Professional Documents
Culture Documents
Pagtanggap Sa Mga LGBT
Pagtanggap Sa Mga LGBT
Nararapat na ligtas na lugar para sa lahat ang mga paaralan. Pero sa Pilipinas, madalas na
dumadanas ng bullying, diskriminasyon, kawalan ng akses sa impormasyon tungkol sa LGBT, at sa ibang
kaso, may pisikal at sexual na pananakit sa eskuwelahan ang mga estudyanteng lesbian, gay, bisexual, at
transgender (LGBT).
Ngunit itong mga patakaran, maganda man sa papel, ay hindi naipapatupad nang husto. Sa
kawalan ng epektibong implementasyon at pagsubaybay, maraming kabataang LGBT ang patuloy na
nakakaranas ng bullying at harassment sa paaralan. Ang masamang trato sa kanila ng mga kaedad at
guro ay pinapalubha pa ng patakarang mapagbukod na nagpapababa at dumedehado sa mga
estudyanteng LGBT, pati na rin ang kakulangan ng impormasyon at resources tungkol sa isyung LGBT sa
mga eskuwelahan.
Kung titingnan ang mga isyung ito sa perspektibo ng aming paaralan, mas konti ang record ng
bullying at diskriminasyon ukol sa LGBT. Malaya ang mga estudyanteng ipakita kung ano sila habang
sinusunod ang ipinapatupad na pamantayang pangkasuotan sa loob ng paaralan. Samakatuwid
naipapakita lamang na tanggap at nirerespeto sa loob ng kampus ang mga miyembro ng LGBT.
Kung tutuosin, madalas na yaong mga maraming talentong ipinapakita ay mga miyembro ng
LGBT. Sila ang nangunguna sa mga magagaling sumayaw, kumanta at maging sa larangan ng fashion at
pagpapaganda. Walang rason upang ilayo natin ang ating mga sarili sa kanila.
Sa kabila ng mga maling kuro-kuro, kapag pinapahalagahan natin ang ating mga sarili, lahat ng
mga balang itatapon sa atin ay hindi makakapinsala sapagkat nakasuot na tayo ng panangga.
Masasaktan man ngunit hindi nito matitinag ang pader na ginawa nating panangga. Isa na rito sa LNNHS,
na kung saan may mga gays na nakasuot ng make up at mga lesbians na may gupit panlalaki na may
palagay ang loob na pumasok sa loob ng paaralan.
Kilala ang Pilipinas sa isa sa mga bansang sumusuporta sa mga miyembro ng LGBT. Napatunayan
na ito ng Mataas na Paaralan ng Las Nieves. Kung nagagawa ito ng aming paaralan, bakit hindi sa inyo?