Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KABANATA II

Gabay na Tanong:

1. Paano at bakit ang Filipino ay naging isang disiplina? Ano ang istado ng
Filipino bilang isang disiplina? Ano-ano ang mga patunay nito?
Ang Filipino ay naging disiplina sa pamamagitan ng paggamit nito sa iba't ibang larangan
o kurso. Isa itong malinaw na katotohanan na sa kasalukuyang panahon ang wikang Filipino ay
tanggap at ginagamit ng mga Pilipino ano mang tribu o grupo ang kanilang pinanggalingan.
Makatutulong ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang disiplina upang mas mapaunlad ang ating
sariling wika at makasabay ito sa ibang mga wikang umiiral sa mundo. Ayon nga kay Dr. Jose
Rizal paunlarin mo, ang wikang sarili, palaganapin ito, bayaang mapangalagaan ang sariling
kaisipan at sa halip na magkaroon ng lunggati ang panlalawigan lamang, dapat magkaroon ng
kaisipang nayungyungan ng iba, magpaunlad ka ng kaisipang malaya. Patunay na ang Filipino
ay di lamang instrumento ng komunikasyon, bagkus bukal ng karunungan. Ang wikang Filipino
ay ang pambansang wika na itinakda ng Konstitusyon ng Pilipinas. Patuloy itong
pinayayabong ng lahat ng mga wikang ginagamit at pinauunlad ng mamamayan.

Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at


katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan.
Kasalanan at kataksilan sa bayan ang pagtanggal ng wikang Filipino at panitikan sa hanay ng
mga aralín sa kolehiyo o anumang antas ng paaralan. Mahigpit ang pangangailangang itanghal at
ipaglaban nating lahat ang wikang Filipino at panitikan. Batay sa patakarang pangwika ng
Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP), ang wikang Filipino ay wikang
pagdudukalan ng pagkakakilanlang pambansa. Nakapaloob sa wikang ito ang kabihasnan at
kulturang Pilipino. Kadikit ng pagtatanghal sa wikang Filipino ay ang patuloy na pagtataguyod
ng mga local at rehiyonal na wika na balon ng mga ideya, damdamin, pagpapahalaga, pananaw
at pag-uugali ng mga mamamayan. Napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa
pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral
at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi
pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya,
praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.
2. Ano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Siyensya, Matematika,
Inhenyerya at iba pang kaugnay na larangan? Ano-ano ang mga patunay nito?

Bagama’t marami nang patunay na may kakayahang magamit ang Filipino bilang wika
ng pananaliksik at pagtuturo sa larangan tekinikal gaya ng Syensya, Inhenyeriya, at
Matematika, marami pa ring agam-agam ang ilang mga iskolar na Pilipino sa tunay na
kakayahan nito bilang wika ng karunungan sa mga na banggit na disiplina hindi gaya ng
Niponggo/Nihonggo, Ingles, Pranses at Aleman. Sa katunayan, halos lahat ng teksbuk sa
mga nasabing asignatura ay nasusulat sa wikang Ingles at ang karamihan sa mga gurong
Pilipino na nagtataguyod ng mga disiplinang ito ay bihirang gumamit ng wikang Filipino
bilang wikang panturo.

Filipino sa Syensya. Sa kabila ng masaklap na katotohanang ito, patuloy pa rin naman


ang KWF, ang Sentro ng Wikang Filipino ng UP-Diliman, at maging ang mga pna samahang
pangwika sa pagsasagawa ng mga panayam, kumperensya, pagsusulat at pagsasalin ng mga
sanggunian at paglalathala ng pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang wikang
Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar na naniniwala sa kakayahan ng wikang itong
magamit sa mga nabanggit na larangan.

Filipino sa Matematika. Sa kabilang banda, matibay naman ang paniniwala ni Atty.


James Domingo ng Kolehiyo ng Akawtansi ng UST sa kakayahan ng wikang Filipino bilang
midyum ng pagtuturo ng mga asignatura sa kursong Akawntansi. Sa katunayan, ayon sa
kanya, sa loob ng isang taon din ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, lubos na
nauunawaan ng mga mag-aaral niya ang iba’t ibang konseptong pang-Akawntansi. Patunay
rito ang mataas na porsyento ng mga mag- aaral na nakakapasa sa kanyang mga ginagawang
pagsusulit sa mga araling ginagamit niya ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo.

Filipino sa Inhenyeriya. Malaki rin ang ginagawang tungkulin ng wikang Filipino sa


larangan ng Inhenyeriya. Sa katunayan, ito ang nagsisilbing pangunahing instrument ng mga
inhenyeriya sa kanilang pagbuo ng mga imprastraktura sa mga mamamayang Pilipino na
nasa marhinalisadong sitwasyon o maging mga nasa gitnang uri man. Dahil sa wikang
ito, mas napapabilis ang ugnayan ng bawat isa.
3. Ano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Humanidades, Agham
Panlipunan at iba pang kaugnay na larangang? Ano-ano ang mga patunay
nito?
Sa pamamagitan ng wikang Filipino mas lalo nating mapapalawak ang larangan ng
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang mga larangan kasama na rito ang ating sarili. Higit
tayong maiangat at magalang sa paniniwalang likha nito at gawi ng ibang tao. Hindi
makakailang mas madaling maintindihan ng mga Pilipinong mag aaral sa larangan ng
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan. Sa katunayan, ito ang daan
tungo sa pag unlad ng wikang Filipino.

4. Paano ba mapapalaganap at mapauunlad ang paggamit ng wikang Filipino sa


iba’t ibang larangan.
Ang wikang Filipino ay instrumento sa pag uunlad ng kultura at sining sa isang bayan.
Napakahalaga ng wikang Filipino iba't ibang larangan o disiplina bagamat ito ang nagbibigay
buhay, diwa na nagpapakilala sa ating bayang pinagmulan. Ito rin ang sumasalamin sa ating
pagkatao, kultura, kagawian, kaugalian, paniniwala, karunungan at kaalaman ng bawat tao sa
ating bayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating
komunikasyon. Ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo
tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa. Ang wikang Filipino ang susi sa
pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing tagumpay. Sa
pagbabago ng lipunan at panahon, natural na lamang ang sumabay sa wikang pagbabago't
modernisasyon na gumagamit nito. Kaya't ating tangkilikin ang sariling atin upang bansa'y
umunlad at makilala ng ibang bansa saan mn dako ng ating mundo. Ating gamitin ang wikang
Filipino sa pakikipagtalastasan, pagsulat at pagsulat upang makaintindihan ang bawat isa.
Ebalwasyon

Sagutin ito sa hiwalay na sagutang papel.

I. sulat ang letra ng wastong salita sa loob ng panaklong upang makabuo ang
sumusunod na pangungusap.

1. Batay sa patakarang ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, ang wikang (a.


Tagalog, b. Filipino, c. Ingles) ay wikang pagdudukalan ng pagkakakakilanlang
pambansa.

2. Bilang (a. mamamayan, b. wika, c. asignatura), sakop ng Filipino ang iba’t ibang
kaalamang may kinalaman sa pagiging Pilipino na magpapatibay sa pagkaugat ng mga
estudyante sa sariling identidad.

3. Layunin dapat ng (a. pamilya, b. relihiyon, c. edukasyon) ang humubog ng mga mag-
aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan.

4. Ang salitang pandamdamin sa wikang Filipino gaya ng saya na nakabatay din ang
pagpapakahulugan sa (a. emosyonal, b. kultural, c. political) na kalagayan ng Pilipinas.

5. Patuloy ang (a. KWF, b. NCCA, c. UAAP) sa pagsasagawa ng mga panayam at


komperensya, pagsusulat at pagsasalin ng mga sanggunian at paglathala ng pananaliksik
sa mga larangang teknikal gamit ang wikang Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar
na naininiwala sa kakayahan ng wikang ito na magamit sa nabanggit na mga larangan.

6. Ayon kay Sevilla III, malaki ang pangangailangan ng paggamit ng wikang Filipino sa
agham at teknolohiya lalo na sa larangan ng (a. Edukasyon, b. Agrikultura,
c. Ekonomiya) na siyang kailangan ng lipunan.

7. Pinatunayan na ng mga saliksik ma ang Filipino ay may kakayahang maging (a.


eksklusibong, b. inklusibong, c. komunikatibong) wika sa edukasyon sa bansa sa
darating na panahon.

8. Mahalagang tumimo sa isip ng bawat Pilipino na ang wikang (a. Tagalog, b. Pilipino, c.
Filipino) ay patuloy na uunlad sa iba’t ibang larangan.

9. Ayon kay Timbreza, walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang Filipino sa mga
disiplima tulad ng syensya, teknolohiya at humanidades sapagkat ang wikang ito ay (a.
mapag-ampon, b. mapagkalinga, c. mapagmahal).

10. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa larangan ng ( a. Medisina,


b. Inhenyerya, c. Agrikultura) dahil ito ang nagsisilbing pangunahing instrumento ng mga
doctor sa kanilang panggagamot sa mga mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong
sitwasyon o maging mga nasa gitnang uri.
II. Tukuyin kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang T o M sa patlang
inilaan.

1. M Ang Kalayaan bilang opisyal na pahayagan ng Katipunan ay gumagamit ng


wikang Tagalog sa paglathala bilang tugon sa pangangailangan ng bayan.

2. M Lubos na matutuhan ng mga kabataang Pilipino ang kultura at kasaysayan ng


kanyang lipunan gamit ang wikang Ingles.

3. T Ang mga kasabihan o sawikaing Pilipino ay instrumento upang maunawaan


ang Pilosopiyang Pilipino.

4. T Humanidades ang substansya ng pagkatao ang bumubuo at bumubuhay sa tao,


lampas sa batayang pangangailangan.

5. M Sa layunin ng pagkatuto, mainam na gamitin ang wika ng bata sa pagtuturo upang


mas mabilis niyang maunawaan ang mga aralin.

6. M Sa kabuoan, maituturing na radikal o subersibo ang pahayagang La Esperanza na


nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

7. M Walang kakayahan ang wikang Filipino na maging wika ng karunungang pang-


inhenherya batay sa naranasan ni Prop. Salazar sa kanyang pagtuturo.

8. T Nagagamit na ang wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa Agham-


Panlipunan. Patunay rito ang mga artikulong nalathala sa Malay, Hasaan at Daluyan
Journal.

9. M Pagsasalin ang isa sa mga pamamaraan upang matamo ng Filipino ang


intelektwalisasyon nito na matagal nang pinapangarap ng mga nagtataguyod ng wikang
ito.

10. T Tunay na mauunawaan ng isang propesor at mag-aaral ng Sosyolohiya ang


lipunang kanilang pinag-aaralan gamit ang wikang katutubo sa nasabing baya
III. Punan ang sumusunod na talahanayan ng mga gamiting terminolohiya ukol sa bawat
sumusunod na larangan o disiplina. Itala rin ang kaukulang kahulugan, salin sa Filipino, at gamit
sa pangungusap ng salin sa Filipino ng mga terminolohiya.

A. Medisina

Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


aklat/diksyonaryo Pangungusap

Acute - karaniwan itong Matindi Matindi ang


nagagamit sa nararamdamang
masakit na sakit ni Leng sa
pakiramdam na kaniyang sakit na
nagpapahayag ng brain tumor.
pagiging malala ng
sakit.

B. Inhenyeriya

Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


aklat/diksyonaryo Pangungusap

Construction -ang sining o Konstruksyon Mabilis ang


pamamaraan ng Konstruksyon ng
Pagmamanupaktura mga gusali sa
ng mga gusali at Maynila.
imprastraktura

C. Sining

Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


aklat/diksyonaryo Pangungusap

Singing - Ang pag-awit ay Pag- awit Ang kanyang istilo


isang gawain ng ng pag awit ay
paglikha ng mga napakagaling.
tunog pang-musika
ng tinig, na
kadalasang salungat
sa pagsasalita.
D. Sosyolohiya

Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


aklat/diksyonaryo Pangungusap

Norms -anumang ginagamit Pamantayan Binago nila ang


bilang batayan, tulad mga pamantayan
ng alituntunin, sapagkat ito ay
prinsipyo at iba pa. hindi na mabisa

E. Pamamahayag

Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


aklat/diksyonaryo Pangungusap

Newspaper - naglalaman ng Pahayagan Nalaman niyang


mga balita o tala totoo ang balita ng
tungkol sa mga mabasa niya ito sa
kaganapan na pahayagan.
nangyayari sa
lipunan.

F. Disiplinang Pinag-aaralan

Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa


aklat/diksyonaryo Pangungusap

Corrective - idinisenyo upang Nagwawasto Ang mga guro ay


itama o makontra ang nagwawasto ng
isang bagay na ating pagsusulit.
nakakasama o hindi
kanais-nais.

You might also like