Komunikasyon at Mga Suliraning Lokal at Nasyonal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal

Bilang mga mag-aaral ng komunikasyon sa Filipino, isang kahingian na maunawaan ang mga
tinalakay sa suliraning lokal at nasyonal. Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ng
pakikipagtalastasan sa paglalarawan, pagtalakay, at paghanap ng mga solusyon sa mga
problema ng ating komunidad at ng buong bansa. Sa antas lokal at nasyonal na gobyerno,
mahalaga ang komunikasyon upang matiyak na matitipon ang input mula sa mga komunidad
para sa pagpaplano ng mga patakaran at aksyon ng pamahalaan hinggil sa mga nabanggit na
sularaning lokal at nasyonal. Susi rin ang komunikasyon sa iba’t ibang paraan upang
maipalaganap ang impormasyon hinggil sa mga bagong patakaran ng gobyerno kaugnay ng mga
isyung panlipunan. Sa lebel naman ng akademya o unibersidad na kinabibilangan ng mga
estudyante ng komunikasyon, walang pananaliksik na maisasagawa nang maayos at mabisa
kung walang pagmamsid, pagtatanong, pakikisalamuha, pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, at
pakikipamuhay sa mga komunidad ng mga kapuwa Pilipino. Samakatuwid, mahalaga ang
kasanayan sa komunikasyong Pilipino sa pagbabahaginan ng salaysay at karanasan sa iba’t
ibang pangkat sa mga komunidad na ating

You might also like