Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Filipino 3

I-A. Piliin ang tamang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bawat


pangungusap.
1. Umupo muna siya sa bangko habang naghihintay ng sasakyan.
a. upuan
b. kung saan maaaring magtago o maglagak ng pera

2. Alagaan mong mabuti ang baka sa bukid.


a. salitang ginagamit sa pagpapahayag ng pag-aalinlangan
b. hayop na inaalagaan at nagbibigay ng gatas at karne

3. Muling sumikat ang mga tala sa langit pagkatapos ng bagyo.


a. makinang at malaking bituin
b. ulat, listahan

4. Nagtanim ako ng gabi sa likuran ng aming bahay.


a. isang uri ng gulay
b. bahagi ng isang araw pagkatapos ng hapon

5. Ayaw kumain ni Nelia dahil sawa na siya sa tsokolate.


a. isang uri ng ahas
b. suya

6. Binasa niya ang kuwento sa harap ng kanyang mga kaklase.


a. tiningnan at inintindi kung ano ang nakasulat
b. tinapunan ng tubig

7. Masayang nagkwentuhan ang magkakapatid sa may sala.


a. bahagi ng bahay na tinatanggapan ng mga panauhin
b. kasalanan

8. Nabasag ang paso ng tamaan ito ng bola.


a. lalagyan ng halaman
b. lapnos
1
9. Sobrang saya ko nang makita ko ang aking paboritong artista.
a. palda, pang ibabang damit
b. tuwa, galak

10. Nakapagtapos siya dahil kaya ng kanyang mga magulang na itaguyod ang
kanyang pag-aaral.
a. magagawa
b. salitang ginagamit sa pag-uugnay sa dahilan at bunga

B. Bilugan ang titik ng salitang bubuo sa diwa ng bawat pangungusap. Gamiting


gabay ang kahulugan ng salita na nasa panaklong.

1. __________ ang may responsibilidad mangalaga sa ating kalikasan.


a. tayo (hindi nakaupo)
b. tayo (ako at ikaw)

2. Sinuot na niya ang damit kahit __________ pa ito.


a. basa (pag-unawa sa nakasulat)
b. basa (nagkaroon o natakpan ng likido)

3. Mahilig siyang maglaro ng __________ kasama ang kaniyang mga kapatid.


a. sipa (larong Pinoy)
b. sipa (tadyak)

4. Bumili ako ng __________ sa palengke dahil ako ay magluluto mamaya.


a. gabi (kabaliktaran ng umaga)
b. gabi (gulay na masustansiya)

5. Nabitawan ng bata ang hawak nyang __________ kaya siya ay umiyak.


a. lobo (laruang pumuputok, lumilipad)
b. lobo (mabangis na hayop)

6. Ginamit niya ang kanyang __________ para tawagin ang kanyang mga
kasamahan.
a. pito (tumutunog kapag hinihipan)
b. pito (numero)
2
7. __________ na ang timba ng tubig.
a. puno (isang uri ng halaman)
b. puno (wala ng paglagyan)

8. Pakitimpla mo ako ng kape sa __________.


a. tasa (maliit na baso)
b. tasa (paghasa upang patalimin)

9. Masarap kumain ng miswa na may __________.


a. upo (hindi pagtayo)
b. upo (isang uri ng gulay)

10. Masarap uminom ng gatas mula sa __________.


a. baka (hindi sigurado)
b. baka (isang uri ng hayop)

11. Mapula ang __________ ni Anika.


a. labi (parte ng bibig)
b. labi (bangkay)

12. Napakarami ang __________ sa gabi.


a. tala (listahan)
b. tala (bituin)

3
II. Lagyan ng salungguhit ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang
N kung ito ay pangnagdaan, K kung ito ay pangkasalukuyan, at H kung
panghinaharap.

_____ 1. Kahapon, nagtaas ng kamay ang aking kapatid na si Lester.

_____ 2. Pumalakpak ang mga guro at mag-aaral pagkatapos ng palabas.

_____ 3. Nagtatakip ng tainga si Tina dahil sa malakas na tunog.

_____ 4. Ang mga basang damit at isasampay natin sa bakuran.

_____ 5. Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.

_____ 6. Maingat na pinipitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.

_____ 7. Ako ay magsasanay kung paano maglaro ng chess.

_____ 8. Si Mario at ang kanyang mga kaibigan ay naglaro ng basketbol.

_____ 9. Si Janice ay bumili ng bagong uniporme at sapatos.

_____ 10. Ang opisina naming ay naghahanap ng mga bagong empleyado.

_____ 11. Buong maghapon na tumigil sa loob ng silid-aralan ang mga bata.

_____ 12. Ang taong matiyaga ay aahon din sa kahirapan balang araw.

_____ 13. Kami ay pupunta sa Maynila kasama ang aking mababait na pinsan.

_____ 14. Ang bata ay mahimbing na natutulog sa duyan.

_____ 15. Dadalawin ko ang aking matalik na kaibigan sa ospital.

4
III-A. Suriin ang mga pandiwa ayon sa panauhan o aspekto ng mga ito. Isulat ang
bawat pandiwa sa tamang hanay.

maglalaba nagdasal sinulatan naglaba


pumunta kumakain magdadasal naglalaba
kakain pupunta susulatan nagdadasal
sinusulatan kumain pumupunta

Aspektong Aspektong Aspektong


Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap

B. Isulat sa patlang ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga


pandiwa na nasa talahanayan na ikinumpleto mo sa itaas.
1. Pumunta kami sa simbahan kahapon at sama-sama kaming ________________
sa Panginoon.

2. Siya ay nakikinig ng bagong awitin sa radyo habang ________________ ng


kanyang mga damit.

3. ________________ ko ang aking kaibigan noong nakaraang Linggo upang batiin


siya ng maligayang kaarawan.

4. Sabi ng aking nanay ay aalis kami bukas at kami ay ________________ sa


bagong bukas na restawran.

5. ________________ ako sa palengke kahapon upang mamili ng mga ihahanda sa


pista.
5
IV-A. Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

1. Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.

2. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.

3. Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.

4. Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal.

5. Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.

6. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.

7. Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.

B.

6
C.

7
8
Filipino 3 – ANSWERS

I.
A.
1. a
2. b
3. a
4. a
5. b
6. a
7. a
8. a
9. b
10. a

B.
1. b
2. b
3. a
4. b
5. a
6. a
7. b
8. a
9. b
10. b
11. a
12. b

II.
1. N, nagtaas
2. N, pumalakpak
3. K, nagtatakip
4. H, isasampay
9
5. K, nag-aaral
6. K, pinipitas
7. H, magsasanay
8. N, naglaro
9. N, bumili
10. K, naghahanap
11. N, tumigil
12. H, aahon
13. H, pupunta
14. K, natutulog
15. H, dadalawin

III-A.
Aspektong Aspektong Aspektong
Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
naglaba naglalaba maglalaba
pumunta pumupunta pupunta
kumain kumakain kakain
sinulatan sinusulatan susulatan
nagdasal nagdadasal magdadasal

B.
1. nagdasal
2. naglalaba
3. sinulatan
4. kakain
5. pumunta

IV.
A.
1. maingat
2. mabilis
3. pasigaw
10
4. dali-dali
5. tahimik
6. maayos
7. masipag
B.
1. bukas
2. maganda
3. madamomg
4. maliliit
5. isa-isang
C.
1. tuwing Disyembre
2. Sa ika-14 ng Pebrero
3. Mula Lunes hanggang Biyernes
4. sa buwan ng Marso
5. Sa Abril at Mayo
6. Sa buwan ng Hunyo
7. tuwing Linggo
8. tuwing umaga
9. pagkatapos kong kumain
10. pagkatapos niya kaming ihatid
11. nang iwan siya ng kanyang ina
12. gabi-gabi

D.
1. pamaraan, mabilis
2. panlunan, Enchanted Kingdon
3. pamanahon, kahapon
4. pamaraan, mataas
5. pamaraan, paika-ika
6. pamanahon, bukas
7. panlunan, Zambales
8. pamaraan, magulo
9. panlunan, doon
10. pamanahon, sa susunod na buwan
11
E.
1. PN
2. PN
3. PR
4. PR
5. PR
6. PR
7. PR
8. PL
9. PN
10. PR
11. PN
12. PL
13. PR
14. PN
15. PL
16. PR
17. PR
18. PR
19. PN
20. PL

12

You might also like