Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 10

Heading Ikatlong Markahan

Sarah Leanne V. Ramos


Junelyn B. Zabala

Pamantayang
Pangnilalaman Naipamamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa pagmamahal
(Content Standard) sa bayan (Patriyotismo).

Pamantayan sa
Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang
(Performance maipamalas ang pagmamahal sa bayan (Patriyotismo).
Standard)

Kasanayang
Pampagkatuto 11.2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) na umiiral sa lipunan
DLC (No. &
Statement)

Mga Layunin
(Objectives) Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan
na:
DLC No. & Statement: a. Pangkabatiran:
11.2. Natutukoy ang Nakakikilala ng mga kilos na angkop at lumalabag sa
mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na nakikita sa lipunan;
pagmamahal sa bayan b. Pandamdamin:
(Patriyotismo) na Nakasusunod sa mga angkop na kilos upang
umiiral sa lipunan
maipamalas ang pagmamahal sa bayan;
c. Saykomotor:
Nakagagawa ng mga kilos na nagsusulong na iwasan

ang mga kilos na lumalabag sa pagmamahal sa


bayan.

Paksa
(Topic) Paglabag sa Pagmamahal sa Bayan

DLC No. & Statement:

Pagpapahalaga Love of Country/Pagmamahal sa Bayan (Political


(Value to be developed Dimension)
and its dimension)

Sanggunian 1. ESP 10 Quarter 3 LM_U3. (2015).


https://www.studocu.com/ph/document/de-la-salle-
(Six 6 varied college-of-saint-benilde/education/grade-10-tg-esp-
references) 3rd-quarter/11734074
2. Metro Manila Development Authority. (2012, May
(APA 7th Edition 29). ANTI-JAYWALKING IN METROPOLITAN
format) MANILA AND PROVIDING PENALTIES
THEREFORE.
3. Republic Act No. 10535 | GOVPH. (2013, May 15).
Official Gazette of the Republic of the Philippines.
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/repub
lic-act-no-10535/
4. Republic Act No. 8491 | GOVPH. (1998, February
12). Official Gazette of the Republic of the
Philippines.
https://www.officialgazette.gov.ph/1998/02/12/repub
lic-act-no-8491/
5. Republic Act No. 9147 | GOVPH. (2001, July 30).
Official Gazette of the Republic of the Philippines.
https://www.officialgazette.gov.ph/2001/07/30/repub
lic-act-no-9417/

Mga Kagamitan ● Laptop


(Materials) ● Marker/Chalk
● Coloring Materials
Complete and ● 1/8 illustration board
in bullet form
Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture JUNELYN B. ZABALA


with collar)

Panlinang Na Stratehiya: Rank Ordering Technology


Gawain Integration
(Motivation) Panuto:
1. Magbibigay ang guro ng iba’t-ibang App/Tool:
DLC No. & Statement: gawi na umiiral sa lipunan gaya ng:
11.2. Natutukoy ang Link:
mga paglabag sa 1. Hindi pangangalaga sa
pagmamahal sa bayan Kalikasan. Note:
(Patriyotismo) na 2. Pagtawid sa hindi tamang
umiiral sa lipunan tawiran. Picture:
3. Pagtangkilik ng mga
produktong hindi gawang
pinoy.
4. Hindi pagpapakita ng
kahalagahan sa kultura at
tradisyon.

2. Sa isang maliit na papel, inaasahan


na ayusin ng mga mag-aaral ang
pagkakasunod-sunod ng mga gawi
base sa kung ano sa tingin nila ang
may pinakamalaking nagiging
negatibong dulot hanggang sa may
pinaka kaunting negatibong dulot sa
lipunan.

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay, sa paanong


paraan nagbibigay ng
negatibong dulot ang gawi na
iyong unang pinili?
2. Ano naman ang iyong dahilan
sa paglalagay ng isang gawi sa
pinakahuli?
Pangunahing Gawain Dulog: Values Clarification Technology
(ACTIVITY) Integration
Stratehiya: Sentence Completio *n
DLC No. & Statement: App/Tool:
11.2. Natutukoy ang Panuto:
mga paglabag sa 1. Ang klase ay hahatiin sa dalawang Link:
pagmamahal sa bayan (2) grupo at ang bawat isa ay bibigyan
(Patriyotismo) na ng guro ng kahon. Note:
umiiral sa lipunan
2. Ang mga mag-aaral ay bubunot ng Picture:
tig-isang papel mula sa kahon. Ang
kahon ng unang grupo ay naglalaman
ng mga salitang pang-uri gaya ng:

1. Mabait
2. Masipag
3. Masinop
4. Magalang
5. Malikhain
6. Madasalin
7. Masunurin
8. Matulungin
9. Responsable
10. Mapagmahal

Samantalang ang kahon naman ng


ikalawang grupo ay naglalaman ng
mga pangungusap na tumutukoy sa
mga gawi o pandiwa gaya ng:

1. Hindi tumutulong sa
nangangailangan.
2. Nagtatapon sa kung saan-
saan lamang.
3. Hindi sumusunod sa
alituntunin at mga batas.
4. Tumatawa habang inaawit ang
Lupang Hinirang.
5. Hindi buong pusong
minamahal ang bansang
Pilipinas.
6. Hindi gumagamit ng “po” at
“opo” sa nakatatanda.
7. Hindi nagdarasal para
kapayapaan ng kapaligiran
8. Isinasaalang-alang ang
karapatan ng sarili lamang.
9. Nag-aaral para matupad ang
sariling interes lamang.
10. Pinapabayaan ang mga
responsibilidad sa komunidad.

3. Ang bawat mag-aaral mula sa unang


pangkat ay hahanapin ang gawi na
kabaliktaran ng pang-uri na kanilang
nakuha. Sila rin ay magsisilbi nang
magkatambal.

4. Pagkatapos, pagsasamahin ng mga


magkatambal ang mga nabunot nilang
salita para makabuo ng isang
pangungusap.

5. Babasahin ito ng mga mag-aaral sa


harapan ng klase.

6. Ang inaasahan na pormat ng


pangungusap ay:

Kami ay mga (pang-uri) na Pilipino


ngunit (pandiwa).

Halimbawa:
Kami ay mga magalang na Pilipino
ngunit hindi kami gumagamit ng “po”
at “opo” sa nakatatanda.

Mga Katanungan 1. Ano ang napansin mo sa mga Technology


(ANALYSIS) salitang ginamit? - C Integration
2. Alin sa mga gawi na nabanggit
DLC No. & Statement: ang iyong ginagawa o nagawa App/Tool:
na? Gaano kahalaga sa iyo na
(Classify if it is C-A-B masunod ang mga ito? - A Link:
after each question) 3. Kung may pagkakataon kang
11.2. Natutukoy ang mamili ng isang gawi na Note:
mga paglabag sa masasabi mong hindi mo
pagmamahal sa bayan masyadong ginagawa, ano ito? Picture:
(Patriyotismo) na Ano sa tingin mo ang
umiiral sa lipunan kailangan mong gawin para
makasanayan mo nang gawin
ito? - P

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture SARAH LEANNE V. RAMOS


with collar)

Pagtatalakay Outline Technology


(ABSTRACTION) Integration
1. Mga Kilos na Lumalabag sa
DLC No. & Statement: Pagmamahal sa Bayan App/Tool:
a. Mga Angkop na Kilos
Pangkabatiran na Nagpapakita ng Link:
Cognitive Obj: Pagmamahal sa Bayan
b. Mga Kilos na Note:
Nakakikilala ng mga Lumalabag sa
kilos na lumalabag at Pagmamahal sa Bayan Picture:
angkop sa
pagmamahal sa bayan
na nakikita sa lipunan; Mga Nilalaman
Ang pagiging isang mabuting Pilipino
ay isang katangian na nagpapakita ng
Pagmamahal sa Bayan kaya ito ay
mahalagang malaman at maisabuhay.
- Una dito ang pagbibigay
halaga ng edukasyon sapagkat
ang taong nakapag aral ay may
kamalayan sa mga batas na
ipinatutupad ng bansa at ang
kanyang mga kaalaman ay
kanya lamang gagamitin sa
mabuting paraan
- Sumunod naman dito ang
pagiging maagap. Sa
pamamagitan ng RA 10535 ay
nakakatulong sa mga Pilipino
na makasunod sa tamang oras
kung saan sinasanay ang mga
Pilipino na maging maagap
- Pagpila ng maayos ay
pagpapakita ng may disiplina
sa sarili dahil ang paglabag sa
angkop na kilos na ito ay
magbubunga ng kaguluhan
- Pag awit ng Pambansang Awit
na puno ng paggalang ito ang
pinaka simpleng paraan paano
natin maipapakita ang
pagmamahal sa bayan
- Pagiging tapat sa anumang oras
- May pangangalaga sa
kalikasan ito ay nagpapakita ng
responsable sa paggamit ng
mga natural na yaman.
- Pangangalaga sa kalusugan
sapagkat tayo ay may
tungkulin sa ating sa bansa
mahalaga na mapanatili nating
malusog ang ating
pangangatawan upang
magampanan ang ating mga
tungkulin
- Tangkilikin ang sariling atin ito
ay makakatulong sa pag unlad
ng ating ekonomiya na siya rin
nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan
- Pagboto ng tama ang bawat
mamamayang Pilipino ay may
karapatang pumili ng mga
magiging lider ng ating bansa
ang pakikilahok dito ay
nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan sapagkat nais mong
umunlad ang bansa sa
pamamagitan ng pagpili ng
mga namumuno ng bansa.
- Paggalang sa mga nakakatanda
bahagi na ng ating kultura ang
paggamit ng “po” at opo” sa
mga nakakatanda malapit man
ito sa atin o hindi.
- Pagdarasal para sa bayan at
kapwa ay pagpapakita ng
pagmamalasakit sapagkat ito
kilos na siyang nag mimithi sa
ikauunlad ng bayan at ang mga
mamamayan nito.
Atin nang nakilala ang mga angkop na
kilos na nagpapakita ng Pagmamahal
sa Bayan may mga kilos na lumalabag
ng Pagmamahal sa Bayan.
- Ang hindi pagbibigay galang
sa Pambansang Awit at
watawat. Ayon sa Republic
Act No. 8491 kilala sa tawag
na Flag and Heraldic Code of
the Philippines ang
mapapatunayan na lumabag sa
batas na ito ay may kapalit na
kaparusahan sa pagbabayad ng
P5,000 hanggang 20,000 at
makukulong ng di lalampas ng
isang taon.
- Hindi pagsasagawa ng mga
tungkulin bilang isang
mamamayan ay nagpapakita ng
paglabag sa Pagmamahal sa
Bayan
- Pagtawid sa hindi tamang
tawiran. Batay sa Anti-
Jaywalking Law ang sinumang
mapapatunayan ang lumabag
sa batas ay magmumulta ng
P500 at pagsisimula ng gulo sa
komunidad
- Hindi pagbibigay halaga sa pag
aaral ay nagpapakita ng
paglabag sa Pagmamahal sa
Bayan dahil ang edukasyon
ang susi sa pag-unlad ng isang
bansa kaya mahalaga na
pinapahalagahan ang
edukasyon.
- Hindi pagpapakita ng
kahalagahan sa kultura at
tradisyon ito ay isa sa mga
labag na kilos sapagkat ito ay
nagbibigay identidad nating
mga Pilipino at ang hindi
pagpapahalaga dito ay siyang
hindi rin paggalang.
- Pagtangkilik ng mga
produktong hindi gawang
pinoy isa ito sa nagpapakita ng
paglabag sa Pagmamahal sa
bayan dahil hindi binigyan
pansin at halaga ang mga
talento at kakayahan ng mga
Pilipino na siyang
makakatulong sa pag unlad ng
bansa.
- Hindi pangagalaga sa
Kalikasan gaya ng pagtatapon
ng mga basura sa hindi tamang
basurahan at pagpuputol ng
mga puno ay kinikilala na
isang paglabag sa pagmamahal
sa bayan dahil ito ay ating likas
yaman na ating
napapakinabangan
- Paghuli at pagpatay ng mga
hayop na endangered species.
Ayon Republic Act No. 9147
nagsasaad ng proteksyon sa
mga endangered species at ang
kanilang mga tirahan ang
mapapatunayan na lumabag sa
batas na ito ay makukulong ng
6 hanggang 12 taon at multa ng
Php100,000 hanggang Php
1,000,000.
- Paglabag sa mga batas na
ipinatutupad ng ating bansa
gaya ng pagpatay.

Paglalapat Stratehiya: Action Drawing Board Technology


(APPLICATION) Integration
Panuto:
DLC No. & Statement: 1. Mag-isip ng plano na App/Tool:
11.2. Natutukoy ang nagpapakita kung paano
mga paglabag sa maiiwasan ang paglabag na Link:
pagmamahal sa bayan kilos sa Pagmamahal sa Bayan.
(Patriyotismo) na 2. Sa halip na isulat sa Note:
umiiral sa lipunan pangungusap ang mga naisip
na plano ito ay iguhit at Picture:
Saykomotor/ kulayan sa malikhaing paraan
Psychomotor Obj: sa isang ⅛ illustration board.
3. Matapos iguhit, ito ay ipaskil
Nakagagawa ng mga sa bulletin board ng silid-
kilos na nagsusulong aralan.
na iwasan
ang mga kilos na
lumalabag sa
pagmamahal sa bayan.

Pagsusulit 1. Multiple Choice (1-5) Technology


(ASSESSMENT) Integration

DLC No. & Statement: Panuto: Basahin ng mabuti ang mga App/Tool:
11.2. Natutukoy ang sumusunod na katananguan. Bilugan
mga paglabag sa Link:
ang titik na may pinaka tamang sagot.
pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) na Note:
1. Alin sa mga sumusunod ang
umiiral sa lipunan
nagpapakita ng Pagmamahal sa bayan? Picture:

Pangkabatiran a. Paggalang sa mga nakakatanda


Cognitive Obj: b. Pagbibigay galang sa mga
nakakatanda
Nakakikilala ng mga c. Pagbibigay halaga sa pag-aaral
kilos na lumalabag at d. Pagsunod sa mga batas na
angkop sa
pinatutupad ng bansa
pagmamahal sa bayan
na nakikita sa lipunan
2. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng paglabag sa
pagmamahal sa bayan?

a. Pagsasawalang bahala sa pag-


aaral
b. Pagtangkilik ng mga produkto
ng ibang bansa.
c. Pagsuway sa mga pinatutupad
na batas ng bansa
d. Pagpuputol ng mga puno at
pagtapon ng basura sa
kapaligiran
3. Ang ama ni Dina ay isang
mangingisda at siya ay nanghuhuli ng
mga exotic na hayop dahil mas malaki
ang halaga nito kumpara sa mga
pangkaraniwang isda. Anong batas
ang nilalabag ng ama ni Dina?

a. Anti-Jaywalking Law
b. Republic Act No. 9147
c. Republic Act. No. 8491
d. Republic Act No. 10535

4. Alin sa mga sumusunod ang pinaka


nagpapamalas ng pagpapahalaga sa
kulturang Pilipino?

a. Si Monica ay minsan nang


nakapunta sa mga musileyo.
b. Si Cathy ay nagpupunta sa
iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.
c. Si Jennibel ay laging
tinatangkilik ang mga
produktong pinoy.
d. Si Erika na ipinagmamalaki
ang Filipino-themed tattoo.

5. Ang Republic Act No. 8491 ay


naglalayong na bigyang pansin ang
mga tao na:

a. Pagtawid sa hindi tamang


tawiran.
b. Pagtangkilik ng mga
produktong hindi gawang
pinoy.
c. Hindi pagbibigay galang sa
Pambansang Awit at watawat.
d. Hindi pagsasagawa ng mga
tungkulin bilang isang
mamamayan.
Tamang Sagot:
1. A
2. C
3. B
4. C
5. C

2. Sanaysay/Essay (2)
Panuto: Unawain ng mabuti
ang mga sumusunod na
katanungan. Sagutin ng buong
husay ang mga hinandang
tanong na binubuo lamang ng
2-4 pangungusap.

1. Bilang isang mag-aaral at


mamamayan ng ating bansa
bakit mahalaga na matukoy
natin ang mga angkop at
paglabag sa pagmamahal sa
bayan?
2. Sa paanong paraan mo
maisusulong na maiwasan ang
paglabag sa pagmamahal sa
bayan? Sagutin nang hindi
bababa sa 150 salita.

Inaasahang sagot:

1. Bilang isang mag-aaral at


kasapi ng lipunan mahalaga na
matukoy ang mga angkop at
paglabag na kilos sa
pagmamahal sa bayan sapagkat
ito ay makakatulong sa pag-
unlad ng ating bansa. Maliban
doon natututo tayo maging
disiplinado sa pagsunod sa mga
batas sa loob man ng paaralan
pati na rin sa lipunan.

2. Mula elementarya pa lamang


ay itinuturo na sa atin ang
konsepto ng pagmamahal sa
bayan. Nariyang tinuruan tayo
na tangkilikin ang sariling atin
at bigyang pagpapahalaga ang
mga kultura at gawi na parte na
ng ating pagiging Pilipino.
Ngunit habang lumilipas ang
panahon, patuloy pa ring
nadadagdagan ang bilang ng
mga insidente ng paglabag sa
pagmamahal sa bayan at nag-
iiba na rin ang mga paraan na
kailangan nating gawin upang
manatili pa rin at hindi ito
malimot ng mamamayang
Pilipino. Kaya’t bilang isang
mag-aaral, isa sa mga
epektibong paraan na aking
kayang gawin ay ang isulong
ang patuloy na pag-suporta sa
ating kultura, sa mga likhang
sining ng ating mga ninuno
pati na rin ang sa mga
katutubo. Gayundin ang pag
siguro sa pagpapanatili ng
kaayusan sa komunidad na
aking kinabibilangan, at ang
patuloy na pagpapaalala rin sa
aking kapwa. Ang mga ito ay
aking maisasakatuparan sa
pamamagitan na rin ng
paggamit ng social media gaya
ng Facebook o YouTube, nang
sa gayon ay mas maraming tao
ang makakita ng aking
kampanya, at importante rin na
ako ay makibahagi sa mga
proyekto sa aming barangay na
nagsusulong ng pagmamahal
sa bayan.

Takdang-Aralin Technology
(ASSIGNMENT) Stratehiya: Movie Analysis Integration

DLC No. & Statement: Panuto: App/Tool:


11.2. Natutukoy ang 1. Ang mga mag-aaral ay
mga paglabag sa kinakailangang panoorin ang Link:
pagmamahal sa bayan pelikulang “Heneral Luna” sa
(Patriyotismo) na direksyon ni Jerrold Tarog. Note:
umiiral sa lipunan 2. Pagkatapos siyasatin ang
pelikula, ang mga mag-aaral ay Picture:
magtatala ng hindi bababa sa
tatlong (3) mga eksena o
pangyayari mula rito na
kakikitaan ng paglabag sa
pagmamahal sa bayan ng
partikular na Pilipino.
3. Inaasahan din na masagot ng
mga mag-aaral sa bawat
halimbawa ng kanilang itinala
ang mga katanungan na:

1. Paano mo nasabi na ang


eksenang ito ay lumabag sa
pagmamahal sa bayan?

2. Ano ang nararamdaman mo


ngayong napag-alaman mong
ang pangyayaring ito ay
nagawa ng kapwa mo Pilipino?

3. Kung ikaw ang nasa


kalagayan ng karakter,
gagawin mo rin ba ang ginawa
niya? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Panghuling Gawain Technology


(Closing Activity) Stratehiya: Acronym Making Integration
DLC No. & Statement: App/Tool:
11.2. Natutukoy ang
mga paglabag sa Panuto: Link:
pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) na 1. Ang klase ay hahatiin ng guro Note:
umiiral sa lipunan sa anim (6) na grupo.
Picture:
2. Bawat grupo ay kailangang
umisip ng acronym patungkol
sa natutunan nila sa araw na
ito. Kung ilan ang bilang ng
miyembro ay siya ring bilang
ng letra para sa acronym.

3. Mamimili ang bawat grupo ng


isang miyembro na
magbabahagi nito sa klase.

You might also like