Professional Documents
Culture Documents
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO Final
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO Final
IKATLONG BAITANG
I. LAYUNIN
A. CONTENT STANDARD: Tatas
B. PERFORMANCE STANDARD: Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan.
C. LEARNING COMPETENCY: Natutukoy at nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma.
II. PAKSANG ARALIN
ANG AMING MAG - ANAK
A. REFERENCE
1. TEACHER’S GUIDE: pp 186
2. LEARNER’S MATERIAL: pp
3. TEXTBOOK PAGES:
4. ADDITIONAL MATERIALS FROM https://www.google.com
LEARNING RESOURCES PORTAL
B. VALUE FOCUS
PAGIGING RESPONSABLENG ANAK
III. PROCEDURES
A. PRELIMINARY ACTIVITIES
1. REVIEW
Kumuha ng larawan ng isang pamilya na may kaparehong karanasan ng inyong mag-anak
noong nakaraang lingo. Magbigay ng detalye tungkol dito.
Mag-anak
2. WORD DRILL
Basahin ang mga salita na nasa pisara. (may nakatagong sagot na hihilain pagkatapos
masagutan ang bawat tanong sa “unlocking of difficulties”)
- nakaabang
naghihintay
- nalulunasan
napapawi
- nakalaan
3. UNLOCKING OF DIFFICULTIES
Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Ang nanay ay nakaabang sa pagdating nina kuya at ate.
a. naghihintay c. nagagalit
b. nagtatampo d. nag-aalala
2. Ang lahat ng pagod ay nalulunasan sa ngiti ni bunso.
a. naiintindihan c. napapawi
b. nadadagdagan d. napupunasan
3. Ang perang itinabi ng Tatay ay nakalaan para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
a. nakatago at gamitin kaagad
b. pambili para mamaya
c. itinabi para sa hinaharap
d. gagamitin agad
B.LESSON PROPER
Babasahin ng guro ang tulang “Ang Aming Mag-anak”
Itanong: Ano ang pamagat ng tula?
Ano ang naramdaman ng bata sa tula?
Base, sa tula, paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga
anak?
Kung ikaw ay magiging tatay baling araw, paano mo maipapadama ang iyong
pagmamahal sa iyong mga anak?
* Value Focus: Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga
magulang?
Sabayang Pagbabasa ng mga bata ng tula at indibidwal na pagbabasa ng tula.
Itanong: Ano ang iyong napapansin sa tula? (magkasing-tunog ang mga salita sa dulo ng bawat
linya ng tula; masaya-kuya, Ina-pamilya, katawan-nalulunasan) Ipalakpak ang kamay upang
mabilang kung ilang pantig ang bawat salitang magkasing-tunog. Isulat ang bilang ng pantig
(Integration of Mathematics)
Meron pabang ibang nababatid sa tulang binasa? (pareho ang letra sa huli)
1.ACTIVITY
(Pagsasabi ng mga bata ng mga dapat gawin kapag may pangkatang gawain)
Pangkatang Gawain
I. Ilista ang mga salitang magkasing-tunog sa kantang “Leron-Leron Sinta” (Integration of
MUSIC)
II. Magdrowing ng mga halimbawa ng magkasing-tunog na mga salita. (Integration of ART)
III. Mag-isip ng patalastas na may mga salitang magkasing-tunog. (Integration of MUSIC
and P.E.)
2.ANALYSIS
Base sa ipinakita ng Group 1, ano, ano ang mga salitang magkasingtunog?
Sa gawang drowing naman ng group 2, magkasing-tunog ba ang alak at bulaklak? Ang kamay at
bahay?
Sa ipinakitang patalastas ng Group 3, ano anong mga salitang magkasing-tunog ang inyong
napakinggan?
Karagdagang Katanungan
Tingnan natin ulit ang gawa ng bawat Grupo.
Ano ang inyong napupuna sa salitang Sinta at papaya, bunga at sanga?
Ano ang huling titik mayroon ang alak-bulaklak at kamay-bahay?
3.ABSTRACTION
Ano ang tatas?
4.APPLICATION
Kumuha ng isang bunga na may salita at ipares ito sa isang bunga na may salitang kasing-tunog
ng una.
Basahin at unawaing mabuti ang bawat numero. Isulat ang titk ng tamang sagot.
No. of Items
No. of Days
Learning Competencies
Evaluating
Applying
%
V.ASSIGNMENT
Maghanap sa internet ng mga limang (5) halimbawa ng salitang magkasing-tunog at gamitin ito sa
pngungusap.
Prepared by:
LEONARDO F. DICAPRIO
Teacher III