Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

2

Learning Activity Sheet


sa Filipino 2
Kuwarter 4 – MELC 6
Pagsulat nang Wasto ng mga Idinidiktang
mga Salita

REHIYON 6 – KANLURANG VISAYAS


Filipino 2
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng LAS na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 2

Manunulat: Ji-an Barros


Editor: Lourdes D. Orola , Renita A. Bocalid
Tagasuri: Jocelyn D.Sunsona
Tagaguhit: Ji-an Barros
Tagalapat: Jackielyn Cabangal

Division of Roxas City Management Team:


Mr. Feliciano C. Buenafe Jr., CESO VI
Mr. Rogelio P. Amador, CESO VI
Dr. Marvic S. Martirez
Dr. Jocelyn D. Sunsona
Mrs. Renita A. Bocalid

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico, CESO IV
Pedro T. Escobarte Jr., CESO V
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Filipino Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng
sama-samang pagtutulungan ng Schools Division of Roxas sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Bisaya sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Management Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay
ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo upang matulungan na,
maipagpatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang
mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat
gawain.
Kuwarter 4, Linggo 6

Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 1


Pangalan ng Mag-aaral: _____________________Grado at Seksiyon:_____
Petsa:_______

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 2


Pagsulat nang Wasto ng mga Idinidiktang mga Salita
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naisusulat nang wasto ang mga idinidiktang mga salita
(F2KM-IVb-5)
II. Panimula (Susing Konsepto)
Isa sa mga kasanayang pampagkatuto na dapat matutuhan
mo ay ang pagsulat nang wasto ng mga idinidiktang salita. Dito
nahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsulat ng
iba’t ibang mga salita sa paraang padikta. Ang kasanayang ito ay
karaniwang nagpapaunlad at nagpapatalas ng isip. Humahasa
din ito sa kakayahan mo sa pagsulat ng tamang ispeling ng salita.
Sa araling ito ay mas mahahasa ang kaalaman mo sa pagsulat
nang wasto ng mga salitang idinidikta.

III. Mga Sanggunian: MELC

IV. Mga Gawain

Page | 1
Gawain 1: Basahin nang malakas ang kuwento.

Masarap Magluto si Nanay Aida


Isinulat ni Ji-an G. Barros

Sa aming lugar ay may isang babae na kilalang-kilala dahil sa


kaniyang masarap na luto. Ito ay si Nanay Aida. Siya ay nagmamay-
ari ng isang karinderya sa may kanto. Bawat araw na pagbukas ng
kaniyang karinderya ay maraming mga tao ang bumibili at kumakain
dito, dahil masarap ang tinda niyang mga pagkain. Masarap ang mga
putaheng kaniyang inihahanda katulad ng adobo, pakbet, pritong
isda, nilagang baboy at kaldereta. Masayang-masaya si Nanay Aida
araw-araw dahil marami ang kaniyang naibebenta at masayang-
masaya rin ang kaniyang mga mamimili dahil masarap magluto si
Nanay Aida.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan batay sa kuwentong iyong


binasa.
1. Sino ang babae sa kuwento?
____________________________________________________
2. Bakit kilalang-kilala siya sa kanilang lugar?
____________________________________________________
3. Bakit masayang-masaya ang mga mamimili ni Nanay Aida
araw-araw?
______________________________________________________
4. Ano-anong mga putahe ang niluluto ni Nanay Aida araw-
araw?
_____________________________________________________

Page | 2
Gawain 2
Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang salita upang mabuo ang
pangungusap.

1. Ang mansanas ay kulay ________.

2. Ang kape ay ________.

3. Ang aking kapatid ay mahilig maglaro ng ________.

4. Ang ________ ni Maria ay mahaba.

5. Ang ________ ay masipag na hayop.

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat nang wasto ang angkop na mga salita upang mabuo
ang pangungusap.

1. Ang ________ay matamis.

2. Sa________kami kumakaing mag-anak.

3. Ang alaga kong ________ ay mabait dahil ito ay hindi


nananakit.

4. Ang aming ________ay maliit lamang dahil apat lang


kaming nakatira dito.

Page | 3
5. Ang ________ ay tahol ng tahol dahil mayroong
magnanakaw.

Pagsasanay 2
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang
pangungusap.

1. Ang pagtanim ng mga ________ ay nakatutulong upang


maiwasan ang pagbaha.

2. Ang pag-alaga ng iba’t ibang ________ ay maaaring


pagkakakitaan.

3. Mabango ang mga ________ sa aming hardin.

4. Napakaganda ng aking guro. Hugis ________ ang


kaniyang mukha.

5. Sabi ng nanay ko lagi daw akong kumakain ng


kalabasa upang luminawa ang aking mga ________.

Page | 4
V. Repleksiyon
Panuto: Tapusin ang pangngusap.
Ang natutuhan ko sa araling ito ay _________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________.

Page | 5
Page | 6
Gawain 1:
1. nanay Aida
2. dahil sa kanyang masarap na luto
3. masarap magluto si nanay Aida
4. adobo, pakbet, pritong isda, nilagang baboy,
kaldereta
Gawain 2
1. pula
2. mainit
3. bola
4. buhok
5. kalabaw
Pagsasanay 1
1. atis
2. mesa
3. pusa
4. bahay
5. aso
Pagsasanay 2
1. puno
2. hayop
3. bulaklak
4. puso
5. mata
VI. Susi sa Pagwawasto
Page | 7

You might also like