sino ang dating Commissioner ng Commission on Election 2016 na nagsabing talamak ang insidente ng pamimili ng
boto?
A. Gregorio Lardizabal B. Fr. Joaquin Bernas C. Alex Lacson D. Neil Gamboa
7. Siya ay isang contitutionalist na ayon sa kanya ang layunin ng pagboto ay hindi ang pagbibigay ng mandato sa mga
opisyal para mamuno kundi ang pagbibigay ng kapangyarihan na mapaunlad ang estado at malupig ang nagpapahirap sa
bayan
A. Gregorio Lardizabal B. Fr. Jaoquin Bernas C. Alex Lacson D. Neil Gamboa
8. Bakit lubhang makapangyarihan ang pagboto ng isang tao?
A. Maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino B. Maaaring yumaman ang nakaupong opisyales
C. Maaaring maging makapangyarihan D. Maaaring mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya
9. Anong bansa na may ganap na kapangyarihan angkin ng sambahayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na
pampamahalaan
A. Pilipinas B. Singapore C. China D. Indonesia
10. Ayon sa Artikulo II Seksyon I ng Saligang Batas, ang _____ ay isang estadong republikano at demokratiko
A. Singapore B. Pilipinas C. Indonesia D. China
11. Ang lahat ay mga kategoryang pinagbabatayan ng democracy index maliban sa isa:
A. Electoral process B. civil liberties C. Political Participation D. Social Index
12. Ang mga sumusunod ay mga bansa na may demokratikong uri ng pamahalaan na pinangungunahan ng bansang:
A. Norway B. China C. Belgium D. Mexico
13. Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay nabibilang sa bansa na may kabuuan na:
A. Tatlumpo B. Apatnaput-isa C. limampu D. animnaput-isa
14. Ito ay kabilang sa dalawang bansang itinuturing na may pinakamataas na marka sa index at kapuwa ito itinuturing na
flawed democracy
A. Japan at China B. Japan at America C. Japan at South Korea D. Japan at Pilipinas
15. Ito ay isang pangkat na lumalaban sa katiwalian.
A. Flawed democracy B. Democracy Index C. Transparency International D. Philippine Index
16. Ito ay ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang
bansa.
A. Corruption Index B. Philippine Index C. Global Corruption Barometer D. Democracy Index
17. Ito ay tawag sa kaugnayan sa pakikilahok ng isang mamamayan na bumuo ng isang samahan upang direktang
makipag-ugnayan sa mga ito sa pamahalaan upang direktang ipaabot sa kanila ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
A. Civil Society B. Naturalisasyon C. Participatory Governance D. Civil rights

Address: Malamig, Bustos, Bulacan


Email Address: 306727@deped.gov.ph
Telephone No.: 761-9080
Republic of the Philippines
Department of Education

18. Ang corruption perception index ay mahalaga maliban sa isang kadahilanan


A. Ito ay ginagamit upang sukatin ang mabilis na pag-unlad ng gobyerno
B. Mas madaling malalaman ang mga proyekto na nagaganap sa gobyerno
C. Nagbibigay ito ng hindi malinaw sa mga aktibidades na ginagawa ng mga lider at ang opinyon ng mga mamamayan ukol
ditto
D. Maaari itong gawing batayan upang mas madaling malaman ang pagiging malinis ng mga lider
19. Lahat ng ito ay papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala maliban sa isa.
A. Politikal ng pakikilahok tulad ng pagboto
B. Pagiging aktibong mamamayan sa hindi pakikilahok sa mga gawaing makabuluhan kagaya ng mga diskurso sa
pamamahala upang bigyang katugunan ang mga hamong panlipunan.
C. Dapat ay magkasamang bumuo ang pamahalaan at ang mga mamamayan ng mga solusyon sa mga suliraning
kinakaharap ng lipunan.
D. Paglahok sa civil society
20.Ito ay mga aspeto na sinusukat ng Democracy Index maliban sa isa
A. Prosesong pang-elektoral at pluralism B. Mga karapatan at iba pang silbi sa kalagayan
C. Pampulitikang paglahok ng mga mamamayan D. Kulturang pampulitika
21. Alin sa ibaba ang hindi nagpapakita ng maayos na pamamahala?
A. Mahusay na interaksyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan.
B. Ang hindi pakikilahok ng mga mamayan sa mga gawaing politikal.
C. Pagkakaroon ng pakialam ng mga tao sa eleksiyon, paglahok sa civil society, at pagkakaroon ng participatory
governance.
D. Paghahangad na magkaroon ng “sustainability” o pagpapanatili ng mga proyektong pinansiyal na tinustusan ng World
Bank.
22. Paano magaganap ang sustainable development ng isang bansa?
A. Patuloy na “corruption” ng mga nasa matataas na opisyal sa gobyerno.
B. Mga hindi natapos na programa ng gobyerno gaya ng mga di tapos na konkretong daanan.
C. Hindi maayos na pangangasiwa sa national budget ng isang bansa.
D. Pagkakaroon ng predictable and transparent framework of rules and institutions.
23. Ang mga sumusunod ay mga indikasyon sa pagtataya ng good governance maliban sa:
A. Weak governance
B. Pananagutang pinansiyal
C. Transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement process
D. Partisipasyan ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang pangkaunlaran.
24. Ano ang good governance ayon sa Office of the High Commissioner for Human Rights (2004)?
A. Isa sa apat na salik na nakakaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng
kahirapan sa isang bansa.
B. Tumutukoy ito sa isang proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay nahahatid ng kapakanang pampubliko,
at tinitiyak na mapapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pangangabuso at korapsyon, at may
pagpapa-halaga sa rule of law.
C. Isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and social resources” ng bansa.
D. Wala sa nabanggit
25. Ano ang nakasaad sa Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Pakikilahok ng mga mamayan sa pampolitikang Gawain
B. Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan
C. Kapanagutan ng mga mamayan
D. Lahat ng nabanggit

Address: Malamig, Bustos, Bulacan


Email Address: 306727@deped.gov.ph
Telephone No.: 761-9080

You might also like