Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MARRIAGE (KASAL) Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo

ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisangdibdib ng dalawang tao, karaniwan na ng isang lalaki at babaeng nag-iibigan. Ang kasal ay isang pakikipag-ugnayan at sa pagitan ng indibiduwal, kadalasang isang lalaki at isang babae, na malaki ang ginagampanan sa kahulugan ng karamihan sa pamilya. Ito ay paraan upang
mapatibay ang samahan ng dalawang magkasintahan NATURE OF MARRIAGE Ang kasal ay isang moral (mga prinsipyong tama sa paningin ng tao at ng batas) at kontrata na dumadaan sa proseso ng batas sa pagitan ng babae at ng lalaki. Ito rin ay matatawag na isang moral na kontrata sapagkat ang bawat panig ng mga ikakasal ay sumasang-ayon ng bkual sa kanilang kaloobanat higit sa lahat ito ay naayon sa batas. Ang pinaguukulan ng pansin sa kasal ay ang kanilang pangako sa isat-isa (for richer or for poorer, in sickness or in health for better or for worst till death do us part). Ayon sa mga Kristiyano ang kasal ay sagrado na tumutukoy sa sagradong batas ng Diyos. (Pope Pius XI, Castii, Cannubii, Encyclical on Marriage, No.6) Bagaman sa ibang bansa inaanprubahan ang gay marriage o ang pagpapakasal sa parehong kasarian na king titingnan ito ay isang ka-imoralan. Ang polygamy ay ang pagkakaroon ng maraming asawa sa parehong panahon at ang polyandry ay ang pagkakaroon ng asawang lalaki sa parehong panahon. Ang bigamy ay ang muling pagpapakasal sa ibang babae o lalaki habang ang una niyang kasal ay may bias pa. Ilan lamang ito sa mga hindi pinapayagan ng Katolikong Simbahan. PURPOSE OF MARRIAGE Sa pagpapakasal may dalawang layunin na isinasaalang-alang una ay ang pagkakaroon ng matiwasay na buhay at pangalawa ang pagbuo ng pamilya. MARRIAGE AS SACRED

Ang kasal para kay Jesus ay nagpapahayag ng isang bagay na banal sapagkat hindi lamang ito kasunduan na ginampanan ng lalaki at babae kundi ito ay binasbasan din ng Panginoon upang maging isang sakramento na nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa mga pumasok sa ganitong pagsasama. Ang sakramento ng kasal ay nagpapahayag ng kagustuhan ng Diyos na pumasok sa isang kasunduan sa atin upang magkaroon tayo ng malalim na ugnayan sa kanya, isang ugnayan na hindi mabubuwag nang anuman o sino man sapagkat pinagiingatan ito ng Diyos. Dapat maging tapat din tayo sa ugnayang ito sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya.

Ano ang mga KAILANGAN ng kasal?


Ang mga rekisito ng kasal ay nahahati sa dalawa: ESENSYAL at PORMAL. Ang ESENSYAL na kailangan ay: 1. Pagsang-ayon (consent) na malayang ibinigay sa harap ng opisyal na nagkakasal. 2. Kakayahang ligal (legal capacity) ng ikakasal na dapat isang lalaki at isang babae. Ang mga PORMAL na kailangan ay: 1. Awtoridad ng magkakasal. 2. Valid na marriage license. 3. Isang seremonya kung saan haharap ang mga ikakasal sa opisyal na magkakasal at ang personal na pagtanggap ng isat-isa bilang asawa sa harap ng saksi na hindi kukulangin sa dalawang tao na nasa hustong gulang.

RESPONSIBLE PARENTHOOD
Kapag nabibiyayaan ng anak ang mag asawa ditto pumapasok ang pagiging responsableng magulang. Hindi natin masasabi na isa kang responsableng magulang kapag nabibigyan mo sila ng pagkain, mga damit at edukasyon subalit ang pagiging responsableng magulang ay tumutukoy sa matamang pagdedesisyon kung ilan ang magiging bilang ng yung pamilya o ng anak na kayang kaya mong suportahan. Nakapaloob ditto ang Family Planning.Ang proseso ng pagsasaayos ng pag-kontrol sa birth rate at populasyon ng bansa. Isinasaad kasi sa Family Planning ang 2-child policy na isinabatas ng gobyerno upang mapigilan ang pagdami ng Pilipino ngunit ito ay di apbrubado ng simbahan.

Ang pagsawalang bisa ng kasal sa batas (legal separation)


Ang pagsawalang bisa ng kasal sa batas na sibil ay ang pagdeklara na ang kasalay di kailanman nagkaroon ng lehitimo o legal na kaganapan. Ang ibig sabihin ay nagkaroon ng mga depekto sa kasunduan ng kasal magmulat simula pa. Tandaan natin na ang mag-asawa ay lumalagda o pinagkakaisahan ang kontrata ng kasal. Ang kontrata ay itinuturing na legal na dokumento sa ilalim ng batas. Dahil dito, ang batas ang may kapangyarihan na magpasiya kung ito ay wala nang bisa. Ang ipinagwalang-bisang kasal ay itinuturing na inbalido ang kabuuhan. Halimbawa, dahil sa pinahihintulutan lamang ng batas ang may 18 taong gulang na o pataas ang mga ikakasal, imbalido ang kasal kung ang mag-asawa o isa sa magasawa ay wala pang 18 taong gulang. Maaaring mangyari na ang kasal na balido sa simula ay mapagpasiyahang imbalido. Ito ay nangyayari kung mayroong nilabag na batas ang kontrata ng kasal Ang ilan sa mga dahilan na maaaring magpawalang bisa sa kasal ay : 1. Ang isa sa mag-asawa ay may karamdamang walang nang pag-asang gagaling pa; 2. Ang isa ay napatunayang isang adikto sa droga o alcohol, o isang homosekswal; 3. Kung isa o ang pareho ay nangalunya. Ang mga nabanggit ay itinuturing na labag sa kasunduan na nilalaman ng kontrata ng kasal. Bagamat kinikilala ng batas na sibil ang kasalan sa simbahan, hindi nito kinikilala o binibigyang bisa ang pagkanulo ng simbahan o samahang relihiyon. Ang pagsawalang bisa sa ilalim ng batas na sibil ay isang legal na proseso na maaari lamang maipagpatupad ng isang husgado.

Pangangalunya (ADULTERY)
Ang pangangalunya o pakikiagulo ay ang pagsira sa kasunduan o pagsuway sa pangakong binitawan sa pagkakakasal sa isang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ugnayang seksuwal o pakikipagtalik sa iba pang tao, bukod sa sariling asawa. Tinatawag din itong pakikiapid. Isa itong pagtataksil sa tunay at sariling asawa.
Tinataguriang mga adultero (lalaki), adultera (babae), kalunyero (lalaki), at kalunyera (babae) ang mga taong nakikiapid o sumisiping sa ibang taong hindi naman nila legal na asawa, babae man o lalaki.

CONCUBINAGE
Ang concubinage ay isang kaso para na sa lalaking mapapatunayan sa mga sumsumod: 1. Pagpapatira ng lalaki sa kanyang kabit o mistress sa tahanan na pagmamay ari ng mag asawa (conjugal dwelling) 2. pagkakaroon ng sexual na pakikipagtalik sa ibang babae na hind nya asawa sa ma iskandalusong sirkumtansya. 3. Manirahang magkasama o kasama ang kanyang kabit o mistress sa ibang lugar. ang sinumang lalaki na mapapatunayang nagkasala sa mga nabanggit sa itaas ay mapaparusahan ng hind bababa sa anim (6) buwan at isang araw at hindi lalagpas sa anim (6) na taon na pagkakakulong.

DIVORCE
ang divorce ay isang proseso na kung saan ang mag-asawa na napagdesyunang maghiwalay ay kailangan na gawin itong ligal at naayon sa batas. ito ay hindi apbrobado sa ating bansa dahil ayon sa simbahan ang kasal ay isang sagradong proseso ng pag-aasawaSa diborsyo naman,tinatapos ang kasal batay sa

mga dahilan na maaaring napapareho sa proseso ngpagsawalang bisa. Kung baga, mayroong totoong kasal na naganap subalit itongayon ay wala nang bisa. Ang diborsyo ay kadalasan naisasagawa sa mas madaling panahon di katulad ngpagsawalang bisa. Ating pakatatandaan na sa proseso ng pagsawalang bisa, ang pakay ay maipahayag na hindi balido ang kasal samantalang sa pagproseso ng diborsiyo, ang bisa ng kasal ay tinatapos lamang. Sa ilalim ng batas na sibil at batas ng mga samahang relihiyon, parehong hindi nagpapahintulot ng diborsyo sa Pilipinas maliban lamang sa mga Muslim na may batas sa pagdiborsyo. Ito ay isinabatas ng Kongreso ng Pilipinas sapagkat ang relihiyong Muslim ay kumikilala sa diborsyo

You might also like