Quiz 1 Ap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusulit

1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.

A. Ekonomiks B. Sosyolihiya C. Kasaysayan D. Heograpiya

2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang
limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.

A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan

3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para
kanino, at gaano karami ang gagawin.

A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan

4. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos man o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon

B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang pagpapasya.

C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at serbisyo na nais
niyang bilhin.

D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang
mga ito ay mahalaga para sa kanya.

5. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opportunity Cost

6. Walang pinipiling edad ang tao upang matutunan ang kahalagahan tungkol sa ekonomiks. Ano ang
idudulot nito sa isang mag-aaral sa pang-araw-araw niyang pamumuhay?

A. Magiging mapanuri at mapagtanong sa paligid.


B. Matutong gumastos sa mga hindi importanteng bagay.
C. Mas nanaisin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
D. Makatutulong sa mayayamang mamumuhunan sa paglago ng pambansang ekonomiya.

7. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may
pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang
iyong desisyon. Ano ang tawag dito?

A. Opportunity Cost B. Marginal Thinking C. Incentives D. Trade-Off


8. Pinapahalagahan sa ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran. Paano mo
maipakikita ang iyong natutunan tungkol dito sa pangaraw-araw na pamumuhay?

A. Pagbabadyet ng allowance.
B. Bumili ng kape sa mamahaling coffee shop upang may kita ang tindahan.
C. Bumili ng mga bilihing naka-discount kahit hindi gagamitin.
D. Walang pakialam sa nangyayari sa lipunan.

9. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw. Bakit mahalagang
maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?

A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.


B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.

10. Saan nagmula ang salitang Ekonomiks? Oikonomia

11. Ano ang ibig sabihin ng oikos. Bahay

12. Ano ang ibig sabihin ng nomos. Pamamahala

13. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang
limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Sambahayan

14. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin,
para kanino, at gaano karami ang gagawin. Pamayanan

15. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad
ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito? Kakapusan

You might also like