Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Laguna State Polytechnic University


Probinsya ng Laguna

Modyul Blg. 7
Pagsusuri ng Maikling Kwento

Pangalan: Ma. Daniela V. Rosal Petsa: Disyembre 2022


Kurso/Pangkat: BSN 2A Binibining Cecile B. Hubahib

Panuto: Basahing mabuti ang akda na nakasalaysay sa ibaba at pagkatapos ay suriin ito batay sa kakanyahan at
kabanghayan nito. Sa nakalahad na balangkas ay itala ang mga detalye buhat sa pagsusuring ginawa.

Ang Sapatero at ang Dalawang Duwende

Sanggunian: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-sapatero-at-ang-dalawang-dwende/

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lamang para sa isang pares na sapatos. Isang
gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos. Anong laking gulat niya
nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at napakahusay pa ng pagkakagawa! Madaling
naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares. Inihanda na niya muli ang
mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita niya muli na yari na ang dalawang pares na
sapatos. Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya muli ng mga gamit para sa apat na
pares na sapatos. Inihanda niya muli ito sa mesa para magawa sa umaga. Ganoon na naman ang nangyari, tila
may tumutulong sa kanya sa paggagawa ng mga sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahihiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero.
"Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin," tanong niya sa asawa. "Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong
matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?" alok ng babae. Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa
kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi.
Nang tumunog ang orasan dahil alas dose na, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong duwende.
Tuloy-tuloy ang mga ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at pasayaw-sayaw pa na
parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang natapos ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon sa
bintana. "Mga dwende pala!" sabi ng babae. "Kay babait nila, ano?" "Oo nga. Paano kaya natin sila
mapasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao." "Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at
iiwan na lang natin sa mesa sa gabi."
Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging duwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangkubli muli sila sa likod ng kurtina.
Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa kanila iyon.
Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak. Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang
gawin, mabilis silang tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon ay hindi na bumalik ang
dalawang matutulunging duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawa
dahil mababait at marurunong silang gumanti at tumanaw ng utang na loob mula sa iba.
Balangkas ng Pagsusuri (Maikling Kwento)

A. Pamagat: Ang Sapatero at Dalawang Duwende  


Angkop ba ang pamagat ng kwento sa nilalaman nito? Palawigin ang iyong sagot.  
Angkop ang pamagat ng kwento. Mabasa lamang ng taong magbabasa o manonood ng kwento ng sapatero at
duwende malalaman mo na agad kung sino ang tauhan at kung anong klaseng akdang pampanitikan ang iyong
babasahin o panonoorin.  

B. Tagpuan: Ang kwento ay naganap sa tindahan ng sapatero at kaniyang butihing asawa.  


Tahasan bang inihahayag ng [mga] tagpuan ang pagiging makatotohanan ng mga pangyayari? Palawigin ang
iyong sagot.  
Mayroon lamang isa hanggang dalawanag lugar na pinagganapan ng kwento. Una ay ang bahay ng mag asawa at ang
kanilang tindahan. Naihayag naman ng maayos ang tagpuan at itoy naging makatotohanan sa aking isipan hindi ko
man ito pinanonood ngunit dahil sa maayos na paglalahad ng kwento habang binabasa ko ang kwento may
magandang mga larawan at sitwasyon ang nabubuo sa aking isipan kung kayat para saakin tahasan namang naihayag
ang tagpuan ng kwento.  

C. Pangkalahatang Tema o Aral: Pagtanaw ng utang na loob sa mga taong tumutulong na walang anumang
hinihinging kapalit.  

Paano mo ito maiuugnay sa iyong buhay?  


Ang mag asawang nahihirapan sa buhay ay maihahambing ko sa aming buhay, hindi man kami ganon hirap sa buhay
ngunit naranasan namin mawalan at napakahirap. Ngunit may mga hindi tayo inasahang pagkakataon na
makatutulong sa kahirapang nararanasan naten. Tuad ng mga duwende na tumulong sa mag asawa sa pag gagwa ng
mga magagandang sapatos, hindi man nila gusto na ipaalam sa mag asawa ang tulong na ikanilang ginagawa bukal
pa rin sa loob nia ang pag tulong na hindi humihingi ng kapalit. Mayroon din mga taong tumulong sa amin noong
kaiangang kailnagn naminat nag papasalamat kami dahil hindi man namin sila masuklian ng pera o kunbg anu mang
mga materyal na bagay pero nariyan pa rin sila saaming tabi at handang tumulong kung kinakailangan.  napaka
sayang isipin na may mga tao pa ring handang tumulong sa mga taong nahihirapan. Akala natin masyado ng mapag
kait ang lahat ng tao dahil sa panahon ngayon na mahal ang mga bilihin pero meron pa ring may bukal ang loob na
tumulong ano man ang manyari.  
D. Mga Tauhan sa Kwento

a. Sapatero  
b. Asawa ng sapatero 
c. Ang dalawang duwente 

E. Banghay

a. Panimula  
Isang araw may isang mahirap na sapatero, siya ay may materyales nna para lamang sa isang pares
ng sapatos. Kinagabihan, ginupit at inihanda na niya ang mga materyales para gawin ito sa umaga. 

b. Suliraning Inihahanap ng Lunas  


Alamin ng mang asawa kung sino ang tumutulong sa kanilang gumawa ng mga magagandang
sapatos na kanilang ipag bibili sa kanilang lugar.  

c. Saglit na Kasiglahan  
Matapos ang gabing mayos ng sapatero mga nagupit na materyales, kinaumagahan, laking gulat
niya na makita ang sapatos na yari na at mahusay ang pagkakagawa nito. Dahil sa husay ng pagkakagawa,
madali niya itong naipagbili kaya't nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares naman na sapatos. 

d. Kasukdulan 
Gabi-gabi, sa tuwing naglalagay ng mga materyales sa paggawa ng sapatos ang sapatero sa kanyang
lamesa upang gawin niya ang mga ito sa umaga. Tuwing umaga palagi siyang nagugulat sa kanyang nakikita
sapagkat ang mga sapatos ay yari at gawa na ng may kahusayan, nagtaka siya kung sino ang tumutulong sa
kanya. Napagpasiyahan ng mag-asawa na subukin kung sino ang mga tumutulong sa kanila sa pagggawa ng
mga sapatos. Habang nakakubling nanunuod sa likod ng kurtina, nakita ng mag-asawa ang dalawang
duwende na masayang gumagawa ng mga sapatos. Umisip ang mag-asawa ng paraan kung paano maibalik
ang tulong na naibibigay sa kanila ng mga duwende. 

e. Kakalasan o Katapusan  
Nakaisip ang asawa ng sapatero na ipagtahi ang mga duwende ng pantalon at baro bilang
pasasalamat. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan, nagtago muli sila sa likod ng kurtina.  Tuwang-tuwa
ang mga duwende nang makita ang mga damit. Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos, mabilis ulit
silang tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang
duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong gumanti at tumanaw
ng utang na loob sa taong nakagawa sa kanila ng tulong at kabutihan.   
 
 
 
 

You might also like