Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

2600 Legarda St., Manila

Name: Frances Nicole D. Flores Sched: SAT – 7:30AM -10:30AM

Program: BSN Professor: Ms. Generosa Cureg

Course: Filipino 1 Activity: Prelims Examination

EDUKASYON: TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN

Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na magagawa ng isang tao at


maipapamana ng mga magulang. Ito ay isang proseso sa pagkuha o pagkakaroon ng
kaalaman, kasanayan, prinsipiyo, ugali at iba pa. Dahil dito, ito ang susi para magkaroon ng
magandang kinabukasan. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na Edukasyon ay
isang saligan upang mabago ang takbo na isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya. Ngunit ito nga ba talaga ang magpapaangat sa ating sitwasyon? Ito
nga ba talagang ang magpapabago ng takbo sa ating lipunan?

Edukasyon nga ang susi ng tagumpay. Ang tanging yaman na kahit kailan ay hindi
makukuha lalong-lalo na hindi mananakaw ng kahit na sino man dito sa mundo. Ito ay pinaka
importante o pinakamahalagang bagay para magtagumpay sa ating mga buhay. Matibay ang
isang Edukasyon kung ito ay may pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-
aaral. Ito ang naging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap na isang bansa. Kung
wala ito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng Edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin
ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang Edukasyon ay siyang magdadala sa
kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng Edukasyon ay upang
magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap
at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humubog sa isipan at damdamin at
pakikipagsalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at
magagandang nangyari sa ating mundo at ginagalaw ang kapaligiran. Ang Edukasyon ay
mahalaga sapagkat ito ay naging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman
tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Alinsunod, ito ang
paghubog ng mga kaisipan tungkol sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa
upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.Ito ang ating
sandata para magkaroon ng magandang buhay.

Sa buhay natin ay hindi lahat nakukuha ng walang paghihirap at pagsisikap, ganoon din
sa pag-aaral. Dadaan ka muna sa butas ng karayom at ika nga nila bago ka makakatapos sa
pag-aaral, kailangan malakas ang loob mong harapin ang kahit na ano man ang hadlang o
suliranin dahil kung lahat ng hadlang ay kaya mong lampasan. Siguradong may maliwanag na
bukas ang maghihintay sa iyo. Malaki ang tulong ng edukasyon sa ating mga buhay lalo na
kung nakatapos ka ng iyong pag-aaral. Kapag nakatapos ka na sa pag-aaral at nakakuha kana
ng magandang trabaho ay gaganda na ang takbo ng buhay mo pero syempre pagdating naman
sa trabaho dapat galingan ang pagtatrabaho para sa ikauunlad ng buhay.

POLITIKA: ANG PINAKAKONTREBERSYAL NA ISYU NGAYON

Ano nga ba ang politika? Mahalaga ba ito at bakit usapin ito? Ano nga ba ang meron o
nilalaman nito? Politika ang nag uugnay sa mga mamamayan at sa mga taong namumuno dito.
Ito ang proseso ng paggawa ng pasiya sa iba’t ibang antas katulad ng pandaigdig, sibiko at
kahit sa indibidwal. Politika ang nagmamahala ng estado ng bansa at pagkakasundo ng mga
interes ng bawat isa.

Ito ang pinakamaugong na usapin na laging tinatalakay at marahil kalat na kalat na


usapin kahit saan ka pumunta. Marahil, ito ang pinakamahalagang ngunit hindi ipinapakita ng
mga tao na nakasangkay dito ang dapat nilang trabaho. Sa politika umiikot ang lahat ng
kaganapan rito sa ating bansa. Politika ang pinaka-ulo ng mga kaganapan at mangyayari rito.
Nakasalalay rin rito ang ang magiging kinabukasan ng ating bansa at ng iba pang henerasyon.

Ang termino ng nakaupo ngayon ang naging pinakamainit na balita simula ng ito ang
mga nanalo. Marami ang nagsasabi na kung asan na sila at sa lahat ng mga pangyayari dito
ngayon umulan o umaraw ay hindi mo ramdam. Umupo nga lang ba sila para sa posisyon,
awtoridad at kayamanan o may pusong para sa bawat mamamayan at hinahangad ang
pagbabago? Maraming katanungan na bumabagabag at patuloy na bumabagabag sa bawat
tao. Ang iba ay matagal ng hinahangad ang pagbabago, umaasa at nagtitiis sa kagustuhang
malasap ang kalayaan at kapayapaan. Ngunit, sa isang iglap, at sa isang mabilisang araw ay
marami ang umiyak, naghihinagpis, nagalit, nawalan ng pag-asa na tila napundi ang ilaw. Ilaw
na kailan man hindi na sisindi sa balitang nagulat ang karamihan. Balitang kahit ako ay lumuha,
hindi lang para sa aking sarili pero para sa ibang tao na matagal ng inaasam asam ang
kagustuhan makaalis sa napakahirap na buhay. Ang Korapsyon sa Gobyerno ay tila isang virus
na naranasan natin noong 2020 hanggang ngayon sa sobra nitong bilis kumalat, na hanggang
ngayon ay parang walang solusyon at ayaw solusyunan. Na parang mas malala pa ang isyu p
virus na ito kesa sa pandemya na virus. Karaniwan na sa ating pamahalaan ang pagkakaroon
ng mga namumunong ang tanging hangad lamang ay yumaman sa pamamagitan ng paggamit
ng yaman ng iba, ito ang pinakamabigat na suliranin ng ating bansa. Ang makasariling pag-
iimbot sa kaban ng bayan na hindi isinasaalang-alang ang kinabukasan ng ibang mamamayan
ng bansa. Kung saan ang mas naapektuhan ay ang mga mahihirap. Sa ating bansa ang may
kapangyarihan ay nang-aabuso at pagtatamasa ng mga bagay na dapat ay hindi nila taglay.
Nagiging sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng matinding suliranin sa
korapsyon. Ito ay isang paglabag sa itinatakda ng ating batas na nangangailangan ng isang
moral at tama na solusyon upang malutas.
Hindi ito unang beses nangyari ang korapsyon ngunit matagal na ito at napapasa-pasa na.
Naniniwala akong kaya pa ito mawakasan ngunit kailangan natin maging kritikal sa
pamamagitan ng pag aaral ng mabuti at pagsasagawa ng mga natutunan nito sa ating buhay.
Edukasyon lamang ang susi sa napakakontrobersyal na usaping ito sa politika. Edukasyon
lamang ang magwawaksi sa korapsyon ng politika. Ngunit, nakikita mo ba ang sarili mo na
magbabago nito? O maayos ka na sa nakasanayan mo? Alamin mo sa sarili mo kung gusto mo
ba magbago ang sistema o tititisin mo na lang ang bulok na sistema? Kung gusto mo
magkaroon ng pagbabago, sayo magsisimula ang pagbabago.

You might also like