Kontemporaryong Sistemang Politikal NG Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas

 Naitaboy ng mga Pilipino ang mga Japanese at sa huling linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay muling bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas. Muli nilang ipinataw ang dating kalakaran.

 Ang mga opisyal na itinalaga ng mga Japanese ay pinalitang muli ng mga maka-Amerikano.

 Samantala, nilusaw ang mga nagsasariling yunit ng pamahalaang lokal na binuo ng mga pangkat ng gerilya.

 Noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ng mga Amerikano ang diumano’y wakas ng kanilang okupasyon ng Pilipinas
ngunit ayon sa ilang mamamayan, ang mga tanikala ng kolonyalismo ay makikita pa rin sa kontemporaryong
sistemang politikal ng bansa.

 Sa madaling sabi, maraming magpapatunay na bagama’t ang ating mga pinuno mula sa Pangulo hanggang sa
mga opisyal ng baranggay ay pawang mga Pilipinong halal ng nakararami, ang ating sistemang politikal ay
impluwensyado pa rin ng mga dayuhan.

 Halimbawa nito ay ang pagkalusot sa sangay ehekutibo ng kasunduang paborable sa Amerika ng Enhanced
Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 Maging ang mga patakarang ekonomiko tulad ng pagmamay-ari sa mga minahan ay impluwensyado rin ng mga
dayuhan.

 Sa ilalim ng Philippine Mining Act of 1996, pinapayagang magmay-ari ng 100% malalaking minahan ang mga
dayuhan sa kabila ng isang probisyon sa Konstitusyon na hindi nagpapahintulot sa gayon.

 Maging ang patakarang pang-edukasyon ng bansa ay tila nakakiling din sa mga pangangailangan ng dayuhan
gaya ng pinatutunayan ng mga opisyal na pahayag hinggil sa pagpataw ng sistemang Kto12 sa Pilipinas.

 Ang ganitong malakas na impluwensya ng mga dayuhan sa pagbabalangkas ng patakaran ng bansa ang batayan
ng ilang istoryador at ekonomista tulad nina Renato Constantino, Edberto Villegas at Alejandro Lichauco para
sabihing ang sistemang politikal ng bansa ay malakolonyal o kaya’y neokolonyal.

 Hinggil sa aktwal na panghihimasok ng mga dayuhan, partikular ng gobyerno ng US sa politika ng bansa,


maraming kontemporaryong pangyayari ang maaaring suriin:

 Dahil sa pagiging anti-Amerikano at nasyonalista ni Claro M. recto, nagsagawa ng operasyong black propaganda
o panirampuri ang Central Intelligence Agency (CIA)laban sa kanya sa panahong tumakbo si Recto laban sa
maka-Amerikanong si Ramon Magsaysay. Nagwagi sa nasabing halalan si Magsaysay.

 Dahil sa pagsulong ni Carlos P. Garcia ng patakarang “Pilipino Muna” sa ekonomiya, sinuportahan din ng CIA ang
tangkang kudeta laban sa kanya.

 Sa panahon ng diktadurang Marcos, bumisita noon nag pangalawang pangulo ng US na si George W. Bush para
makipag-toast sa diktador at sabihing kinikilala ng Amerika ang “pagsandig ng Pilipinas sa demokrasya” noong
1981. Tumagal pa ang diktadurang Marcos hanggang 1986.

 Samantala, ang pagiging elitista ng kasalukuyang sistemang politikal ay kitang-kita pa rin. Kapansin-pansin na
malaking porsyento ng mga posisyong ehekutibo at lehislatibo sa antas lokal o ansyonal man ay kontrolado ng
mga prominenteng angkan o dinastiyang politikal.

 Samakatuwid, kahit maaaring tumakbo ang halos kahit sinong nakababasa at nakasusulat, napakaliit ng
pagkakataon nila na magtagumpay laban sa kapangyarihan at impluwensya ng iilang mayayamang angkan sa
bansa.
 Mismong ang gobyerno ay kinilala ang pag-iral ng ganitong sistema, na nagpasa ng batas hinggil sa pagkakaroon
ng mga kinatawan ng mga grupong marginalized sa Kongreso sa pamamagitan ng partylist dahil malinaw na mga
mayayaman ang higit na may kontrol sa sangay sa lelehislatibo ng gobyerno.

 Sa ganitong konteksto, malinaw na malayo pa ang lakbayin ng Pilipinas tungo sa pagkakaroon ng isang lipunang
ganap na demokratiko kung saan ang kapangyarihang politikal ay hawak na ng mga ordinaryong mamamayan at
ding iilan.

You might also like