Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

BAITANG

11
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
(Sanayang Papel sa Filipino)

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng sanayang papel na ito:


1. Gamitin ang inilaang espayo para sa pagsagot ng mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa sanayang papel na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
ARALIN 8: Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino
Linggo 8

I. Panimula (Susing Konsepto)

MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pinagsamang mga tunog.
Morpema ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan Ang morpema
ay gating sa salitang Griyego na “morph” na nangangahulugang anyo o yunit at “eme" na ang ibig
sabihin ay kahulugan.

A) Mga Uri ng Morpema


Sa aklat nina Irma V. Ugot et.al. (pp.49-51), may iba’t ibang uri ang morpema.

1. Malayang Morpema (Free Morpeme)

➢ Tumutukoy sa mga salitang nakatatayong mag-isa at may kahulugan. Kapag hinati ang salita,
masisira o mawawala ang kahulugan. Tinatawag ding mga salitang- ugat ang mga malayang
morpema.
Halimbawa: awit, puso, mali, aklat, sulat

2. Di-Malayang Morpema

➢ Tinatawag ding morpemang gramatikal ang mga di-malayang morpema sapagkat nagkakaroon
ng pagbabagong-anyo ang salitang-ugat sa kanyang istruktura at nagpapahiwatig din ng bagong
kahulugan. Kung gayon tinatawag na di-malayang morpema ang mga panlapi dahil ang mga ito
ay di nakatatayo nang nag-iisa subalit nagtataglay ito ng sariling kahulugan.
Halimbawa:
Panlapi Salitang-Ugat Bagong Salita
um- + inom = uminom
ma- + inom = mainom

3. Leksikal na Morpema

➢ Ito ay ang pinagsama-samang malayang morpema at di-malayang morpema na nagbubunga


ng panibagong anyo ng salita gayundin ang kahulugan.

Halimbawa.

Ang salitang agawan ay binubuo ng malayang morpema na agaw (salitang-ugat) at hulaping -


an na tinatawag na di-malayang morpema. Ang agaw ay nangangahulugang pagkuha at ang
-an ay nangangahulugang pagganap ng kilos. Kung gayon ang agawan ay ang pagkuha ng
isang bagay sa tao. Kapag kinabitan naman ng ma- (isang di- malayang morpema) ang
maagawan ay nangangahulugan sa taong nakukuhaan ng isang bagay.
4. Gramatikal na Morpema

➢ Tulad ng mga salita, inaayos ayon sa panuntunang panggramatika ang mga pinagsamang salita
kaya nagkaroon ng malinaw na kahulugan. Sa morpemang gramatikal ang mga salita’y
nagsusunud-sunod sa tulong ng mga pangatnig. pang-ukol o pang-abay sa loob ng mga salita
sa isang pangungusap.

Halimbawa:

Naagawan ng bag ang babaeng nagiaiakad sa daan.

Makikita na kung ang mga salitang may kahulugan tulad ng: naagawan, bag, babae, nagiaiakad,
daan ang nagsasama-sama ay wala itong malinaw na kahulugan. Subalit kapag ikinabit ang
mga salitang walang tiyak na kahulugan tulad ng: ng, ang at sa ay magiging ganap ang
mabubuong pangungusap.

5. Infleksiyonal na Morpema

Sa aklat nina Franklin at Rodman (1978), sinasabing ang morpemang infleksiyonal ay ang paggamit
ng mga morpemang panlapi sa pandiwang pamanahon o aspekto ng pandiwa. Nangangahulugang hindi
kakikitaan ng pagbabago sa kategoryang sintaktik ng mga salita o morpema kung saan sila nakakabit
kundi sa pamanahon o aspekto lamang. Tingnan ang mga pangungusap sa ibaba na naglalarawan ng
kaayusan ng morpemang infleksyonal.
Tumawa si Kathleen Claire.
Tumatawa si Kathleen Claire.
Tatawa si Kathleen Claire.
Sa unang pangungusap ipinahiwatig sa pandiwang tumawa ang kilos na nasa aspektong perpektibo
o natapos ng gawin. Sa pangalawang pangungusap naman, ang pandiwang tumatawa ay nasa
aspektong imperpektibo na nagsasabi na patuloy pang ginagawa ang kilos. Ang pangatlong
pangungusap ay nagpapahiwatig na ang pandiwang tatawa ay gagawin pa o nasa aspektong
kontemplatibo.
Mapapansing walang pagbabagong leksikal na naganap sa pangungusap sa itaas kundi ito ay
nakatupad pa sa hinihingi ng sintaktikang kaayusan.

6. Derivasyonal na Morpema
Ang alinmang uri ng morpema o salitang kinabitan ng ibang morpema ay nagbabago ang uring
panggramatika. Ito ay nagkaroon ng morpemang derivasyonal Magbabago ang kahulugan sa pagbabago ng
nabuong salita.
Halimbawa:

1. sayaw (dance) - mananayaw (dancer)


2. basa (read) - mambabasa (reader)

B) Ang Alomorp ng Morpema


Ang alomorp ay tinatawag sa Ingles na allomorph na galing sa dalawang salitang allo (kapara o katulad)
at morph (yunit o anyo). Sa panlinggwistikang pag-aaral, ang alomorp ay tumutukoy sa pagbaabgong-anyo ng
morpema maging sa kayarian o tunog ng kaligiran.
Ang morpemang [pang-] ay may tatlong anyo: [pang-], [pam-], [pan-]. Ang alomorp na [pang-] ay
ginagamit kapag ang salitang inuunlapian ay nagsasalita sa patinig na / a, e, i, o, u / o alinman sa mga katinig
na / k, g, h, m, n, ng, w, y /; ginagamit naman ang [pam-] kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa / p,
b / at [pan-] kapag ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa / d, I, r, s, t /.
Halimbawa:
pang-araw-araw pambata pandasal
pangkabuhayan pampasigla panlaro
panggalaw pampalakasan pantalo

C) Pagbabagong Morpoponemiko
Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran ay
tinatawag na morpoponemiko.

May mga uri ang pagbabagong morpoponemiko ayon kay Lachica (2000).

1. Asimilasyon
Kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng isa pang morpema ay may pagbabagong
morpoponemikong naganap. Ang panlaping pang ay nagiging pam kapag ito ay kinakabitan ng salitang-ugat
na nagsisimila sa letrang p o b. Nagiging pan naman ang panlaping pang kapag ang kasunod na salita ay
nagsisimula sa letrang d, I, r, s, t. Mananatiling pang ang panlaping ikakabit sa salitang-ugat kung ang kasunod
na salita ay nagsisimula sa mga letrang hindi nabanggit sa unahan.
2 Uri ng Asimilasyon
A. Asimilasyong Di-Ganap
Sa aklat nina Leyson p. 75, sinasabing ang pagbabagong nagaganap sa isang morpema ay sanhi
ng posisyong pinal na sinusundan ng mga salitang nagsisimula sa bigkas na pailong. Ang /n/ ng /pang/ ay
nagiging /m/ o /n/ at mangyayari ay manatili ang /n / ayon sa kasunod na tunog.
pang + daliri = pandaliri
pang + bansa = pambansa
Ang mga halimbawa sa itaas ay nagpapakita ng asimilasyong parsyal dahil minsan lamang
nangyari ang pagbabagong nagaganap.

B. Asimilasyong Ganap
Nagkaroon ng asimilasyong ganap kapag ang unang ponemang inuunlapian ay naasimilang ganap
ng tunog ng panlapi.
pang + takip = pantakip - panakip
pang + salo = pansalo - panalo

Ang mga salitang pantakip at pansukat ay mga halimbawa ng asimilasyong parsyal. Ngunit ang
mga salitang ito ay naasimila nang dalawang beses kaya ito ay nagiging asimilasyong ganap. Ngunit
hindi lahat ng salitang nagsisimula ng p,b,t,s ay nagkakaroon ng asimilasyong ganap dahil may mga
salitang nananatili ang anyo nito kahit na ito ay inuunlapian tulad ng pambansa at hindi pamans.

2. Pagpapalit ng Ponema
Sa pagbubuo ng mga salita ay may pagkakataong ang ponemang nasa pusisyong inisyal ng salitang
nilalapian ay nagbabago o nilalapian. Madalas itong maganap sa ponemang /d/ at /r/. Ang mga ponemang /o/
at /u/; /e/ at /i/ ay nagpapalitan din nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa;
dami – rami totoo – totoo babae- babai
3.Metatesis
Metatesis ang tawag sa paglilipat ng titik sa loob ng isang binubuong salita. Makikita ito sa posisyon ng
ponema.
Halimbawa:
yaya + in = y + in + aya = yinaya = niyaya

4.Pagkaltas ng Ponema
Ang pagbabagong morpoponemikong ito ay nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-
ugat na hinuhulapian ay mawawala.
Halimbawa:
sakit + an = sakitan = saktan
dama + hin = damahin = damhin
5. Paglilipat-diin
Ang diin ay maaaring malipat ng isa o dalawang pantig patungong huling pantig o isang pantig sa unahan
ng salita.
Halimbawa:
ka + gubat + an = kagubatan
ka + sawi + an = kasawian

D) Kayarian ng Salita

1. Payak - binubuo ng salitang-ugat lamang.


Halimbawa: basura, aklat, yaman

2. Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

Uri ng Paglalapi

a) Unlapi — kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan ng salitang-ugat.


Halimbawa: umaga, maganda, magdasal

b) Gitlapi - kapag ang panlapi ay ikinabit sa gitna ng salita


Halimbawa: kinain, sumayaw, tinalon

c) Hulapi - kapag ang panlapi ay ikinabit sa hulihan ng salita


Halimbawa: kainan, agahan, sipagan

d) Unlapi at Gitlapi - kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at gitna ng salita Halimbawa:
magsumikap, nagsumamo

e) Gitlapi at Hulapi - kapag ang panlapi ay ikinabit sa gitna at hulihan ng salita Halimbawa:
kwenintuhan, sinayawan, tinalunan

f) Kabilaan - kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan ng salita

Halimbawa: inawitan, kabuhayan, pinagsayawan

g) Laguhan - kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan, gitna at hulihann ng salita.


Halimbawa: pinagsumikapan, pinagsumigawan, pinagsabihan

3. Inuulit — ay ang pag-uulit ng salita. Maaaring ang buong salita ang inuulit o ang bahagi lamang nito.
Uri ng Pag-uulit

a) Ganap na Pag-uulit - inuulit ang buong salita


Halimbawa: taon-taon, araw-araw, buwan-buwan

b) Parsyal na Pag-uulit - bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.


Halimbawa: tatago, sisigaw, aaraw

c) Kombinasyon - pinagsama ang pag-uulit na ganap at parsyal.


Halimbawa: tatalon-talon, sisigaw-sigaw, tatago-tago

4. Tambalan- ang tawag sa dalawang magkaibang salita na pinag-iisa.

Uri ng Tambalan

a) Tambalang Ganap - kapag ang dalawang magkaibang salitang pinagtatambal ay nananatili ang
kahulugan.

Halimbawa: silid-aklatan, silid-tulugan

b) Tambalang Di-ganap - ang dalawang salitang pinagtatambal ay nagbibigay ng ikatlong kahulugan.

Halimbawa:

bahaghari - bahag (g-string) + hari (king) = bahaghari (rainbow)

bahay-kubo - bahay (tirahan ng tao) + kubo (maliit na bahay) = bahaykubo (maliit na bahay na
tinitirhan ng tao)

You might also like