Esp132 170 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao

Joanne Kathriz V. Cuizon 10 – Galileo


Mrs. Rechelleta P. Mercado

Pahina 132
Ang storya ay tungkol sa abortion na kwento ay tungkol kay Claire Culwell. Siya ay isang
biktima ng abortion at ang kapatid niyang lalaki. At siya ay sumulat sa isang Doktor na siya ang
gumagawa sa abortion. Na ang nakasaad ay ang sama ng loob niya sa doktor. At kanyang sinabi
na “kung hindi dahil sa doktor” hindi sana niyang mailuwal ang may problema sa katawan, 2.5
buwan lang ay inilatas na siya sa sinapupunan ng kanyang ina. At ang kapatid naman niyang
lalaki ay nawala dahil sa abortion. Kaya sinisisi niya ang Doktor na gumagawa sa abortion dahil
sumasang-ayon siya sa gusto ng mga ina na ipalaglag ang kanilang mga anak. At maraming bata
ang nawala dahil sa abortion.

Page 134
1. Ang nakikita ko sa cartoon na ito ay ang lugar ay nadudumihan. Ang mga taong nagtatapon ng
basura sa lahat ng dako, ang mga isda ay namamatay, at ang mga ibon na kumakain ng mga
nakakalason na basura.
2. Oo, dahil kung ihahambing mo ang cartoon sa realidad, makikita mo na mayroon silang
parehong mga sitwasyon na nangyayari sa mundong ito. Tulad ng polusyon, nagtatapon ng
basura ang mga tao, namamatay ang mga isda, at marami pang iba.
3. Hindi, dahil kung doon ako titira ay magkakaroon ako ng sakit at impeksyon mula sa mga
nakakalason na basura na maaari kong malanghap at mamatay.

Page 142
1. Ang isang kasunduan ay ang Panimula sa panlahat na Kaligtasang Skolohikal.
2. Ang ipinahayag sa kasunduang ay dapat ang mga sumusunod; Relasyon sa mundo, relasyon na
isa’t-isa, relasyon sa pagitan ng ekonomika at ekolohikal na pangangalaga at pamamahala at
ekolohikal na pangangalaga.
3. Opo, dahil dapat lahat ng bawat tao ay may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aalaga ng
ating kalikasan at maaayos at responsabling paggamit ng may mga teknolohiya sa pag-paunlad
ng ating ekonomiya.
4. Ang kulang sa Kasunduang Pandaigdig ay ang pagpatupad at dapat ang bawat isa ay
magkaroon ng tamang impormasyon at kumunikasyon.

Page 143
Mga Prinsipyo at Pangako
1. Relasyon sa mundo.
Pangako: Kung gayun, ako ay nangangakong alagaan ang aking sarili sa sisikaping magkaroon
ng kaugnayan sa mundo.
2. Relasyon sa isa’t-isa
Pangako: Kung gayun, ako ay matutong makikipagkapwa tao sa gunon nagkaroon ng katuwang
sa pagpapaunlad ng ating daigdig.
3. Relasyon na pagitan ng ekonomiko at ekolohikal ng pangangalaga.
Pangako: Kung gayun, ako sangangakong alagaan ang aking pamilya, mga anak upang
magkaroon ng mga maaayos na buhay.
4. Pamahala at ekolohikal na pangangalaga.
Pangako: Kung gayun, ako ay nangangakong alagaan ang kapaligiran. Hindi po ako susuway sa
mga namumuno at kung ano mang mga ligal na ipinapatupad ng mga namumuno.

Page 144
“Ako ang pinakadahilang kaloob ng Kalikasan sa dimang kalikasan”.
Ako ang dahilang kaloob ng kalikasan dahil ako ay maiiba na lahat ng mga bagay na ginagawa
ng Diyos.

Ako ang dahilang kaloob ng kalikasan dahil binibigyan ako ng kahalagahan sa pagpapa-unlad ng
inang kalikasan.

Ako ang dahilang kaloob dahil may katayanan akong maipamahagi kung ano ang malaman ko
para mapa-unlad ang ating kalikasan.

Ako ay ang pinakadahilang kaloob dahil mayroon akong pamilya na handang tumulong at
dumamay sa ano nang mga kaloob pagkalikasan para mapa-unlad ito.

Ako ay pinakadahilang kaloob dahil marunong akong sumusunod sa mga maayos at legal na
pamumuno para mapa-unlad ang Inang kalikasan.

Page 146
1. Ang kaisipan na lubos na nakapuhaw sa akin ay ang “pagwasak sa kalikasan ay katumbas ng
pagwasak sa sangkatauhan”.
Ito ang napili ko dahil alam naman nating lahat na pagwasak mo ang
napahahalagang bagay mahirap na itong ibalik at palitan.
2. Ang pagkakapareho ng mga kaisipang ito ay patungkol sa pasira na kalikasan.
3. Unang una ay ang iyong sarili. Dapat may magagandang pag-uugali dahil doon nag-uumpisa
ang lahat. Kung hindi ka marunong mag-aalaga ng kalikasan at di marunong makipag kapwa tao,
di marunong sumunod sa mga utos ng nasa pamamahalaan walang maidudulot na kaunlaran sa
ating daigdig at sa Inang Kalitasan.

Page 148
1. Sumulat ang Inang kalikasan dahil nauubos na ay mga kahoy sa kagubatan dahil sa pagpuputol
nito, ang ng isdang maliliit ay namamatay dahil sa ilegal na pangingisda at ang mga lupa ay wala
ng mga nagagandang tanim dahil sa pang-aabuso ng mga tao.
2. Ang liham ay tungkol sa mga taong hindi marunong mag-alaga sa Inang kalikasan.
3. Opo, tulad nalang ng hindi pagtapon ng mga basura sa dagat at ilog.
4. Inang Kalikasan,
Simula ngayon ako po ay sisiguraduhing mapa-iwasan sa pagsasamantala ng iyong kalikasan sa
pamamagitan ng hindi pagputol ng mga kahoy na hindi pwede putolin. At kung magputol man
ako ng kahoy ito ay papalitan ko ng bagong tanim para may maipalit ako sa aking pinutol na
kahoy.
Humihingi po ng kapatawaran,
Joanne

Page 156-157
1. Ang ibig sabilin ng Espirituwal ng Paglikha ay ang paniniwala na ang Diyos may likha ng
lahat at tayo ay ayusin ang paggamit ng mga nilikha ng Diyos.
2. Maitataguyod ang Espirituwal ng Paglika sa pamamagitan ng pagsunod at pagmamahal sa
kapwa at sa Diyos.
3. Sa aking sarili maipapaliwanag ko tungkol sa Espirituwal ng Paglikha ay ang pananalig sa
Diyos at ayusin sa paggamit ano man ang ibinigay ng Diyos sa atin.
4. Opo, dahil naniniwala ako na kung may pananalig ka sa Diyos lahat ng gagawin ko ay maayos
sa gusto ng Diyos at mapangalagaan ko ng maayos kung ano man ang ibinigay sa atin ng
panginoon.
5. Siguro ang magandang gawin ng pamahalaan ay magkaroon ng istriktong batas na tumutugon
sa pag-aalaga ng Inang kalikasan. At hindi mismo ang namamahala ang susuway sa batas na
iyon. At hihingi ng tulong at manalangin sa Panginoong dahil walang imposible sa kanya.

Page 158
"Magiging bahagi ako ng krusada ng Espiritwalidad ng Paglikha. Simulan ko ito ngayon."

Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin sa Diyos lahat ay magagawa. Dahil kung ang kapwa
tao ay may takot sa Diyos hindi sila gagawa ng anumang makakasira sa kapaligiran at doon
maiiwasam din ang mga delubyo at masasamang pangyari. Dapat tayo ay may kanya-kanyang
responsibilidad na ayusin at pangangalagan ang ating isang kalikasan at sa pamamagitan ng
panalangin at pananalig sa Diyos lahat ay magagawa.

Page 160-161
1. Sinang-ayunan ko:
Mga drama ukol sa relasyon
Okay lang naman na ipahayag ang relasyon sa medya basta may pahintulot sa bawat isa di sinang
ayon:
Pagkapoot - hindi dapat sinasabi ang puot na nararamdaman mo sa isang tao dahil marami ang
magbibigay ng payo na hindi naman maaayos at mas lalo lang naman sa lalaki ang isyu.
2. Dapat laging maingat sa pagpopost sa facebook dahil marami na ngayon ay ginagamit ang
isyu para lang kumita.
3. Kung ang "Pader ko, mga tuntunin ko". Dapat gawing kanais-nais na paningin ng mga tao
para hindi magkaroon ng isyu na makasisira sa iyo at sa ibang tao.
4. Ang social media ay panlipunang bumubuo sa aking sarili, kaya dapat kung ano ang ipinapost
mo ay may pawang katotohanan at hindi gawa-gawa lamang.

Page 167
1. Ang like button ay nagpapahiwatig ng nagustuhan ng tao ay inyong pinopost sa media. At
kung marami ang naglalalike ibig sabihin maganda ang pinopost mo. Subalit hindi mo
madidiktahan ang isang tao kung gusto ba o hindi and iyong post dahil mayroong dislike button
na ginagawa si Vincent.
2. Sa puntong ito tama ang ating mga magulang na kung hindi mo gusto ang isang litrato na
nakita mo sa facebook ay huwag ka nalang magsabi ng kung ano-ano patungkol doon.
3. Minsan ang facebook o social media ay makakatulong upang maipahatid ang isang maganda o
di kanais-nais na balita. Pero sa ibang angulo naman nakakasira ng reputasyon ng isang tao lalo
na kung puno hindi maganda ang nilalaman nito.

Page 169
1. Unang-una dapat ipaalam sa mga kaibigan na huwag na nilang gawin ang mga bagay tulad ng
pagsubsub ng mukha sa kyek dahil hindi niya gusto ito.
2. Minsan sa buhay ko ay gumawa ako ng hakbang na hindi ko kunukon-sulta sa aking mga
magulang o ginigiit ko na gawin iyon. Kaya noong mangyari na ay laki ng pagsisisi ko. Kaya
mula noon kung sinabi ng mga magulang ko kahit labag sa loob ko ay ginagawa ko na lamang
dahil alam kung para sa kabutihan ko ang mga ginagawa nila sa akin.
3. Siguro mas mabuti kung kumuha nalang sila ng icing gamit ang mga daliri nila at ipinahid sa
mukha ng nagdiriwang nilang kaibigan.

Page 170
Mga bagay na personal na karanasan.
1. Mga nakakatawang memes.
2. Mga litrato tungkolsa kyoot na video at photos.
3. Mga nakakatuwang mga larawan na hindi ko namalayan.
4. Mga aktibidad sa leksyon na kailangan i post sa facebook.
5. Mga gawamn videos patungkol sa pagiging maayos pangangatawan.
6. Mga masasarap na mga pagkain galing sa ibang-bansa.
7. Mga larawan ng aking mga kaklase.
8. Mga post patungkol kay Hesus.
9. Pinupost ko ang mga bagon mga building nagawa sa ating bansa.
10. Mga larawan na kasama ko ang aking pamilya.

You might also like