Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Makikita natin sa ating harapan si artemis.

Si Artemis ay isang diyosa ng pangangaso at ng mga


maiilap at mababangis na mga hayop sa mitolohiyang
Griyego. Mayroon siyang hawak na balingkinitang pana na
binabalahan ng ginintuang mga palaso. Dahil nga diyosa
siya ng paninila, mabilis ngunit may kayumian siya sa
pagkilos. Mahal niya ang mga kagubatan at paborito niya
ang usa. Gayundin, siya ay tagapagtanggol ng mga
maliliit na bata at kilala na nagdadala at
nagpapagaan ng mga sakit sa mga kababaihan.
Kapatid at kakambal siyang babae ni Apollo. ipinanganak
si Artemis isang araw bago ang kanyang kapatid na
si Apollo. Kilala siya sa pangalang Diana sa mitolohiyang
Romano. Dahil sa pagkakaugnay ni Apollo sa araw,
kalimitang itinuturing si Artemis sa "buwan" kasama ni
selene at Hecate. (he-keyt)
Binubuo ang mitolohiyang Griyego ng isang malaking
bahagi ng mga koleksyon ng mga salaysay na
ipinapaliwanag ang pinagmulan ng mundo at dinidetalye
ang mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga iba'tibang
mga diyos, diyosa, at bayan.

Siya ay dalagang diyosang nagsasangalang ng


proteksyon sa mga kabataan ng mundo. At ang kanyang
paboritong hayop ay ang usa at nagbibigay din ng
pagkalinga sa iba pang mababangis at maiilap na hayop.

You might also like