Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Gawain 1:

1. Paano mailalarawan ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang


pambansa, wika ng bayan at wika ng edukasyon at pananaliksik?

Dahil ito ay nagbibigay ng daan para sa pagkakaisa ng bawat mamamayan at


nagbibigay tulong sa pag-unlad sa iba't ibang aspeto sa isang bansa. Kinakailangan din ng
isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng
bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay
hindi nagkakaisa at nagkakaintindihan.

2. Paano nauugnay ang pagpapalakas ng wikang Pambansa sa pagpapatibay


ng kolektibong identidad at pagkakamit ng pambansang pagkakaisa at
kaunlaran?

Kapag ang bawat mamamayan ng bansa ay marunong at maalam sa wikang


pambansa, magiging daan ito upang magkaroon ng maayos at malinaw ng
komunikasyon. Mula ditto ay magkakaroon ng matibay kolektibong identidad ang ating
bansa. Gamit ang wikang pambansa ay magkakaroon din ng pagkakaintindihan ang
mamamayan ng siyang magdudulot ng pagkakaisa at maging ng kaunlaran ng bansa.

3. Paano ka makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang


daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma at
nakaugat sa lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon
sa pangangailangan ng komunidad at bansa

Sa pamamagitan ng pag-gamit ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sa


pang araw-araw na pamumuhay sapagkat ito ang nagiging daan upang tayong mga
Pilipino ay nagkakaisa at nagkakaintindihan.

This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-LABTOdocx/
Gawain 2

Panuto: Pumili ng dalawa sa mga pahayag sa ibaba at Ibigay ang sariling reaksyon ukol
dito batay sa araling tinalakay. Gawin ito sa hiwalay na papel.

“Dapat itanim sa isip tuwina na kung paanong iisa tayo sa lahi ay nararapat
namang maging isa rin sa wika, at ang wikang ito’y hindi ang dayuhan kundi ang
katutubo, ang sariling atin ang Wikang Pambansang Pilipino.” – Claro M. Recto

Dapat nating alalahanin na bilang isang bansa, mayroon tayong isang karaniwang
kultura. Anuman ang ating pinagmulan, ang ganitong uri ng kultura ay magsasama sa
atin. Ang ganitong uri ng kultura ay isang salamin ng wika, at ito rin ay isang
kadahilanan sa pagkakaisa ng bawat isa sa ating mga mamamayan. Kami ay isang
malayang bansa, at isa sa mga pribilehiyo na nakukuha natin dahil sa ating kalayaan
ay ang magkaroon ng ating sariling wika, na siyang pagkakakilanlan ng ating lahi.
Gayunpaman, maraming mga salik na banyaga ang magbabawas ng halaga nito sa ating
lipunan, tulad ng pagbubukas upang tanggapin ang Ingles bilang pangunahing wika ng
bansa. Tungkol sa akin, kahit anong wika ang magbigay sa amin ng representativeness ng
isang malayang bansa, dapat nating gamitin ang patunay ng pagkakakilanlan. Ito ay isang
katutubong wika, iyon ay, ang wikang Filipino.

“Naniniwala akong hindi sa utak ng paha, tumutubo at umuunlad ang mga


salita…Kundi sa bibig ng madla..” – Lope K. Santos

Ang pahayag na ito ni Lope K. Santos ay nagsabi na ang madla na nagsasalita ng


wika ay ang mga may kakayahang mapalawak ang wika. Sa tuwing may nakikipag-usap
ay nakakapulot ito ng bagong salita. Dahil sa pang- araw-araw na paggamit ng
pambansang wika, patuloy na lumalawak ang pag- unawa at pagkilala ng mga tao dito.

This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-LABTOdocx/
Ebalwasyon: Gawin ito sa hiwalay na sulating papel.

I. Isulat ang TAMA kung ang diwa ng pangungusap ay tama. Kung mali,
isulat ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang
ang diwa ng pangungusap ay maging tama.

FIL1I.PAINngOwikang Pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.


2T.AMMaAy dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang
Pambansa ng Pilipinas.
3T.AAMnAg pinaka-esenya ng konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging
lingua franca nito.
NAKASAGABAL4. Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay nakatutulong sa
kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika.
T5A. SMaAkanyang pananaliksik, ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol
ay kinakatawan ni Pool (1972) sa pamamaraang grapikal na tinatawag na
scatterplot.
6T.AMAAyon kay Fishman (1968), ang mga bansang
may iba-ibang
komposisyong linggwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa
TAMkAaunlaran.
7. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.
HINDI LAYUN8IN. Malinaw na layunin ng pagpapaulad mg wikang Filipino ang pagkitil sa
ating mga diyalekto.
T9A. MAyAon kay Villacorta (1986), mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng
wikang Pambansa upang mapabilis ang kolektinong partisipasyon ng
sambayanang Pilipino.
KAUNLAR1A0N. Napakarami pang dapat gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino
nang sa gayo’y lubos itong makaganap sa tungkuling kaugnay ng pambansang
kapayapaan.
HEOGRAPIKA1L1. Ang katangiang espiritwal ng Pilipinas ang nagdudulot ng pagkakaiba- iba ng
wika at kultura sa bansa.
TAGALOG

This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-LABTOdocx/
12. Batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na wika sa Pilipinas ay
Cebuano.
1TA3.MNAananatiling makapangyarihang wika ang Ingles sa Pilipinas.
PANG-EKONOMIYA14. Ang kalagayang pang-edukasyon ang nagtutulak sa mga Pilipinong sa ibang
bansa magtrabaho.
PANGA1T5L.O Pangalawa ang Filipino sa mga wikang may
pinakamaraming
nagsasalita sa Estados Unidos.

II. Magpunta sa inyong aklatan at pansinin ang mga kamakailang pananaliksik na


nakasulat sa wikang Filipino. Pagkatapos ay kumpletuhin ang kasunod na
talahanayan.

Pamagat Taon Mananaliksik Larangan


Baylingwalismo 2004 John Reeve Alano Literatura
Ang Filipino Bilang 2008 Niña Christina L. Larangan ng
Wika sa Matematika: Zamora Edukasyon
Isang Palarawang
Pagsusuri sa Kaso
ng isang Pribadong
Paaralan
Ang kahalagahan ng 2018 Carrion et al. Wika at
Wikang Filipino sa Panitikan
Makabagong
Henerasyon

This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-LABTOdocx/
III.Ilarawan ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa
pamantasang ito. Ito ang rubriks sa pagmamarka: Mainam ang diwa ng mga
pangungusap – 10 puntos; Katanggap-tanggap ang diwa ng mga pangungusap- 8 puntos;
Walang kaisipan ang pangungusap na nabuo- 3 puntos

Ang wikang Filipino ang wika ng lahat ng tao na naririto sa Pilipinas at ito ang
nagbibigkis sa ating lahat ano pa man ang iyong propesyunal na antas. Kung marami ang
makakaunawa sa isang saliksik dahil ito ay inilahad sa lenggwahe na naiintindihan ng
karamihan, mas mapapalawak din ang pagsulong ng isang pagsasaliksik. Ika nga nila,
kung mas maraming ideya ang malilikom mula sa sari’t saring mga tao, mas
napapalawak ang kaalaman tungkol sa isang bagay.

Ang paggamit ng Filipino bilang wika ng saliksik ay nagbibigay at naglalayon na


pagtibayin ang paggamit ng pambansang wika sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral mapa-
akademiko, syensya, atbp. Kung ito rin ay ating gagamitin sa pananaliksik, magkakaroon
ng mas malalim na pag-unawa sa mga paksang kadalasa’y hindi batid o maintindihan ng
karamihan.

Kung titignan natin, kakaunti sa mga saliksik dito sa ating bansa ang nakalimbag
sa wikang Filipino. Karamihan sa mga ito ay nakalathala sa wikang Ingles. Mabibigyan
lamang ito ng halaga ng maliit na porsyento na mga higit na makakaunawa sa mga ito.

IV. Sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa Wikang Filipino Bilang Wikang


Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Edukasyon at Pananaliksik. Rubriks sa
pagmamarka: Mainam ang diwa ng mga pangungusap – 10 puntos; Katanggap- tanggap
ang diwa ng mga pangungusap- 8 puntos; Walang kaisipan ang pangungusap na nabuo- 3
puntos.

Ang Wika ng Karunungan

Una sa lahat ano nga ba ang wika? At ano ang karunungan? Bakit
na-iuugnay ang wika sa karunungan? Sa pagkakaalam natin, ang wika

This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-LABTOdocx/
ay isang lingwahe lamang na ginagamit natin sa pang-araw-araw
ngunit ang hindi natin alam dito ay sumisimbolo rin sa ating
pagkakaisa at ito ay wika ng karunungan kalaman kung gaano ba ka
importante ang wika sa bawat mamamayan ng pilipinas marami man
tayong ginagamit na dayalekto nag-iisa parin ang ating wika ang
wikang Filipino.

Hindi natin alam kung saan nanggaling ang ating mga salita dahil
kusa o likas itong pamamaraan upang mag-pahayag, matuto o
makaalam ng mga bagay-bagay. Ang wika rin ay nag-silbing ugnay
upang magkaintindihan tayong lahat. Ito ay tumatalakay sa ating
kaalaman na pinaunlad ng ating wika at upang makatulong sa pag-
intindi sa kahit anong sulat, tawag, o mismo sa ating kapwa pilipino.

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga


nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan
niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang
Bathala. Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang
mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at
paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at
marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas,
drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang
maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga
katanungan.

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal,


banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid
ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang
panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan,
pampolitika at panlipunan, pang-simbahan o pang-kabuhayan at
maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang-displina.

At kung wala ang Wikang Filipino, hindi tayo magiging isa o hindi
tayo matatawag na mga Pilipino. Dahil ang Wikang Filipino ay
sadyang nandyan sa atin yan dahil ito ang ating ginagamit sa
pakikipag- komunikasyon sa kapwa Pilipino at kapwa tao.

This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-LABTOdocx/
Filipino sa Iba’t
ibang Disiplina
(FILDIS)
(GE715)

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-
STEPHEN KEITH B. LABTO
This study source was downloaded by 100000791557192 from CourseHero.com on 09-03-2022 01:26:57 GMT -05:00
BSCpE-

https://www.coursehero.com/file/95182941/KABANATA-1-

You might also like