Exam ESP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: _____________________________________ Pangkat: _________________ Iskor: _________

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Lagumang Pagsusulit

Panuto: Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong pagkatapos ay isulat ang tamang sagot sa patlang na inilaan para dito.

I. KATAPATAN SA SALITA AT GAWA


TAMA o MALI: Suriin kung ang pangungusap at isulat kung ito ay TAMA o MALI.
________1. Ang pagiging tapat ay mahalaga sa lahat ng pagkakataon.
________2. Ang pagbabalik ng gamit na naiwan ng may-ari ay hindi na kailangan isauli.
________3. Nakalulugod sa Diyos ang paggawa ng mabuti sa kapuwa.
________4. Mahirap isabuhay ang katapatan dahil sa kahirapan.
________5. Ang katapatan ay itinuturing na kabutihang- asal.
________6. Ang pagtulong sa kapuwa na pagtakpan ang isang pagkakamali ay nakabubuti sa maayos na samahan.
________7. Ang pagsisinungaling ay nakasisira ng tiwala at ugnayan ng magkakaibigan o pakikipagkapuwa

II. ANG SEKSUWALIDAD NG TAO


____1. Ano ang seksuwalidad ng tao?
a. Ay ang pagkakaroon ng maraming nobyo o nobya.
b. Ay ang pagkakaroon ng maraming kalaban at pagiging matapang.
c. Ay may kaugnayan sa pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao

____2. Bakit iba ang katutubong simbuyong seksuwal ng tao sa seksuwal na pagnanasa ng isang hayop?
a. Dahil ang seksuwal na pagnanasa ng hayop ay nakabase sa kanilang “instinct” kaya nagiging awtomatikong kilos at hindi
ginagamitan ng kamalayan.
b. Dahil ang hayop ay marunong mag-isip at magpigil ng kanilang seksuwal na pagnanasa.
c. Dahil ang hayop ay may kakayahang magpasya kung ano ang dapat at hindi.

____3. Ano ang Puppy Love?


a. Pag-ibig ng mga aso
b. Isang paghanga lamang at hindi tunay na pagmamahal
c. Pag ibig na katulad ng sa mga aso

____4. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Walang pagmamahal sa taong nasa loob ng kulungan.
b. Ang tunay na pagmamahal ay nakikita lamang sa labas ng bawat bahay.
c. Dahil sa ating malayang kilos-loob walang makapagdidikta sa atin kung sino ang ating mamahalin at kung sino ang
magmamahal sa atin.

____5. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad
niya ay may kakayahang magmahal”, Ito ay ayon kay…
a. Papa Juan Paolo ll b. President Rodrigo R. Duterte c. Vice Ganda

____6. Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao sa minamahal. Ang pinakamahalagang
palatandaan ng paghahandog na ito ay ang…
a. pagbibigay ng mamahaling regalo b. pag post a fb ng mga larawan ng minamahal
c. pagpapakasal sa minamahal

____7. Ano ang mas malalim na kahulugan ng mga salitang “ Mahal kita dahil ika’y ikaw”?
a. Mahal kita dahil maganda o gwapo ka.
b. Mahal kita dahil palagi kang may award sa paaralan.
c. Mahal ko ang buo mong pagkatao at hindi lang ang iilang bahagi ng iyong katawan o kaya’y ang mga iilang bagay lang na
naiibigan ko sa iyo
____8. Ang pagmamahal ay hindi isang emosyon at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga pandama, ito ay isang…
a. panaginip b. birtud c. pangarap

Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Sa Bilang 9 hanggang 10, suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang sagot na sa palagay mo ay akma sa pagbubuo ng
kaganapan mo bilang lalaki o babae.

____9. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best friend, pinakiusapan ka
niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan. Pumayag ka ngunit habang sila’y
unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos. Ano ang iyong gagawin?

a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
____10. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng malapit
mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind maging mangmang tungkol sa
sex. Ano ang gagawin mo?

a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong makasasama sa
kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa kanila.

III. KARAHASAN SA PAARALAN


____1. Ano ang fraternity o gang?
a. Ito ay may samahan na gumawa ng masama
b. Ito ay isang panglalaking pangkatan
c. Ito ay isang samahan ng tatlo o higit pang indibidwal na ang layunin ay makilahok o sumali sa
masasamang gawain.

____2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming sumasali sa gang?
a. Dahil ito nakapagpasiya sa kanila
b. Dahil nakukuha nila ang kanilang gusto
c. Dahil naghahanap ng pangkat na kung saan mapabilang maliban sa kanilang pamilya

____3. Paano maiiwasan ang karahasan sa paaralan?


a. Sa pamamagitan ng paglayo sa mga nambubulas
b. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sistema sa loob at labas ng paaralan
c. Sa pamamagitan ng hindi paglabas sa bahay

____4. Bakit sumasali ang mga kabataan sa ganitong uri ng samahan?


a. Dahil nais nilang mapabilang sa grupo
b. Dahil nais nilang maramdaman na sila ay tinatanggap bilang tao sa ganitong uri ng samahan
c. Dahil nagkakaroon ng impluwensya

____5. Ang pagsali sa gang sa paaralan ay isa sa mga sagabal sa pag-aaral dahil sa_________.
a. Ito ay nakagagambala sa pagpasok sa paaralan at naiiba ang tuon ng mga sumasapi nito.
b. Ito ay nakatuon sa pagkatuto ng mga kasapi nito sa paggawa ng mabuti.
c. Dahil maraming mga kasapi na nahihikayat ng pumasok sa paaralan.

____6. Ang programa sa antas na pampaaralan ay nakadisenyo upang baguhin ang mga kalagayan sa paaralan na kaugnay ng
_____________.
a. Karahasan
b. Karanasan
c. Pagsasaayos

____7. Ang pagmamahal sa sarili ay isang sandata na magagamit ng isang kabataan upang ______________.
a. Maiwasan nila ang masangkot sa anumang karahasan sa paaralan
b. Mayroon silang proteksiyon sa sarili laban sa pang-aasar na kaklase
c. Maiwasan na mang-api sa loob ng paaralan

____8. Ano ang dalawang bagay na mahalaga upang maiwasan ang pagiging mapaghanap at ang kawalang kapanatagan ng
tao?
a. Kaalaman at paggalang sa sarili
b. Kaalaman at positibo sa sarili
c. Positibo at pagpapahalaga sa sarili

IV. Isa-isahin ang mga sumusunod:

Elemento Ng Tunay Na Pagmamahal


1. ____________________________
2. ____________________________

3 Uri Ng Pambubulas
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________

Good Luck 😊

You might also like