Professional Documents
Culture Documents
Si Dalia Ang Batang Ayaw Kumain NG Gulay
Si Dalia Ang Batang Ayaw Kumain NG Gulay
Si Dalia Ang Batang Ayaw Kumain NG Gulay
Narrator 1: Sa isang nayon, may isang batang babae na hindi kumakain ng gulay
at ang pangalan niya ay Dalia. Kahit anong klase ng gulay ang ibigay sa kanya hindi
niya ito kinakain. Ang kanyang ina ay nag iisip nang mga gagawin upang
makumbinsi ang kanyang anak na kumain ng gulay.
Nanay: “Anak, sabihin mo sa akin anong gulay ang gusto mo at aking ipapabili sa
iyong kapatid.” Ani ng in ani Dalia.
Dalia: “Hindi ko nga gusto ang gulay, ina. Huwag muna pabilihin si ate sa
palengke.” paliwanag ni Dalia sa ina.
Narrator 2: Walang nagawa ang kanyang ina at kapatid dahil ayaw ni Dalia sa
gulay.
Nanay: “Dalia, anak, kumain ka ng gulay dahil nakatutulong ito sa iyong
kalusugan.” Ani ni nanay.
Dalia: “Mapait po ang gulay ina, mas gusto ko pa po kumain ng candy kasi
matamis ito.” paliwanag ni Dalia.
Narrator 3: Iyak ng iyak si Dalia. Narinig ng kanyang kapatid ang usapan ni Dalia at
ng kanilang Ina. Naisipan ng kanyang kapatid na kumbinsihin si Dalia na kumain ng
gulay.
Ate: “Dalia, alam mo kung bakit ayaw makipaglaro si Rose saiyo? Hindi ka kasi
kumakain ng gulay. Tignan mo si Rose malusog at malakas ang katawan hindi
kagaya mo na lampa. Isa lang ang solosyon, kumain ka ng gulay.” Ani ng kanyag
kapatid.
Dalia: “Pero ang papait po ng mga gulay gulay ate.” Dalia na naiiyak pa.
Ate: “Alam mob a Dalia, ang gulay ay may iba’t ibang lasa? Hindi mo pa
natitikman kasi hindi mo nasusubukan. Merong matamis na kalabasa (minatamis
na kalabasa), malinamnam na lumpia at masarap na chapsuy. Gusto mo ba itong
subukan? At ipagluluto ko ito kay Ina.”
Dalia: “Kaya mga bata gayahin ninyo si Dalia na kumain ng gulay. Ang gulay ay
masarap at nagpapasigla!”