Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BAYAMBANG DISTRICT II
BAYAMBANG, PANGASINAN
PANGALAN______________________________________________BAITANG AT SEKSYON:_________
PANGALAWANG KUWARTER NA PAGSUSULIT
( FILIPINO 9)
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nabibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Ariel na
napagkamalan lamang na si Jason.
a. Hindi/ ako si Ariel. c. Hindi ako si Ariel.
b. Hindi ako/ si Ariel. d. Hindi ako, si Ariel.
2. Matamis kainin ang tubo . Paano binibigkas ang salitang may salungguhit?
a. /tu.boh/ b. /tu.bo?/ c. /TU.bo/ d. /tu.BO/
3. Ito ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
a. Tono b. Diin c. Antala d. Hinto
4. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig upang higit na mabisa ang pagkikipag-usap sa
kapwa.
a. Tono b. Diin c. Antala d. Hinto
5. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a. Punto b. Hinto c. Diin d. Intonasyon
6. Ang tanka sa wikang Hapones ay maikling awit ay isang tula na may limang (5)
taludtod, may ayos na 5-7-5-7-7 ang anyo at binubuo ng tatlumpu’t isang pantig.
a. Tama b. Mali c. Maari d. Hindi sigurado
7. Ang haiku ay pinaikling anyo ng tula na may labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong linya o taludtod at may ayos na 5-7-5 ang anyo.
a. Tama b. Mali c. Maaring tama o mali d. Wala sa nabanggit
8. Masayang naglalaro ang bata sa bagong bola na bigay ng kanyang ama.
a. denotasyon b. konotasyon c. parehong a at b d. wala sa nabanggit
9. Nadala si Anna sa matatamis na bola ng binata kaya napasagot siya nito.
a. denotasyon b. konotasyon c. parehong a at b d. wala sa nabanggit
10. Ito ay maikling awitin na puno ng damdamin.
a. Soneto b. Tanka c. Haiku d. Nobela
11. Ang haiku ay tinatawag ding ________.
a. Mas pinagandang tanka c. Mas pinaikling tanka
b. Mas pinahabang tanka d. Wala sa nabanggit
12. Anong aral ang mahihinuha sa pabulang ang hatol ng Kuneho?
a. maging tapat sa pangakong binitawan c. maging mabuti sa kapwa
b. magbigayan ng pagmamahal d. magkaroon ng magandang- asal
13. Siya ang tinaguriang Ama ng sinaunang pabula.
a. Plato b. Aesop c. Phaedrus d. Babrius

14. Sa tingin mo kaya,ano ang naging damdamin ng Tigre matapos iginawad ng


Kuneho ang kanyang matalinong hatol?
a. Siya ay nainis dahil naisahan siya ng matalinong kuneho
b. Siya ay masaya dahil sa matalinong hatol
c. Siya ay lumigaya dahil bumalik siya sa butas
d. Siya ay masaya dahil nakaligtas ang tao.
15. Makatwiran kaya ang nais ng Tigre na mangyayari sa pabula, ano kaya sa tingin mo
ang maging damdamin nito kapag ito ay di natutupad?
a. Siya ay magiging masaya dahil nakaligtas ang tao
b. Siya ay magiging masaya dahil sa hatol ng kuneho
c. Siya ay nalungkot dahil hindi naganap ang kanyang mga plano
d. Siya ay magiging masaya dahil kakampi niya ang puno ng pino
16. Ito ay isang maikling kwento na mula noong unang panahon kung saan
ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita.
a.nobela b.alamat c.tula d.pabula
17. Mula sa tanyag na pabula na“Ang Pagong at Ang Matsing”, sino sa
kanila ang pinakatuso?
a. pagong b.matsing c.kuneho d. ibon
18. Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi.Umawit-awit pa siya sa kanyang paglipad.Nasa anong
antas ng pagpapakahulugan batay sa tindi ng emosyon ang sinalungguhitang salita?
a. pinakamababang antas c.pinakamataas na antas
b.katamtaman ang kasidhian d.di- masidhi antas
19. Sa laki ng galit ni Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy at lumipad
pauwi sa palasyo.Alin sa mga sumusunod ang pinasidhing anyo ng salitang may salungguhit?
a.poot b.asar c.inis d.suklam
20. Ang layunin ng pabula ay maghatid ng aral sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan tulad
mo upang hindi maligaw ng landas. Mula sa pabulang nabasa ay mamili ka ng aral na nakuha mo
mula rito. Ayon sa pahayag, anong paraan ito ng pagsulat ng pabula?
a. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan c. Iayos ang banhgay
b. Lumikha ng tauhan d. Elemento ng Pabula
21. Mahalagang malaman ang mga element nito sa pagsulat ng pabula sapagkat
babaguhin mo rin ang pangyayaring nais baguhin kasabay ng pagbago mo sa
katangian ng tauhan sa pabula. Anong paraan ito ng pagsulat ng pabula?
a. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan
b. Lumikha ng tauhan
c. Iayos ang banhgay
d. Elemento ng Pabula
22. Sa Korea ay tinatawag na ______ ang isang tao kapag siya ay sumusuway sa
iniuutos ng kaniyang magulang.
a. Yancha c. Tidaak Taat
b. Cheong Kaeguli d. Kangming
23. Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na hindi lantad na sinabi
ang mensahe.
a. nagpapahiwatig b. sambitla c. diretsaha d. padamdam
24. Ito ay pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
a. padamdam b. ekspresyon c. sambitla d. nagpapahiwatig
Para sa blg. 25-26.
Naiiba na gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan nang
pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap
nang pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga
kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami
pa ringkalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa
tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa
kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang
ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Halaw sa: “Ang Kababaihan ng Taiwan Noon at Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon ni
Sheila C. Molina
25. Ang binasa ay tumatalakay sa mahalagang isyu sa kapaligiran kaya’t ito ay
mauuri bilang;
a. balita b. editorial c. lathalain d. sanaysay
26. Ang patunay na hindi pa ganap na pantay ang kalagayan ng babae at lalaki
sa Taiwan ay ____________.
a. Hindi tinatanggap ang babae sa trabaho
b. Hindi binibigyan ng karagdagang sahod
c. Hindi makatarungan ang trato sa mga lider na babae
d. Lalaki lamang ang napipiling lider sa kompanya
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot
sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba,
dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa
lumakas at sumigla.
27. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa talata?
a. kapalaranb. naglaho c. umusbong d. nawala
Paano ko ipapaliwanag sa iyo anak, kung bakit minsa’y kailangan kong
umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang
palaging tinatawag?
Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw
sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na
dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya
kaysa paghele sa iyo.
Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin
28. Ano ang tono ng nagsasalita sa sanaysay?
a. nagdaramdam c. nagpapaunawa
b. nagtatampo d. nanghihikayat
29. Ang layunin ng tekstong ito ay;
a. isa-isahin ang pagkukulang ng ina,
b. ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina,
c. ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina.
d. Makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak.

30. Halos lumiyab ang dibdib ni Pedro sa mga papuring naririnig niya sa kanyang mga kaklase. Ano
ang ibig sabihin ng salitang may salangguhit?
a. nagmamagaling b. madurog ang puso c. nagmamalaki d. lumaki ang ulo
31. Ito ay isang buong kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
a. Sanaysay b. Tula c. Talumpati d. Diyalogo
32. 'Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o anumang pangkat, o
anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.' ito ay talumpati ng Pangulong
Duterte sa kanyang panunumpa bilang Presidente. Ano sa palagay mo ang ipinahihiwatig niya?
a. Walang pinipili c. serbisyo iaalay sa lahat
b. uunahin ang bayan bago ang sarili d. isa siyang “servant-leader”
33. Ito ay isang uri ng sulatin na nagpahahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito.
a. Talumpati b. Sanaysay c. Komunikasyon d. Pananalita
34. Tumutukoy sa mga taong gumaganap ng mahahalagang papel sa kuwento
a. tagpuan b. tauhan c. banghay d. wakas
35. “Gagawin ko kung anumang ipag-uutos ng pamahalaan.”
a. pagsunod sa magulang c. pagtanaw ng utang na loob
b. paggalang sa may kapangyarihan d. parehong B at C
36. “Sa palagay ko’y matutuwa ang ina mo. Kung buhay siya, ipangangalandakan niya-negosyante
na ang anak ko.” Ano ang nais iparating na mensahe ng nasa itaas na pangungusap?
a. pagkakabuklod ng pamilya c. pagpapahalaga sa anak
b. pagsisikap ng anak d. wala sa nabanggit
37. Paano masasabing teleserye ang isang palabas?
a. kung binubuo ng serye na nagtataglay ng mga tagpo
b. kung nagbabalita ito ng pangyayari sa buhay
c. kung nagpapakita ito ng isang tagpo lamang
d. kung napapanood ito sa isang upuan lamang
38. Bakit nagkakatulad ang pelikula at teleserye?
a. Pareho itong kinagigiliwang panoorin sa telebisyon.
b. Nagtataglay ito ng totoong pangyayari na iniuugnay sa buhay ng manonood.
c. Nilikha ito sa pamamagitan ng pagrerekord ng totoong tao at bagay gamit ang kamera.
d. Nilikha ito upang itanghal sa entablado na ginampanan ng totoong tao at bagay gamit ang
kamera.
39. Dalawang kategorya ng salita na maaaring magamit bilang panuring
a. pandiwa at panghalip c. pantukoy at pangngalan
b. pang-uri at pang-abay d. pang-angkop at pangatnig
40. “Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin.”
Anong uri ang ipinahihiwatig ng bahagi ng dula sa dayalogong ito?
a. Katotohanan b. kaalaman c. Kagandahan d. wala sa nabanggit
41. Ito ang tawag sa mga taong di makakakita ng mga bagay sa paligid.
a. bulag b. pipi c. bingi d. pilay
42. Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood
sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.
a. maikling kwento b. dula c. sanaysay d. alamat
43. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan.
a. iskrip b. manonood c. actor d. wakas
44. Sa pagsulat ng isang sulatin, Ikaw ay may kalayaan sa pagpili ng _________.
A. gramatika b.Wakas c. Paksa d. ispeling
45.______araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-aaral.
a. Kung b. Kapag c. Sa d. Simula
46. Naglinis muna si Ana ______ nagluto...Ano ang angkop na pang-ugnay na gagamitin?
a. kahit b. siguro c. saka d.upang

Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang


Malaysia. Nagkamit siya ng iba't ibang parangal hindi lamang sa kaniyang bansa
kundi maging sa internasyonal na patimpalak. Isa na rito ang titulong "Voice of
Asia" nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing
Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
47. Maituturing na salitang naglalarawan ang _____.
a. pinakamahusay c. nagkamit
b. ginanap d. patimpalak

48. Dimensyon sa pagbibigay-kahulugan, na taglay ng diksyunaryo


a. Denotasyon c. Pormal
b. Konotasyon d. Di-pormal
Durog
ni: Rhodora M. Pabillaran
Durog ang puso
Sa aking pag – iisa
Iniwan mo’ko
Ikaw na aking sinta
Alaala tuwina

49. Ano mensahe ng tulang nasa itaas?


a. Pag-iisa b. Kalikasan c. Kapayapaan d. Pag-ibig
50. Ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang ____
a. tauhan b. lugar c. pangyayari d. aral

Prepared by:

JASPER IAN M. AQUINO


TEACHER I

Checked by:

ESTELA E. FRIAS MARY JOY C. AGSALON, Ed.D


School Head Public School District Supervisor

You might also like