Amerikano at Hapon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang 

maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni


ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa
isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na
inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito.
               Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan
lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos.

Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na


nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa
katergoryang piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang kathang isip lamang ng
manunulat. Naglalaman ito ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming
pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan. Binubuo ito ng 60,000
hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang kathang ito ay hindi mababasa
sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan dito.

1. Tagpuan – Ito ay ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari. Kumpara sa
iba pang uri ng akdang pampanitikan, ang kwento sa nobela ay hindi naganap sa iisang
tagpuan lamang, sa halip ang mga pangyayari ay nagaganap sa iba’t-ibang lugar at panahon.
2. Tauhan – Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.
3. Banghay – Ito ang pagkakasunud-sunod o daloy ng mga pangyayari.
4. Pananaw – Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of view). Ito ay maaring
maging una, pangalawa o pangatlo.
A. Una – Kapag ang may akda ay kasali sa kwento
B. Pangalawa – Ang may akda ang nakikipag-usap
C. Pangatlo – Ito ay batay sa obserbasyon ng may akda
5. Tema – Ito ay paksa kung saan umiikot ang istorya ng nobela. Ito ay maaring maging tungkol
sa pag-ibig, paghihiganti, digmaan, kabayanihan, kamatayan, at iba pa.
6. Damdamin – Ito ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari. Ang damdamin ay ang emosyong
nais iparating ng awtor sa mga mambabasa.
7. Pamamaraan – Ito ay ang istilo na ginamit ng manunulat.
8. Pananalita – Diyalogong ginamit sa nobela
9. Simbolismo – Ito ay ang mga tao, bagay, hayop at pangyayari na nagpapakita ng mas
malalim na kahulugan. Ang magandang halimbawa ng simbolismo sa nobela ay ang
pagsusuot ng tauhan ng itim na damit. Ito ay nangangahulugan ng pagluluksa sa tauhang
namatay.

Mga halimbawa
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng nobela:

 Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal


 El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
 Ang Huling Timawa ni Servando De los Angeles
 Ang Magpapawid ni Teodoro Virrey
 Ang Mestisa (1920) ni Engracio L. Valmonte
 Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
 Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
 Sugat ng Alaala ni Lázaro Francisco

Mga Layunin ng Nobela:

 Gigising ang diwa at damdamin ng mga bumabasa


 Magbigay – aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
 Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
 Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
 Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.

Ano Ang Tula? Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Ang tula ay
maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.
Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang
anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na
salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng
mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Mga anyo ng tula 

o Malayang taludturan 
o Tradisyonal 
o May sukat na walang tugma 
o Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula 

o Liriko o pandamdaming tula ○


o  Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman 
o  Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan. 
o  Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
o  Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) 
o  Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro 
o  Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari 
o Naratibo o nagsasalaysay 
o Padula/Drama 
o Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin;
halimbawa:bal agtasan 
o  Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
o Balagtasan
o Duple
Mga sangkap ng tula o Elemento ng tula

o 1. Sukat
o 2. Tugma
o 3. Tayutay
o 4.Ritmo
o a. Pagtutulad
o b. Pagwawangis
o c. Pagsasatao
o d. Pagmamalabis
o e. Pagpapalit saklaw
o f. Balintunay
o 4. Karigtigan
o 5. Symbolo
o 6.Anyo
o 7.Tono
o 8.Persona
o 9.Saknong
o 10.Kaanyuan
o 11.Karikitan
o 12. Indayog

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang
uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng
isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang
iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.


SANGKAP NG DULA
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan
ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng
dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang
isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang
paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong
na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng
dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian
sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng
mga manonood
ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip;
sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang
pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa
iskrip
Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal;
at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.
Ang HAIKU ay isang uri ng tula na may lima - pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng
tatlong taludtod. Narito ang aking mga ginawang haiku in Tagalog na ginawa na ring may tugma
sa huling bahagi ng mga salita.
Halimbawa ng Haiku:
1 2 3
Baliw sa haiku Gabing madilim, Masamang tao
Tuloy lang sa pagbuo Kulay ay inilihim, Darating ang wakas mo
Hanggang maluko. Kundi ang itim. Sa impiyerno.

4 5
Magdasal ngayon PANGINOON ko
Sa ating PANGINOON Patawarin mo ako
Upang maglaon. Ako’y iwasto.

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at


payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May
estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito
ang haiku ng mga Hapones.
Ang tanaga ay isang tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay
may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay
nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga
ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.

Halimbawa ng Tanaga:

Totoong sinungaling,
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,
Ang isa sa kaaway,
Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan... katabi mo lang!

-- Ildefonso Santos

You might also like