Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Gawain 2/ Activity 2.

“Sulating Pananaliksik”
Isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik, Bunga ito ng organisadong at
sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong impormasyon na
magagamit sa buhay ng isang indibidwal.
Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong nagiging masidhi ang pagsasagawa ng
pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyan ng
kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.
Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag aanyaya ang
kanyang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.
Isang akademikong Gawain ang pananaliksik nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na
mapalawak ang karanasan, madagdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat maging kapaki-
pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad, ang nagagawa ng pananaliksik sa mag-aaral.
Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang
mahabang panahon upang maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik.

You might also like