Sa isang malamig na sabado ng umaga, maagang nagising na ang mag-
asawang sina Pedring at Che-che. Inaantok pa si Che-che nang tumungo ito sa kusina at sumunod naman si Pedring para magtimpla ng kape. Ipinagtimpla rin niya ang kanyang asawa. Si Che-che naman ay nagsisimula ng mag-saing. Kinuha niya ang kaldero at nilagyan ng tubig para pakuluin sa kanilang munting kusina. Pagkatapos, iniabot ng kanyang asawa ang isang tasang kape. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa kanilang mga pangarap sa buhay at mga anak kong kumusta na bata ang mga ito sa eskewla.
Pagkalipas ng kalahating oras ay naluto na rin ang agahan kaya naghain
na si Che-che para makakain ang kanyang asawa at dalawang anak na kakagising pa lamang. Ang panganay ay si Angel na sampung taong gulang at ang bunso ay si Erwin na pitong taong gulang na kapwa mag-aaral ng Dumalian Integrated School. Pagkatapos niligpit ng magkapatid ang kanilang higaan, agad silang tumungo sa kusina para tulungan ang kanilang ina sa paghahanda ng agahan. Sa hapag-kainan, ang nagbibigay saya ay ang dalawang bata na panay ang kwento tungkol sa kanilang klase at mga kalaro sa mga nagdaang araw. Pagkatapos nilang kumain, tinulungan naman ang kanilang ina sa pagliligpit. Habang si Pedring naman ay naghahanda sa pagpunta niya sa bukid para mag-araro. Kinuha niya ang kanyang sombrero na nakasabit sa dingding na malapit lamang sa pintuan. Nakasuot siya ng lumang tsaketa, lumang damit, pantalon at bota. Nasa tagiliran naman ang kanyang itak. Inabot ni Che-che ang isang supot na may kanin at ang mabangong bagoong. Medyo malayo kasi ang kanilang bahay sa sakahan kaya tuwing hapon o di kaya’y aabutin pa ng gabi bago makauwi si Pedring. Mahigpit naman niyang ibinilin sa kanyang dalawang anak na magpakabait at huwag bibigyan ng sakit ng ulo ang ina. Kahit malayo na si Pedring, nakikita pa rin niya ang kaway ng dalawang bata at asawa, rinig pa rin niya ang sigaw ng mga ito. “Tay, ingat po kayo! Pasalubong rin po mamaya!” Hindi naman bago sa kanya iyon dahil araw- araw sinasabi ng kanyang mga anak ang katagang iyon pero ganoon pa man, hindi siya nagsasawa at hinding-hindi magsasawa.
Nang mawala na sa paningin ang kanilang haligi ng tahanan, pumasok
ulit sila sa loob ng bahay. Nagbihis si Che-che ng bistida na lagpas sa kanyang tuhod at itinali ang buhok kaya maaliwalas ang kanyang mukha. Habang sina Angel at Erwin ay nag-aagawan pa sa isang walis kaya’t inawat ito ng kanilang ina. Sinabihan nito si Erwin na maghugas na lang ng pinagkainan at ang kanyang nakatatandang kapatid na lang ang magwawalis ng bakuran. Si Angel naman ay pinapakain ang alagang hayop na isang baka, tatlong kambing at mga manok.
Pagkatapos, sabay silang tatlo na pumunta sa ilog. Dala-dala ni Che-che
ang malaking palanggana na pono ng maruruming labahan. Si Angel ang nagdadala ng tabo na may lamang sabon at bras para sa paglalaba at si Erwin naman ay may dalang dalawang balde na walang laman para sa pag-uwi nila mamaya ay matutulungan nila ang kanilang ina sa pagdadala. Sa napakalamig na umaga, may naglalaba na rin sa ilog. Masiglang bumati si Che-che sa kanyang pinsan na naglalaba kasama rin ang dalawang anak. Habang sila’y naglalaba, nagkukwentuhan rin at ang kanilang mga anak ay masayang nagtatampisaw sa tubig.
Sa bukid, nagsisimula ng mag-araro si Pedring kasama ang kanyang
mga pinsan. Ang araw ay nagpapakita na rin. Napakaganda ng panahon dahil sa mahalimuyak ng hangin, may mga ibon na lumilipad na parang nagsasaya, at ang tawanan ng mga taong nag-aararo. Si Teodoro ang nangunguna sa kwentuhan na sinasabayan naman ng kanyang mga pinsan. Pagsapit ng alas diyes ng umaga ay pansamantalang ng nagpapahinga ang mga nag-aararo at ang kanilang mga kalabaw ay pinalublob sa ilog. Masaya silang kumakain ng kamoteng kahoy na dala ni Nonong, isa sa kanyang mga pinsan. Alas dos treinta na ng hapon ay nagsimula ulit silang mag-araro at masigla na ang kanilang kalabaw dahil nakalublob ito ng matagal na oras.
Pagsapit ng hapon, naghahanda na si Che-che ng hapunan habang
sina Angel at Erwin ay binabantayan ang alagang baka at kambing na kumakain. Nang dumilim na ang paligid, umuwi ang dalawa at nadatnan nila ang kanilang ama na kakauwi lang. Nagmano at yumakap sila ng mahigpit. Nagbihis saglit si Teodoro ng pambahay tsaka pumunta sa kusina para maghapunan. Sinabi niya sa kanyang mga anak ang simoy ng hangin sa bukid kahit tirik na tirik ang araw at ang mga ibong umaawit kaya sina Angel at Erwin ay gusto ring pumunta sa bukid kahit malayo at dahilig ang kanilang dadaanan.
Kahit nakakapagod ang araw ni Pedring, nakakangiti pa rin siya dahil sa
kanyang asawa at dalawang anak. Araw-araw, nagsisikap siya para buhayin ang kanyang pamilya. Mag-aararo siya kahit tirik pa ang araw at bawat bungkal niya ng lupa, hindi lang ito ang binubuhay niya kundi pati na rin ang pangarap at kinabukasan ng kanyang pamilya. Kinagabihan maagang nag hapon, maagang nag haponan ang pamilya inihanda ni Che-che ang mainit na kanin kasama na ang mainit na sabaw habang si Angel naman ay kumuha ng mga plato na gagamitin sa hapag kainan habang kumakain mag-anak masaya silang nag-uusap sa kalinang ginawa buong araw.
Ang kwentong ito ay tungkol sa simpleng pamumuhay ng isang pamilya na
nangangarap, nagsisikap at higit sa lahat sama-sama para sa ika giginhawa ng bawat isa.