Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1.

PARTICIPANT 1
2. Interviewer: So sa paanong paraan mo mailalarawan ang iyong kaalaman ukol sa mga sumusunod na pangyayari
kamakailan, una yung kay Percy Lapid?
3. Participant: Ah ayun po actually yung kay Percy Lapid, hindi ko po kasi siya masyadong kilala or naririnig noon
pa lang, ah kaya nagulat ako nung sa balitang ayun nga po siya ay pinatay ah tsaka lang ako nagkaroon ng kahit
papaanong kumbaga shallow na pagkakaintindi or pagkakakilala kay Percy Lapid po
4. Interviewer: Ok, dun naman sa pagkakatalaga ni Paul Soriano?
5. Participant: Ayun po, ah ano po ba yung inaassign?
6. Interviewer: Ah ano siya isa siya sa mga gabinete ni Pangulong Marcos na may kinalaman sa komunikasyon
7. Participant: Ah ayun po for me it is questionable po, since sa ano po siya diba may dugo siyang ano, yung mga
Soriano, ayun po questionable for me dahil siya lang ba yung mas fit dun sa posisyon na yun, and also po yung
pagdating dun sa siya lang ba yung may kakayahan or may mas malalim na kaalaman pagdating dun sa posisyon
na kung saan siya itinalaga
8. Interviewer: Ok huli, dun sa pagkakadawit ng anak ni Department of Justice Secretary Remulla ukol dun sa kaso
sa droga
9. Participant: Ah yun po yung isang pinaka pumutok na isyu dahil nga ayun kay Justice Secretary dahil anak po
niya yun diba? Ayun ah tawag dito para po sa akin kasi parang kakwestyun kwestyon siya dahil ganun na lang ba
kadali yung proseso, kasi isipin po natin, kung hindi po siya anak ng isang justice secretary, kung isang normal na
mamamayan lang po yung nadawit sa paggamit ng droga ay ganun na lang po ba kabilis o kung ganun na lang ba
yung pagdadaanan ng halimbawa ng proseso kung paano po siya na ano ayun nga po sa pagkakadawit niya
10. Interviewer: Ah, yung halimbawa kay secretary Remulla kasi ano ito eh ah mayrooong kinalaman doon sa
conflict-of-interest dahil anak niya yun tapos mga tauhan ni Secretary Justice yung ano, di ba may isyu yun?
11. Participant: May isyu po yun at some point kasi nga dahil ayun po since conflict-of-interest din po pala siya
12. Interviewer: Ok huling tanong sa iyong palagay paano nakakaapekto ang paggamit ng social media sa iyiong
kaalaman sa mga isyung sosyo-politikal?
13. Participant: At some point po, somehow ano malaki po siyang epekto since nagkakaroon po ng mild variation and
ano po and malawak po na perception pagdating sa socio-political awareness po lalo na ng isang kabataan lalo ng
isang student leader ah ayun po malaking epek, makakaapekto po ito ng malaki dahil nga ayun may sarisariling
perspectives ang tao at malalaman mo kung sino talaga yung kung kanino yung mas may liwanag sa pagsasabi ng
totoo ng katotohanan kung sino yung nananatiling nagbubulagbulagan sa mga nangyayari.
14. Interviewer: Thank you.
15. PARTICIPANT 2
16. Interviewer: So itong interview natin ano naman, ok lang din kung di moa lam yung isyu, yun naman talaga yung
topic ng study pero kung meron ka halimbawa naalala habang nasa ibang question tayo, pwede naman nating
balikan. So start na tayo, rerecord kita ha, ok lang?
17. Participant: Sige po
18. Interviewer: So ano yung mga kaalaman mo regarding dun sa first issue natin yung tungkol kay Percy Lapid?
19. Participant: Bali si Percy Lapid po ay isa po siyang journalist, ang natatandaan ko po meron po siyang parang
segment sa radio station pero hindi po ako specific, hindi ko po alam yung specific, pero alam ko po pinatay po
siya October po yata if I’m not mistaken and ngayon po ang napuputukan na po ng sisi ay BuCor Director General
Bantag po, ah nahaharap po siya sa kasong murder, siya po ang tinuturong mastermind since, ah may, nag, may
mga nag-middle man, middle men po na lumutang tapos yung isa pong Villamor ay napatay or pinatay po sa
bilangguan ang sabi po, ang narinig ko po sa balita kagabi ay parang yung sa breath po niya sinakluban po ata ng
something, ah plastic po tas, tapos po ay hanggang hindi na po makahinga, tapos ang tinuturo pong mastermind ay
si BuCor Director General Bantag.
20. Interviewer: Ok, itong mga kaalaman mo, yung mga info na shinare mo san mo ito nakuha sa balita ba ito purely?
Or meron ka ding nakuha through social media,
21. Participant: Mas sa TV Patrol, mga news po talaga
22. Interviewer: News outlet sa TV or kahit sa social media
23. Participant: Sa social media po kapag nagbabasa po ako ng mga rappler ganun
24. Interviewer: Pero yung nga info na shinare mo sa akin kanina meron doon na nanggaling sa social media
25. Participant: Nagbasa basa po
26. Interviewer: Ok tapos punta na tayo, baka may maalala ka pa regarding kay Percy?
27. Participant: Ok na po.
28. Interviewer: Yung next issue naman is yung pagkakatalaga ni Direk Paul Soriano?
29. Participant: Ok, si Direk Paul Soriano po, kilala po siya sa pagiging BBM’s Quarter and since then pa naman po
ata, apologist na po silang tinatawag and ang pagkakaalam ko rin po, siya po ay may blood related sa mga
Romualdez po, which is sa mga Marcos po, so nabasa ko rin po sa isang article online na ang sweldo lang daw po
niya ay piso yun po yung naalala, yung parang significant na naalala ko sa pagkakatalaga sa kaniya. And ayun po
umani po ng iba’t ibang reaksyon po, syempre specifically yung salary na piso.
30. Interviewer: Itong knowledge mo na ito, regarding sa topic na ito, saan mo nakuha?
31. Participant: Sa net po, sa facebook.
32. Interviewer: Ah ok sa social media, ok thank you. So next naman, yung last topic is yung involvement ng anak ni
Remulla sa drug case
33. Participant: Yung kay Remulla naman po, nahuli po yung anak niya if I’m not mistaken po siya pa po yung
nakausap, tas millions po yung halaga. Una ko po siyang narinig sa news po, news outlet, sa TV, pero recently po
may nabasa po ako na nag-pledge po siya ng not guilty sa internet naman po
34. Interviewer: Ok, may gusto ka pang idagdag or ok na?
35. Participant: Wala na po
36. Interviewer: Salamat, so yung next question natin is sa palagay mo ba paano nakakaapekto itong social media sa
political and social awareness mo yung mga kaalaman mo regarding these issues
37. Participant: Ok po, for political po, masasabi ko pong sobrang nakakaapekto po siya specifically ah ang mga tao
po ngayon ay tutok na po sa social media facebook, twitter, IG. Palagi pong, palagi pong makakakita ng mga
political post, kagaya po nung recently election po post about campaigns mga ganiyan supporter, kay Madam Leni
and such so others po nasishift po nila yung political point of view through social media rin, so ano pa po yung
mga question?
38. Interviewer: Ayun kung paano, political and social awareness
39. Participant: Sa social awareness po nakakaapekto rin po siya ng lubusan since, mainstream na po kasi ang
paggamit ng internet, kumbaga kagaya po nung kanina, si kuya po, hindi na po siya masyadong nakakanood ng
mga news sa TV, so mainly po ang ginagamit lang po niya ay internet so, masasabi ko pong useful and beneficial
po siya pagdating sa pagiging aware sa pagpapakaaware ng mga tao politically and socially
40. Interviewer: Ok thank you, may gusto ka pang idagdag bago tayo magtapos?
41. Participant: Wala na po
42. Interviewer: Ok salamat sa iyong mga sagot
43. PARTICIPANT 3
44. Interviewer: So sa paanong paraan mo raw mailalarawan ‘yong iyong kaalaman ukol sa mga sumusunod na
pangyayari kamakailan so ‘yong mga current na issues, news na present dun sa news natin, una ‘yong kay Percy
Lapid, ‘yong case ni Percy Lapid?
45. Participant: Ang idea ko po dun kasi is isa siyang news anchor, kung ‘di ako nagkakamali, or radio reporter na
namatay pagkalabas po niya ng, pagkagaling niya ng isang pagrereport po nya na parang ‘yong recent issue po na
nireport niya is about sa politics na parang ‘yonpo ‘yong idea ko na connected ‘yong nireport nya, kumbaga baka
may konek konek sila kaya nangyari po na, pagkalabas parang ah binaril na lang po bigla ‘yong sa sasakyan niya,
a’yonpo, a’yonlang ‘yong idea ko po dun.
46. Interviewer: Ah ‘yong pangalawa naman ay ‘yong pagkakatalaga ni Paul Soriano?
47. Participant: Dun po sa pagkakatalaga niya medyo siguro po dahil nung tumatakbo pa lang ‘yong president ay isa
na siya sa talagang nag-campaign para dun sa president, so siguro dahil alam ng president na, na kabagang or
kaututang dila niya ‘yong isa nay un ay isa siguro po ‘yonsa naging batayan para siya ‘yong piliin as a presidential
adviser although wala siya ganung idea sa politics kasi ang ano po nila ay syempre ang alam po natin na trabaho
niya is pagdadirect, paggagawa po ng mga films, music video, advertisements ‘yonpo more on ano po parang
ngayon ko lang po siya narinig na ihahalo po siya sa politics na talagang ilalagay po siya as presidential adviser,
pero dun po medyo nagulat lang din po kasi nga napakalayo nung karerang pinili niya sa karera na tatakbuhin po
niya ngayon so ‘yon po.
48. Interviewer: Ok ‘yong pinakahuli naman, ay ‘yong pagkakadawit ng anak ni DOJ Secretary Remulla sa kaso ng
droga, ano ‘yong alam mo dun sa pangyayari na yun?
49. Participant: Ma’am parang wala po kasi akong nabalitaan diyan, parang hindi siya ganung pumutok, or hindi lang
ako nagkaroon ng idea nung nagkaroon ng balita dyan sa drugs related na ano na balita.
50. Interviewer: So hindi ka masyadong aware sa issue na yan?
51. Participant: Hindi po.
52. Interviewer: Ok ‘yong pangalawang tanong naman natin, sa iyong palagay paano nakakaapekto ang paggamit ng
social media sa iyong kaalaman sa mga is’yong sosyo-politikal o ‘yong mga issues na yun?
53. Participant: Nakakatulong po siya, in a way na kahit nagiiscroll lang po kami, nakakakita kami ng mga articles, ng
mga balita na, ‘yong mga recent na balita po, nakikita namin kasi sa news feed po lumalabas po siya once na
magbasa ka or may mabasa ka lang sa ibang website lumalabas po siya automatic sa kahit anong, kahit sa youtube,
sa tiktok, and parang ganun po nagkokonek konek po ‘yong sa social media, na pag eto ‘yong interes mo,
lumalabas po lahat, so nakakatulong siya sa amin as a student na magkaroon po kami ng kahit papaano idea kasi
hindi na po kami masyadong nakakanood sa TV ng katulad ng sa mga balita ganiyan, ‘yong sa social media po
dun kahit saan kami magtingin po eh merong umaangat at meron po kaming nakikita na mga balita about sa mga
sosyo-politikal na issues lalo po nung time na campaign, lahat ng issues ay lumabas, umangat ang negative lang po
nun siguro kung hindi critical minded ‘yong babasa baka madali po silang mahila nung mga fake news and
a’yonnga kasi napakadali na rin pong i-manipulate ng laman ng media, so kung hindi ka ganun ka kritikal magbasa
or umalam sa isang balita madadala ka po dun sa mga yun, pero ang positive naman po nun nagiging aware po
kami at nagkakaroon po kami ng kaalaman pa dun sa mga balita po.
54. PARTICIPANT 4
55. Interviewer: ‘Yong interview natin na ito, very informal lang, baka mahiya ka. Basta pag may naalala ka lang
regarding doon sa issue na tatanong ko sa’yo. Okay lang din naman kung mayroon kang hindi alam, ok lang din na
marami kang kaalaman na ise-share. Iyon din naman yung purpose ng study, para malaman kung nakakakuha ka
ng info on social and political issues through social media. So mayroon tayong tatlong selected socio-political
issues. Number 1 is ‘yong regarding kay Percy Lapid. Paano mo mailalarawan ‘yong iyong kaalaman sa isyu na
ito?
56. Participant: ‘Yon po ‘yong sa pagbaril…
57. Interviewer: Oo, ano pa ‘yong kaalaman mo tungkol dito?
58. Participant: ‘Yon lang po… na siya ay nabaril…
59. Interviewer: Maliban doon may gusto ka pa bang idagdag? Baka may maalala ka pa…
60. Participant: ‘Yon po yng ano… Yong asset kay De Lima…
61. Interviewer: Ahh…. De Lima. Itong kaalaman na ito, saan mo ito nakuha?
62. Participant: Sa news po
63. Interviewer: Itong news ay nabasa mo, napanood mo o…?
64. Participant: Napanood po
65. Interviewer: Ah sa TV? O sa social media?
66. Participant: Sa TV po
67. Interviewer: Sa social media, mayroon ka bang na-encounter na impormasyon tungkol kay Percy Lapid?
68. Participant: Wala na po, nabasa ko lang po noong nabaril na siya sa social media.
69. Interviewer: Maliban doon? Kapag may idaragdag ka o baka mamaya may bigla kang maalala, pwede pa natin ito
balikan mamaya, kahit nas aibang isyu na tayo.
70. Participant: Tango
71. Interviewer: So ‘yong next issue natin is yung pagkakatalaga ni Paul Soriano… Ano ‘yong kaalaman mo ukol
dito, kahit very general lang.
72. Participant: Wala po…
73. Interviewer: Ok sige, ‘yong next naman is ‘yong pagkakadawit noong anak ni DOJ Secretary Remulla sa drugs.
74. Participant: Ayon po, nabasa ko lang din po sa social media na nadawit po ‘yong anak niya…
75. Interviewer: Mayroon ka pa bang ibang adisyunal na detalye sa social media?
76. Participant: ‘Yon pong…. Parang…. ‘di po agad inaksyunan? Ganon po ba?
77. Interviewer: Ok salamat. ‘Yong next question naman ay sa palagay mo, sa paanong paraan nakaka apekto sa
iyong socio-political awareness ang paggamit ng social media?
78. Participant: Ahmmm malaking tulong po ‘yong social media sa pagkalap ng mga information lalo na po ngayon
na puro cellphone na po ngayon ang gamit ng generation po natin, ganon. Nakaka- ano din po sa online, baka,
‘yong iba po kasi baka ‘di po sila nagbabsa ng maayos. ‘Yong iba po kasing inforgraphic, may nakalagay na
“satire only”, tapos akala nila totoo.
79. Interviewer: Sa personal na lebel, sa iyong sariling experience, sa paanong paraan nakaka-apekto iyong paggamit
ng social media sa iyong awareness sa mga issues, tulad noong mga nabanggit natin kanina.
80. Participant: Everyday po, ginagamit na po yung social media tsaka parang nagiging alternative na po siya sa
newspaper na nakakapag update po sa mga issue po.
81. Interviewer: Ah… Nagbabasa ka ba ng newspaper?
82. Participant: Dati po, nagyon po hindi na sa social media na po.
83. Interviewer: Baka may gusto ka pang idagdag, baka may naalala ka pa na gusting idagdag?
84. Participant: Wala na po.
85. Interviewer: Okay, salamat. Update ka na lang naming regarding sa result ng study na ito. Salamat uli.

86. PARTICIPANT 5
87. Interviewer: Sa paanong paraan mo mailalarawan ang kaalaman ukol sa mga sumusunod: Kilala mo ba si Percy
Lapid?
88. Participant: Percy Lapid po Ma’am, personally po Ma’am hindi po, once po I saw him po, pero personally hindi
po.
89. Interviewer: Meron ka bang alam patungkol sa pagkatalaga ni Paul Soriano?
90. Participant: Honestly hindi po.
91. Interviewer: How about ‘yong pagkakadawit ng anak ni DOJ Secretary Remulla sa kaso ng drugs?
92. Participant: Utilizing twitter ma’am, I’ve found out that I’m aware in a specific case po.
93. Interviewer: Anong masasabi mo doon?
94. Participant: I’ve been looking at it kasi po, like nakita ko rin po sa news, tv and all, especially po sa twitter and
then I found out po na after a few days po yata yun, wala na po siya sa ano, sa mainstream media and then I saw
one post po is like nasaan na po ‘yong case niya ba’t parang hindi na po, parang hinahanap na po ulit po, pero may
perspective po sa case na po ‘yonpo, well I am very somewhat glad po noh na there’s a specific like tv station po
na hindi po binlurred ‘yong mukha po, ‘yong iba po ‘yong nakita po sa sa twitter po na I may say na its perhaps
even though I’m not a political person po even though that kid is the son of a person that’s in the government, still
I think it’s a good thing pa rin po na pinakita po nila po ‘yong face po
95. Interviewer: Sa twitter noh clarify ko lang?
96. Participant: Sa twitter, yes po sa twitter po.
97. Interviewer: Sa iyong palagay paano nakakaapekto ‘yong paggamit ng social media sa iyong kaalaman sa is’yong
pampolitikal at sosyo-politikal?
98. Participant: It’s like a double edge sword kasi, one po it’s help me to become aware number 2 po I need to be very
careful to the things I need to believe in, I do trust the resources like the official twitter, facebook or other social
media apps that has a certain tv stations or news network but still po, you need to be careful in terms of like
understanding the specific news. Twitter and different social media sites really helps me po a lot to become aware
on what’s happening around, the sense that nasa 20 th century naman na and technology is a very rampant but still
the sense of being careful still needs to be ano po, became toughen.
99. Interviewer: A’yon lang naman.

100. PARTICIPANT 6
101. Interviewer: Ok lang sa iyo na i-record?
102. Participant: Sige po.
103. Interviewer: ‘yong mga questions na ito, structured, pero para mas maging free flowing ‘yong discussion natin,
kahit na, halimbawa meron kang naisip pa na gusto idagdag dun sa previous question pwede naman, so ‘yong
unang tanong ay iaassess natin kung ano ‘yong parang knowledge mo lang, dinaman kailangan na alam na alam
mo dun sa mga previous issues na meron, halimbawa ‘yong first issue ay ‘yong kay percy lapid, ano ‘yong
kaalaman mo tungkol doon sa isyu na yun. Ano ‘yong kaalaman mo sa isyu regarding kay Percy Lapid?
104. Participant: Wala po.
105. Interviewer: Ok lang kahit wala, sa pagkakatalaga naman ni Paul Soriano bilang communications ano ‘yonkay
Paul? A’yonbasta na-appoint sya bilang communications something. Kung ano lang kaalaman mo, halimbawa
kung alam mo ba na siya ay na-appoint, alam mo kung magkano ‘yong sweldo niya kasi ‘yon’yong isa sa mga
issues na nakikita usually sa social media.
106. Participant: Wala rin ako alam rito.
107. Interviewer: Tapos last, ‘yong regarding sa pagkaka involve nung anak ni Remulla sa drugs?
108. Participant: Ah di ko rin po alam.
109. Interviewer: Hindi rin, so itong mga usual topics na ito, hindi ka aware?
110. Participant: Opo Ma’am.
111. Interviewer: Regarding naman sa pagkakaalam mo sa mga current issues?
112. Participant: ‘yong ngayon po ba Ma’am?
113. Interviewer: Oo, ‘yong mga halimbawa ‘yong access mo sa balita, saan mo ito nakukuha?
114. Participant: Sa akin naman po Ma’am, kung hind isa sa facebook, ‘yong mga tamang article po Ma’am
chinecheck ko po.
115. Interviewer: Ah sa internet din?
116. Participant: Yes, po ma’am.
117. Interviewer: Sa pamamagitan ng internet? Ok, tapos sa palagay mo naapektuhan ba ng paggamit mo ng social
media, itong awareness mo mapa social man o political issues?
118. Participant: Yes Ma’am kasi kailangan po kung di, di ka rin po magiging critical thinker sa personal kahit din po
sa social media din po kailangan mo rin kilatisin ‘yong ganun.
119. Interviewer: Hmm inaapply mo rin ‘yong critical thinking, pero ‘yong mga nababasa mo sa social media
halimbawa nakakita ka ng ganoong post, nakakaapekto ba ito sa social and political awareness mo
120. Participant: Depende po Ma’am kasi kung ‘yong social media na ‘yong sa social media mismo Nakita nyo po
‘yonkung maaapektuhan po ‘yong buhay nun, syempre po ano po, tawag dito pwede po rin mangyari sa akin
‘yonsa experience ko rin po Ma’am kaya kailangan ko rin pong alamin.
121. Interviewer: Sa palagay mo ba nakakaapekto ‘yong paggamit ng social media sa awareness kahit ‘yong kaalaman
lang kunyari sa social issues and political issues.
122. Participant: Yes ma’am, kasi pwede ka pong makapag-aral sa ganito ‘yong pwede ka pong makakuha ng
knowledge sa ganiyan at ah mas mahalaga po na tingnan po ‘yong social media sa as a student kailangan po talaga
natin na i-check ng maayos ‘yong ah information na nakita niyo kung totoo ba ‘yono hindi.
123. Interviewer: Ok, meron ka pa bang gustong idagdag baka sakaling may naalala ka dun sa ibang mga previous
questions natin?
124. Participant: Wala naman po.
125. Interviewer: Ok sige salamat.

126. PARTICIPANT 7
127. Interviewer: So first question tayo, sa papaanong paraan mo mailalarawan ang iyong kaalaman ukol sa isyu kay
Percy Lapid?
128. Participant: Ano po, kumbaga parang sa ano ko lang din po siya nakita, sa mga social media and a’yonpo parang
hindi po makatarungan din ‘yong nangyari po sa kaniya kasi kumbaga binibigay niya, parang ang ginawa niya po
kasi is something na hindi siguro magawa ng iba and kumbaga siya ‘yong may kakayahan at ano a’yonpo.
129. Interviewer: Next question, sa papanong paparaan mo naman mailalarawan ang iyong kaalaman tungkol sa
pagkakatalaga ni Paul Soriano bilang presidential adviser for creative communications?
130. Participant: Ano naman po dun, parang at some point naging ano na po siya, kumbaga I saw it coming na po kasi
parang diba before po parang todo ano po sila kay president marcos po parang todo push po sila na maging
presidente siya so parang, kumbaga sa perspective ko po parang because of that, dun sa pag push po nila, parang
binibigyan, parang binigyan din sila ng favor na ano which is ‘yonnga magkaroon po ng position po sa
government.
131. Interviewer: Ok next question, sa papaanong paraan mo naman mailalarawan ang iyong kaalaman tungkol sa
pagkakasangkot ni DOJ Secretary Remulla sa isyu ng droga?
132. Participant: A’yonpo parang dun naman po, di ba ang instead po na si ‘yong si Remulla mismo ang matanggal,
parang ‘yong head po ng DOLE po ‘yong natanggal so parang hindi po makatarungan ‘yong nangyari kasi
kumbaga parang ginagawa lang din po ng DOLE kung ano ‘yong trabaho nila and a’yonas bilang, ah bilang anak
niya ‘yong ano, dapat at bilang head din ng secretary, ng Department of Justice parang siguro sa opinion ko po
dapat siya ‘yong mismong magbitiw sa pwesto, kasi sarili naman nyang anak hindi pa niya maano tapos a’yonnga,
parang ‘yong pagbibitiw niya if ever man po which is dapat nangyari na ganun dapat ah ‘yonnaman po kasi talaga
‘yong dapat as someone po na nakaupo sa pwesto, kumbaga parang pagtetake na lang din po ng accountability.
133. Interviewer: Ok para sa huling katanungan, sa iyong palagay paano nakakaapekto ang paggamit ng social media sa
iyong kaalaman sa mga is’yong sosyo-politikal?
134. Participant: Sa totoo lang po parang since nasa digital ano na tayo parang generation parang sobrang useful po
talaga ng social media sa pagkakaroon ng awareness sa ganitong mga sosyo-politikal na ano na usapin kasi
kadalasan hindi naman na din po nakakapakinig ng balita pero a’yonwith the help of social media po parang mas
napapadali or nagiging accessible po sa lahat ‘yong ah ‘yong mga dapat nating malaman sa sosyo-politikal and at
the same time kumbaga marami ding perspective ‘yong nakikita natin, hindi lang ‘yong sa mismong kung ano
‘yong binabalita kasi parang kung ano po ‘yong sa binabalita, parang ‘yonnay un ang kumbaga parang mas nawa
widened po ba ‘yong ah ‘yong view po natin kasi may iba’t ibang opinion din na na nakikita natin.
135. Interviewer: ‘yon lamang at maraming salamat.
136. PARTICIPANT 8
137. Interviewer: Two questions lang ito ‘no nak kahit ano lang honest response dun sa mga tanong, di naman natin
kailangan na ano mag-isip masyado, so ‘yong number 1 na tanong, sa paanog paraan mo mailalarawan ang iyong
kaalaman tungkol sa mga sumusunod: kilala mo ba si Percy Lapid?
138. Participant: Opo.
139. Interviewer: Ano ‘yong pagkakaalam mo patungkol sa kaniya?
140. Participant: Siya po ‘yong reporter na namatay po.
141. Interviewer: Meron ka pang other ano dyan?
142. Participant: Ah ‘yonpo ‘yong as ‘yong pinatay po siya sa kotse niya pauwi po sa village nila.
143. Interviewer: San mo nakuha ‘yong ganitong klase ng impormasyon?
144. Participant: Sa social media po.
145. Interviewer: Anong particular na medium o platform?
146. Participant: Sa ano po sa facebook.
147. Interviewer: Aware ka rin ba sa pagkakatalaga ni direkktor Paul Soriano as member ng ano gabinete?
148. Participant: Hindi po.
149. Interviewer: Eh ‘yong pagkakadawit ng anak ni DOJ Secretary Remulla sa kaso ng droga?
150. Participant: Hindi rin po.
151. Interviewer: Ok sige, so eto na ‘yong last, di ba ang bilis natin, sa iyong palagay paano makakaaapekto ‘yong
paggamit ng social media sa kaalaman mo sa is’yong sosyo-politikal?
152. Participant: Sa ano po?
153. Interviewer: Paano nakakaapekto ‘yong paggamit ng social media sa kaalaman mo sa is’yong pang sosyo-
politikal?
154. Participant: Mas nagiging aware po sa mga nangyayari sa paligid.
155. Interviewer: Mayroon ka bang gustong i-add na hindi ko nabanggit o balikan na mga tanonng?
156. Participant: Wala naman po.
157. PARTICIPANT 9
158. Interviewer: Sa papaanong paraan mo mailalarawan ang iyong kaalaman ukol sa mga sumusunod na pangyayari
kamakailan, una, tungkol sa isyu kay Percy Lapid
159. Participant: Ah Ma’am ano po ‘yong pagkakamatay ni Percy Lapid po ‘yong kumbaga nagiging repleksyon kung
ano ‘yong nangyari noong dati, nauulit ‘yong nangyayari noong extra judicial killings nung panahon ng rehimen ni
marcos so ‘yong pagkamatay ni Percy Lapid po ang repleksyon na hindi nasawata or hindi napigil at patuloy pa
ring umiiral ang walang tahasang pagpatay sa mga mamamahayag sa mga taong may ibang pananaw ukol sa iba’t
ibang perspectibo ng politika po.
160. Interviewer: Parehong katanungan paanong paraan mo mailalarawan ang iyong kaalaman ukol sa pagkakatalaga ni
Paul Soriano bilang presidential adviser for creative communications?
161. Participant: Well ito rin po’y kagaya ng pagkakaappoint po dun sa author ng conjugal dictatorship na kung saan
‘yong si primitivo mijares ‘yong makinarya ng ng dating diktador at nagiging repleksyon ito na si Paul Soriano
‘yong modern version ni Mijares and kung sa tingin ko po sa aking pananaw, kung mauulit man or ah magbabago
ang isip ni Paul Soriano malamang sa malamang po ay nasa bingit din ang kaniyang buhay kagaya ng nangyari
kay Primitive Mijares at sa anak niya.
162. Interviewer: Sa paanong paraan mo naman mailalaraawan ang iyong kaalaman ukol sa pagkakadawit ng anak ni
DOJ Secretary Remulla sa kaso ng droga?
163. Participant: Well bilang si Sec. Remulla po ay staunch na pribidor ng mandatory ROTC sa kanya huling, sa
kaniyang huling salaysay ukol dun sa isyu ng ROTC bilang mag-instill ng disiplina sa mga tao magiging
repleksyon ng pagkahuli ng anak niya na hindi epektibo ang kaniyang pananaw ukol sapagiging mandatorya ng
ROTC at hindi ito dapat manaig at hindi dapat maipatupad.
164. Interviewer: Huling tanong na, sa iyong palagay paano nakakaapekto ang paggamit ng social media sa iyong
kaalaman sa mga is’yong sosyo-politikal?
165. Participant: Well malaki po ang factor ng ng paggamit ng social media sa ating panahon ngayon dahil ito ay
madaling paraan para makakuha ng komunikasyon, balita sa mga nangyayari sa atin kagaya noon na panahon ng
rehimen na dyaryo ang pangkaraniwang, dyaryo at telebisyon ang karaniwang form ng communication, ngayon
naman sa social media ito ‘yong naging form of communication kaya rin siguro nanalo si Bongbong marcos ay
dahil sa sobrang paggamit niya ng at pag-instill ng mga troll fams dun sa ating ano so hindi natin maikakaila na
malaki ang epekto ng social media sa mga bagay pampolitikal
166. Interviewer: ‘yonlamang maraming salamat
167. PARTICIPANT 10
168. Interviewer: Sa papaanong paraan mo mailalarawan ang iyong kaalaman ukol sa mga sumusunod na pangyayari
kamakailan, una ang isyu tungkol kay Percy Lapid?
169. Participant: ‘yong about naman po dun, a’yonnga po, nababalitaan ko ganun din po, na a’yonnga po may iba’t
ibang mga kung sino ng aba po ‘yong nag-utos, kung sino po ‘yong nag-utos para patayin, tapos meron pa po
akong nababalitaan na ‘yong ‘yong ano nga po parag umako nung lahat na siya po ‘yong diba po tatlo po ata sila
nun then kung sino po unang parang may bonus po kung sino ‘yong unang kung sino ‘yong makakaano po kay
Percy Lapid po, ang ano lang po parang ano lang po parang ngayon po ns on-going pa rin po ‘yong investigation
kasi po hindi pa rin alam kung sino ‘yong mastermind dun po sa pinaka nangyari po na yun.
170. Interviewer: Thank you, next question sa papaanong paraan mo naman mailalarawan ‘yong kaalaman mo tungkol
sa pagkakatalaga kay Paul Soriano bilang presidential adviser for creative communications?
171. Participant: Hmm…
172. Interviewer: Kilala mo si Paul Soriano nak? ‘yong asawa ni Toni Gonzaga
173. Participant: Ah ok po, about naman po dun parang mailalarawan ko po ‘yonsiguro po sa palakasan kasi po alam
naman po natin na nung nakaraang presidential eleksyon po na ‘yonnga po si toni Gonzaga po, syempre kapatid ni
ano po, parang parang minsan po kailangan, parang ginamitan po ng hindi tamang paraan, kung paano po pinili or
paano po, paano sila naano po dun sa pinaka posisyon na yun.
174. Interviewer: Ano naman ang iyong masasabi tungkol sa pagkakasangkot ng anak ni DOJ Secretary Remulla sa
isyu ng droga?
175. Participant: Hmm, tungkol naman po dyan siguro po hmm.
176. Interviewer: Kalihim ng Department of Justice tas ‘yong anak niya ay nasangkot sa droga.
177. Participant: Para naman po sa akin about po dyan is parang ano nga po ulit ‘yong tanong? Sorry po ma’am
178. Interviewer: Ano ang masasabi mo tungkol sa pagkakasangkot ng anak ni DOJ Secretary Remulla sa isyu ng
droga paano mo rin ilalarawan ‘yong kaalaman mo dun sa nasabing isyu?
179. Participant: Sa opinion ko lang po ma’am na a’yonnga po, siguro po sabihin na natin minsan po may mga galit din
po talaga kay DOJ Secretary po na minsan po meron pong mga possibility na a’yonpo gawa gawa lang, or pwede
rin po na siguro sa, a’yonnga po na sa higpit siguro kasi nga po diba po DOJ Secretary po ‘yong tatay nya. Ang
ano lang po na a’yonpo, na siguro po impluwensya din po nung, ang ano lang po na, pero para sa akin po talaga
Ma’am na a’yonnga po siguro po sinisiraan kasi po kung ano po ‘yong ano ng anak eh ano rin po sa kanya kasi
nga po DOJ secretary po parang naka-reflect po dun sa tatay po.
180. Interviewer: Ok para sa huling katanungan, sa iyong palagay paano nakakaapekto ang paggamit ng social media sa
iyong kaalaman sa mga is’yong sosyo-politikal?
181. Participant: Ah ‘yong social media po para, a’yonnga po ngayon po sa panahon po natin may tama’t mali pong
paggamit ng kung paano ka po kakalap ng mga impormasyon kung saan saan pong a’yonnga po sabihhin na natin
na marami pong fake news ngayon po na lumalaganap pero po as a student and syempre po kailangan po natin
maghanap din na kung ‘yong mga fact po na ano, kaya napakalaking tulong din po kung ako po alam ko po kung
fact ba ‘yong ‘yong information nay un na na nakukuha ko po na a’yonnga po na nagiging ano po ako sa kung ano
po ‘yong nangyayari po sa bansa
182. Interviewer: Ok salamat nak.

You might also like