Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Alitagtag National High School Baitang Sampu

Edukasyon sa
Daily Lesson Log Guro Clarriza M. Calales Asignatura Pagpapakatao
Nobyembre 14, 2022 – Lunes Markahan Ikalawa
Araw at 8:00-9:00 - Gumamela
oras ng 9:00-10:00 - Daisy
10:30-11:30 - Tulip
Pagtuturo
1:30-2:30 - Camia
Nobyembre 15, 2022 – Martes
1:30-2:30 – Rosal
Nobyembre 17, 2022 – Huwebes
7:00 – 8:00 – Ilang-Ilang
9:00 – 10:00 – Sampaguita
I. LAYUNIN Ikatlong Araw Araw
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng pagkukusa ng makataong kilos.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagsusuri ang mag-aaral ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos;
kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito EsP10MK-IIb-5.4
II. NILALAMAN PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p.54-55
2. Mga pahina sa kagamitang pang – Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p.88-89
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao 10
4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/912
portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, MP3, awitin mula sa YouTube. Pananagutan
Y2Mate.is - Pananagutan - Gary Valenciano (Lyrics)-sA38rooKqIM-720p-1657978753055
III. PAMAMARAAN Constructivist Approach
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Sa pagsisimula ng klase, ang guro ay mamimigay ng Entry Pass kung saan ang mag-aral ay
pagsisimula ng bagong aralin aatasang isulat ang kanilang natutuhan sa nakaraang aralin, pagkatapos ay kukunin ito ng guro
upang bumunot ng magbabahagi sa klase. (Constructivist Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
5.3 Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos;
kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito
5.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos
Mula sa pakikinig ng awitin, sagutan ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang ibig sabihin ng awitin?
Ipaliwanag. 2. Paano inilarawan ng awitin ang Pananagutan?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Think-Pair-Share: Ang mag-aaral na magkapareha ay pipili ng mga tauhang kanilang pag-uusapan at
bagong aralin magkakaroon sila ng pagpapalitan ng kanilang ideya o kuro-kuro tungkol sa tungkulin nila bilang
anak, mag-aaral, kapatid at kapwa. Pipili lamang sila ng isang katauhan kung saan ay pag-uusapan
nila ang tatlong pinakatungkulin nila at nakaakibat na pananagutan sa mga naturang tungkulin. Ito
ang magsisilbing gabay nila sa kanilang gawain.
Gabay na katanungan:
1. Sa inyong napiling katauhan, ano ang inyong tungkulin?
2. Paano mo isinasagawa ang iyong tungkulin?
3. Ano ang kalakip na pananagutan nito?

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang grupo. Sa pamamagitan ng Strip Tease Reading, ang
paglalahad ng bagong kasanayan bawat grupo ay aatasang basahin ang talatang kanilang nabunot. Babasahin ito at iuulat ng
miyembro ang ibig nitong sabihin. Pagkatapos ay pipili sila ng kasunod na magbabasa at mag-uulat.
(Collaborative/Integrative Approach)

MAKATAONG KILOS
Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya
ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at
gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay
ang iba pang pakultad na kanyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos
ayon sa kanyang nais at ayon sa katuwiran. Bawat segundo ng kanyang buhay, siya ay kumikilos,
naghahatid ng pagbabago sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa mundong kanyang
ginagalawan.
May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao ( acts of man) at makataong kilos ( human act).
Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa
kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay
masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama - kaya walang pananagutan ang tao
kung naisagawa ito. Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa
tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang
sugat, paghikab, at iba pa.
Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya
at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at
kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kanyang
ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.
Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos. Kung
mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at
dapat pagsisihan. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos ( voluntary act).
Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay
nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito ( degree of willfulness o voluntariness)
ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang
kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas
mataas o mababang degree ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan.

Kraytirya:
20- Nabasa nang maayos ang mga salita, naiuulat ang ibig sabihin ng talata nang may kalinawan at
kalinisan.
17- Nabasa ang mga salita ngunit may kakulangan sa pag-uulat at pagpapaliwanag ng ibig mabigyan
ng malinaw na kasagutan.
13- Nabasa ngunit may pailan- ilang salita ang hindi malinaw at walang kaangkupan ang paglilinaw
sa binasa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gumawa ng outline tungkol sa binasang aralin. (Constructivist


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Approach)
I- Kahulugan ng Pananagutan
II- Mga Uri ng Pananagutan at Halimbawa
III- Realisasyon/Repleksyon tungkol sa Aralin.
F. Paglinang sa Kabihasnan Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang pananagutan?
2. Ano-ano ang uri ng pananagutan?
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Sa pamamagitan ng 3H, ang mga mag-aaral ay gagawa ng bookmarks kung saan susundin ang
na buhay format sa ibaba. (Reflective Approach)

H. Paglalahat ng aralin Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang
natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng
pagkukusa sa kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kanyang kaganapan - ang kanyang sariling
kabutihan o mas mataas pang kabutihan .Maging tama man o mali ang ating naging kilos bilang tao
handa nating harapin at itama ang ating pagkakamali nang may pananagutan.
I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang mga pangungusap ng TAMA o MALI. Kung mali , salungguhitan ang salita/pariralang
nagpamali at isulat sa itaas nito ang tama.
1. Ang kilos ng tao ay mga kilos na nagaganap sa tao ayon sa kanyang kalikasang hindi ginagamitan
ng isip at kilos-loob. (tama)
2. Ang kilos ng tao ay walang aspeto ng pagiging mabuti at masama kaya't walang pananagutan ang
tao kung maisagawa ito. (tama)
3. Ang makataong kilos ay isinasagawa ng may kaalaman, malaya at kusa. (tama)
4. Ang makataong kilos ay pinili mula sa tamang paghusga at konsensya. (tama)
5. Kailangang maging maingat ang tao sa kanyang kilos sapagkat ito ay maaaring maging isyung
moral at etikal. (mali, makataong kilos)
J. Karagdagang gawain para sa takdang Sa pamamagitan ng Mapping Activity, ibigay at ipaliwanag ang Tatlong Utos ng Kapanagutan.
aralin at remediation Sundin ang format sa ibaba.

IV. MGA TALA RBB Challenge/Task


Sa pamamagitan ng iyong simpleng gawain sa bahay bilang anak, ipakita ang iyong
makataong kilos at ibahagi ito.
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng Gumamela: 50
80% sa pagtataya Daisy: 48
Tulip: 47
Camia: 47
Rosal: 48
Ilang-Ilang: 43
Sampaguita: 49
B. Bilang ng mag-aaral ng iba pang gawain Wala
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial. BIlang ng Hindi nagsagawa ng remedial
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa Wala
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo Paggamit ng iba’t ibang larawan, komiks upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral.
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na Wala
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking Powerpoint presentation
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

CLARRIZA M. CALALES
Guro ng EsP
Inihanda ni:
JULITA NERIDA A. ARANO CLARRIZA M. CALALES
Ulongguro

Binigyang pansin:

MARK CHRISTIAN R. CATAPANG


OIC
Paaralan Alitagtag National High School Baitang Sampu
Edukasyon sa
Daily Lesson Log
Guro Clarriza M. Calales Asignatura Pagpapakatao

Nobyembre 15, 2022 – Martes Markahan Ikalawa


Araw at 7:00-8:00 – Camia
oras ng 8:00-9:00 - Gumamela
Nobyembre 16, 2022 - Miyerkules
Pagtuturo
1:30-2:30 – Daisy
Nobyembre 17, 2022 - Huwebes
12:30-1:30 – Tulip
Nobyembre 18, 2022 – Biyernes
7:00-8:00 – Ilang-ilang
9:00-10:00 - Sampaguita
1:30-2:30 - Rosal
I. LAYUNIN Ikaapat na Araw
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng pagkukusa ng makataong kilos.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagsusuri ang mag-aaral ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos EsP10MK-IIc-6.1
II. NILALAMAN PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 TG p.54-55
2. Mga pahina sa kagamitang pang – Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p.88-89
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao 10
4. Karagdagang Kagamitan mula sa http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/912
portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop, MP3, awitin mula sa YouTube. Pananagutan
Y2Mate.is - Pananagutan - Gary Valenciano (Lyrics)-sA38rooKqIM-720p-1657978753055
III. PAMAMARAAN Constructivist Approach
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Panuto: Hanap-salita. Bilugan ang mga salitang lubos na kailangan sa pagbuo ng pasya.
pagsisimula ng bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos EsP10MK-IIc-6.1

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Isabuhay Mo! Panuto: Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang
bagong aralin nasakan (maaaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang anh inisip mo).
Isulat ang mga sitwasyong ito at ang kapwang nasaktan sa una at ikalawang kolum. Magtala sa
ikatlong kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga pagkakataong may nasirang tiwala,
samahan, o ugnayan sa pagitan mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o kapitbahay.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Gumawa ng outline tungkol sa binasang aralin. (Constructivist
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Approach)
I- Kahulugan ng Pananagutan
II- Mga Uri ng Pananagutan at Halimbawa
III- Realisasyon/Repleksyon tungkol sa Aralin.
F. Paglinang sa Kabihasnan Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang pananagutan?
2. Ano-ano ang uri ng pananagutan?
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Mapanagutang Kilos Panuto: Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa
na buhay ibaba, ano ang dapat mong gawin? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

H. Paglalahat ng aralin Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang
natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng
pagkukusa sa kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kanyang kaganapan - ang kanyang sariling
kabutihan o mas mataas pang kabutihan .Maging tama man o mali ang ating naging kilos bilang tao
handa nating harapin at itama ang ating pagkakamali nang may pananagutan.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Sagutin ang mga aytem. Isulat ang salitang ―Makatao o
―Hindi Makatao at ibigay ang sariling opinyon kung ano ang
nararapat gawin.

J. Karagdagang gawain para sa takdang RBB Challenge/Task


aralin at remediation Sa pamamagitan ng iyong simpleng gawain sa bahay bilang anak, ipakita ang iyong makataong kilos
at ibahagi ito.
IV. MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng Gumamela: 50
80% sa pagtataya Daisy: 48
Tulip: 47
Camia: 47
Rosal: 48
Ilang-Ilang: 43
Sampaguita: 49
B. Bilang ng mag-aaral ng iba pang gawain Wala
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial. BIlang ng Hindi nagsagawa ng remedial
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa Wala
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo Paggamit ng iba’t ibang sitwasyon upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral.
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na Wala
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking Powerpoint presentation
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Inihanda ni:

CLARRIZA M. CALALES
Guro ng EsP
Iwinasto ni: Inihanda ni:
JULITA NERIDA A. ARANO CLARRIZA M. CALALES
Ulongguro
Binigyang pansin:

MARK CHRISTIAN R. CATAPANG


OIC

You might also like