Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Panlipunang Epekto ng Migrasyon

 Sa isang pananaliksik na pinunduhan ng FriedrichElbert Stiftung (FES), inisa-isa


ni Alcid ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon tulad ng “exodus
ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor” bagay na inaasahang
“hahantong sa malubhang krisis sa sistemang pangkalusugan…” ng bansa …de-
skilling ng mga propesyonal …” at ang negatibong impact ng migrasyon sa mga
pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.”

 Hinggil sa pagdami ng mga nasirang pamilya (broken families) sa hanay ng mga


OFW, ipinanukala ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang Senate Bill 1779
noong 2007.

 Ayon sa nasabing panukalang-batas, maraming ulat mula sa Philippine


Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA), at mga Non-Government Organization (NGO), ang
nagpapatunay na ang mga suliraning gaya ng “pumalyang kasal (broken
marriages), adiksyon sa droga, imoralidad sa seks, krimen, pagpapakamatay o
mga psychological breakdowns” ay maiiugnay “sa pangmatagalang paghihiwalay
ng mga mag-asawa at ng kanilang mga anak” na malinaw na bunga ng
migrasyon.

 Bukod sa deskilling at pagkasira ng mga pamilya, suliranin din ang talamak na


illegal recruitment.

 Panghuli, dapat bigyang-diin na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng


buhay, sa kanilang mga prime year.

 Nangangahulugan ito na sa halip na makapag-ambag sa pag-unlad ng Pililipinas


sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan
ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at
kahusayan.

 Mismong ang National Statistical Coordination Board (NSCB) sa isang ulat ay


nagtanong na, “Kailan natin mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat
na ito ng mga kabataan na marami’ykatatapos pa lamang ng kolehiyo upang
sila’y direktang makatulong sa paglago ng ating ekonomiya sa halip na
ekonomiya ng ibang bansa? Kailan natin maiibsan ang social cost ng Pinoy
diaspora?”
 Ayon sa nasabing ulat ng NSCB, halos 50% ng mga OFW ang nasa edad 25-29
at 40-34.

 Sa pangkalahatan, pinipigilan at binansot nito ang pag-unlad ng mga industriya


sa Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno sa pagdepende sa remittance.

 Naging salbabida ng ekonomiya ng bansa ang remittance ng mga OFW ngunit


higit naman ang pakinabang ng mga bansang destinasyon ng mga OFW.

 Pinalalabnaw ng samo’t saring panlipunang epekto ang mga benepisyong


nakukuha ng bansa sa pamamagitan ng migrasyon.

 Gayundin, marami ang nabibiktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga


employer sa mga bansang destinasyon ng mga migranteng manggagawa.

 Sa ganitong diwa, hinihikayat ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang


bansang Third World na suriing mabuti ang kanilang patakaran sa migrasyon at
humanap ng alternatibong landas patungongkaunlaran na hindi na
magsasakripisyo sa yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para sa
mayayamang bansang mapagsamantala.

You might also like