Economics (1st QT)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ECONOMICS (1ST QT)

Economics (bilang isang agham)


Economics- sugnay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paaano tugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman
- may kinalaman sa konsepto ng pagpili ng mga bagay na higit na magbibigay ng kapakinabangan sa isang tao, tahanan, at
lipunan
- nagmula sa salitang Griyego na oikonomia; oikos- sambahayan at nomos- batas o pamamahala
Agham panlipunan o Social science- tumutukoy sa pagsusuri o pag-aaral ng mga interaksyon ng mga tao sa isang lipunan
upang mapanatiling buhay, maunlad, at matatag

4 na konsepto ng ekonomiks:

1. Trade-off- pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay


2. Opportunity cost- tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon
3. Incentive o insentibo- pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo
4. Marginal thinking- sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito man ay gastos o pakinabang

2 pangunahing sagnay ng ekonomiks:

1. Maykroekonomiks- sagnay ng economiks na may kinalaman sa paggalaw ng indibidwal na pamilihan


2. Makroekonomiks- sagnay ng ekonomiks na may kinalaman sa paggalaw ng ekonomiya sa kabuuan

Mga pinagkukunang-yaman ng Pilipinas


Pinagkukunang-yaman- tumutukoy sa mga bagay na maaring gamitin sa pagbuo o paglikha ng mga produkto at serbisyo na
makatutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao

Uri ng piangkukunang-yaman:

1. Likas na yaman- nagmula sa kalikasan na karaniwang ginagamit bilang hilaw na sangkap sa pagbuo ng mga produkto
 Yamang lupa
- 300 000 km kwadrado o 30 m ektarya sa Pilipinas (Luzon, Mindanao, Visayas)
- ginagamit bilang sakahan, taniman, tinatayuan ng mga gusali at pabrika, pagawaan, residensyal
2 uri ng yamang lupa:
a. pampublikong lupain- public domain o pagaari ng pamahalaan
b. alienable land o disposable land- mga maaring ipagbili, ipamana, ipamahagi, o ariin ng pribadong
indibiduwal
Mga suliranin ng yamang lupa:
a. Depreciation- pangunahing suliranin ng yammang kapital; pagbaba ng halaga ng yamang kapital sa paglipas
ng panahon
b. Pagkaluma ng isang bagay- nakaaapekto sa performance at efficiency nito sa pagbuo at paglikha ng iba
pang produkto
 Yamang gubat
- 5.7 m ektarya sa Pilipinas (1/4 binubuo ng komersyal na kagubatan)
- nagpapanatili ng balanseng ekolohikal sa ating kapaligiran
Mga suliranin ng yamang gubat:
a. pagkakaingin
b. forest fire
c. illegal cutting
 Yamang tubig
- kabilang sa Coral Triangle o Amazon ng Karagatan (isa sa pinakamayamang rehiyon ng karagatan sa mundo)
ang Pilipinas (18.46 m ekterya)
Mga suliranin ng yamang tubig:
a. pagkasira ng mga coral reef
b. polusyon
c. paninirahan ng mga tao sa tabing ilog at lawa
 Yamang mineral
- pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap sa paggawa ng ilang produkto (ginto, bakal, nickel, chromite,
marmol na matatagpuan sa malalaking minahan tulad ng Mt. Province, Surigao, Camarines Norte)
- non-renewable
Mga suliranin ng yamang mineral:
a. sobrang paggamit
b. pagaabuso
 Yamang enerhiya
- lakas na ginagamit upang mapagana o maaandar ang industriya sa pamamagitan ng pagsupply ng kuryente
Mga halimbawa ng yamang enerhiya:
a. hydropower- enerhiyang nagmumula sa yamang tubig (isang dam sa ilog upang magimbak); naprodyus sa
pamamagitan ng turbine na pinaiikot ang tubig (hal. Talon ng Maria Cristina, Angat Dam)
b. solar- enerhiyang nagmula sa init ng araw (ginagamitan ng solar panel); pinakamalinis na uri ng enerhiya
(hal. Cepalco 1-mw Photovoltaic Power Plant)
c. geothermal- enerhiyang nanggagaling sa init mula sa ilalim ng lupa (hal. Tiwi Geothermal Field)
d. wind- enerhiyang nagmumula sa hangin; nililinang sa pamamagitan ng mga windmill (hal. Bangui Windmills)
e. coal- enerhiyang nanggagaling sa mga sumusunog na coal (isang uri ng fossil fuel); naglalaman ng
enerhiyang nagmula sa mga halaman; sagana ngunit may hangganan; mababa ang halaga ngunit ang gastos ay
apektado ng pandaigdigang presyo ng karbon
2. Yamang tao
- mahalagang salik ng produksyon at tinuturing na pangunahing salik na nagpapatakbo ng ekonomiya ng buong bansa
- gumagamit ng lakas at nagpapaunlad sa mga yamang likas, nagbubuo o gumagawa ng yamang capital
- binubuo ng kakayahan, bilang, lakas, produktibidad
- pinagaaralan ang balangkas ng populasyon kung saan sinusuri ang edad, kasarian, sining, edukasyon, relihiyon,
empleyo
3. Yamang kapital
- bagay na nilikha ng tao upang makatulong sa paglikha ng mga produkto gamit ang talino at abilidad
- kinabibilangan ng mga makinarya, gusali, sasakyan, kagamitang pang komunikasyon

Kakapusan
- hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang mapunan o matugunan ang pangangailangan ng tao
- tinuturing pangunahing katotohanang ekonomiko

2 uri ng kakapusan ayon sa kalagayan:

1. Pisikal na kalagayan- aktuwal na kawaalan ng yaman na tumugon sa pangangailangan


2. Pangkaisipan na kalagayan- pagpigil ng tao na tugunan ang pangangailangan kahit may kakayanan siya

2 uri ng kakapusan ayon sa kalutasan:

1. Absolute- nahihirapan ang kalikasan at tao na tmalutas ang sanhi ng kakapusan


2. Relative- ang pinagkukunang yaman ay hindi makasapat sa tao

Dahilan ng kakapusan:

1. Maaksayang paggamit ng pinagkukunang yaman


2. Non-renewability ng ilang pinagkukunang yaman (hal. minerals)
3. Kawalang hanggan ng pangangailangan ng tao

Kakulangan
- tinatawag din na shortage
- makakagawa ang tao ng paraan upang masolusyonan ito
- hindi nakasasapat ang suplay sa planong pagkonsumo ng tao

Efficient na ekonomiya- tumutukoy sa kawalan ng nasasayang na salik ng produksiyon

Capital incentive production- prosesong pang negosyo o industriya na nangangailangan higit ng capital goods

Labor incentive production- prosesong pang negosyo o industria na nangangailangan ng higit na yamang tao

Production Possibilities Frontier (PPF)


- kurba sa graph
- kinakatawan ang kombinasyon ng dalawang produkto
- kumakatawan sa pinakamataas na maaring produksyon
- nagpapakita ng konsepto ng pagpili, opportunity cost (halaga ng bagay na isinakripisyo kapalit sa pinili), efficiency
- nagpapakita kung paano nahahangganan ng kakapusan ang produksiyon

Iba pang tawag sa PPF:

1. Production Possibility Frontier


2. Production Possibility Curve
3. Production Possibility Boundary
4. Production Transformation Curve

Pangangailangan
- mga bagay na dapat mayrooon tayo upang mabuhay (hal. pagkain, damit, tirhan)

Kagustuhan
- mga bagay na nakapagpapagaan sa buhay natin o nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan o karangalan (hl. Microwave oven,
washing machine, vaccum cleaner)

Abraham Harlod Maslow- Amerikanong psychologist na nagpaliwanag ng mga pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga ito sa isang hererkiyang may 5 baitang na kailangan daw munang tugunan ang pangangailangang nasa
mababang antas bago ang nasa itaas batay sa aiyang pagaaral sa buhay

1. Physiological (Pangangailangang Physiological)- may kinalaman sa normal na paggana ng katawan; kabilang dito ang
pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain, tubig, at tulog
2. Safety (Safety needs)- may kinalaman sa kaligtasan at katiyakan ng buhay; nagbibigay ng katiwasayan at katiyakan sa
buhay at katiwasayan at kapanatagan ng loob sa tao (hal. seguridad sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan,
seguridad sa pamilya, katiyakan sa kalusugan)
3. Love and Belonging (Pagmamahal at pakikisapi)- pagaaruga ng pamilya, pakikisalamuha sa ibng kasapi ng lipunan,
pakikisapi sa iba’t-ibang pangkat
4. Esteem (Magkaroon ng mataas na pagtingin sa sarili at magkammit ng respeto sa kapuwa)- nagkakaroon ng tiwala sa
sarili ang tao (hal. nagsusumikap na magkaroon ng ambag sa lipunan o maging tanyag upang mapataas ang tingin ng
ibang tao sa kanila
5. Self-actualization- kaganapan ng pagkatao; pagkakaroon ng tao ng kamalayan tungkol sa kaniyang potensiyal at
makamit ito nang lubusan

Michael P. Todaro- Amerikanong ekonomista na nagpakilala ng 3 batayang pangangailangan ng mga tao

1. Sustenance- kakayahang matugunan ang batayang pangangailangan; absolute underdevelopment and tawag sa kapag
hindi natugunan ang lipunan ang mga kailangan
2. Self-esteem- mataas na pagtingin sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dignidad na nakapagpapataas
sa paningin ng tao at lipunan gamit ang yamang ekonomiko
3. Freedom form servitude- kalayaan mula sa pagkaalipin sa kakulangan at kamangmangan

Cleyton Alderder- bumuo ng existence relatedness and growth theory bilang pagpipino sa teorya ni maslow na maaring sabay-
sabay tugunan batay sa sitwasyon ng bawat indibiduwal

1. Existence needs- katumbas ng dalawang antas ng kay Maslow


2. Related needs- katumbas ng ikatlo at ikaapat na antas ng kay Maslow
3. Growth needs- katumbas ng ikaapat at ikalimang antas ayon kay Maslow

Pagkonsumo
- tumutukoy sa paggamit ng mga konsyumer ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan

Mga karapatan ng konsyumer:

1. Karapatan sa mga batayang pangangailangan


2. Karapatan sa kaligtasan
3. Karapatan sa makatotohanang impormasyon
4. Karapatang pumili
5. Karapatan sa representasyon
6. Karapatang pagkalooban ng pagwawasto sa pagkakamali
7. Karapatan sa edukasyong pangkonsyumer
8. Karapatan sa pagkakaroon ng kaaya-ayang kapaligiran

Mga tungkulin ng konsyumer:

1. Pagiging mapanuri
2. Pag-aksiyon
3. Pagmamalasakit sa iba
4. Pagkakaroon ng kamala-yang pangkapaligiran
5. Pakikiisa sa iba pang konsyumer

You might also like