Professional Documents
Culture Documents
Mga Kultura NG Mga Taga-Luzon, Taga-Visayas, Taga-Mindanao
Mga Kultura NG Mga Taga-Luzon, Taga-Visayas, Taga-Mindanao
VISAYAS, TAGA-MINDANAO
Luzon
Tagalog – Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat sa buong
Pilipinas. Pagsasaka, pangingisda at pagtitinda ang pangunahing ikinabubuhay
nila. Wikang Filipino ang kanilang batayan sa pagwika. May mga ibang bayani
rin na tagalog katulad nila Jose Rizal, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Emilio
Jacinto at iba pa. Makikita rin dito ang mga ipinagmamalaki nilang mga
magagandang tanawin katulad ng mga Kalan at Banga sa Calamba, Laguna,
Taal Lake sa Batangas at Manila Bay sa Maynila. Ilan sa mga tradisyon at kultura
ay ang mga pagdiriwang ng mga piyesta, pagmamano, pagsabi ng po at opo
sa mga matatanda at prosisyon.
Igorot – Ang mga Igorot ay isa sa mga pangkat etniko ng Pilipinas mula sa
Luzon. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na
tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga,
at Kankanaey. Ang Cordillera tulad ng Abra at Kalinga ay ang mga lugar na di
sakop ng mga Igorot dahil hindi nila naiintindihan ang salitang igorot bagkus
Igorot ang tawag nila sa mga Mt. Province. Popular at kilala rin ang mga Igorot
dahil sa kanilang maganda tanawin at ipinagmamalaking Banaue Rice
Terraces. Ang kultura at tradisyon ng mga Igorot ay popular dahil sa kanilang
mga kasuotan ng bahag, pamumuhay sa pamamagitan ng mga root crops at
sa maraming dasal para sa pag-aasawa, paglalakbay at pagsasaka.
Sumasayaw din sila ng canao taon-taon.
Aeta - Nahahati ang mga Aeta sa iba't-ibang pagsamba. Bagaman kanilang
sinasabing may iisa silang kinikilalang Diyos, pero makikita ang kanilang
pagkakaroon ng iba't-ibang gawaing espiritismo. Isa na dito ang Espiritu ng
Bundok Apo. Simple lamang ang kanilang pananamit. Ang mga babae ay
nagsusuot ng telang ibinalot sa kaniyang palda o tadyang. Ang mga lalaki
naman ay nagsusuot ng bahag at putong. Isa sa kanilang kilalang tradisyon ay
ang pagsusugat ng katawan. Ito ay sadyang pagsusugat sa kanilang katawan
at pagsusunog upang makabuo ng peklat. Isa sa kanilang palamuti sa katawan
ay ang pagpipingas ng ngipin. Ang kanilang paggamot ay galing sa mga
herbal na kaalaman.
Kultura ng Luzon :
Visayas
Cebuano – Ang Sugbuhanon o higit na tawag sa Cebuano ay ang
pinakamalaking pangkat etniko sa ating bansa. Sila ay madalas
mapagsapalaran upang paunlarin ang kanilang buhay katulad ng isang
bayaning si Lapu-Lapu. Ang kanilang wika naman ay bumubuo ng wikang
cebuano, ingles, tagalog at kastila. Ang mga kauganay na mga pangkat
etniko naman ay mga Boholano, Mga Hiligaynon, Mga waray at iba pang mga
Bisaya. Ang kanilang mga ugali o asal ay ang pagiging malikhain, matulungin,
makaDiyos, at mapagmahal sa matatanda. Marami rin silang mga
magagandang tanawin tulad ng Krus ni Magellan, Fort Santiago at iba pang
mga vintage na mga bahay. Isa mga kultura ng mga Cebuano ay ang
kanilang pananampalataya o relihiyon, karamihan sa kanila ay Katoliko at
Kristiyano at iba naman sa kanila ay Budhismo at protestantismo. Ilan rin dito
ang kanilang tradisyon na magdiwang ng mga piyesta tulad ng Sinulog Festival,
Viva Sto. Nino at iba pa.
Kultura ng Visayas :
Mindanao
Badjao - Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Tawi-Tawi, Sulu, sa mga
bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang,
Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau,
Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika. Kahawig ng
mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay
isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may miyembrong 2-13
miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay. Pangingisda ang
pangunahin nilang hanapbuhay. Ang kanilang kultura at tradisyon ay ang
paggawa ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag.
Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng
makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.
Kultura ng Mindanao :
Merald R. Veracruz
Grade 8- Aloe