MULA SA SIMULA HANGGANG 1565 Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ang Maikling Kwento ay nasilayan na karamihan sa mga ito ay pasalin-labi o mga kwentong bayan, Ang unang bakas nito ay naroon sa mga panliping kwentong bayan, sa mga epiko, at sa mga alamat na taglay ng mga pulo at mga bayan, maging tungkol sa isang lugar, sa isang punongkahoy o maging sa pinagmulan ng lahi sa kapaniwalaang Pilipino. Nasa mga kwentong bayan ang mga unang bakas ng henyong Pilipino sa pagkukuwento, at bagamat ang mga ito ay hindi nasusulat upang maging bahagi ng isang taal na panitikan, hindi maikakailang sa mga ninuno ng mga Pilipino, ang kwento bilang isang anyo ng Panitikan, ay may binhi nang maaring mapagpasimulan, karaniwang tinetema ng maikling kwento sa panahong ito ay patungkol sa Kalikasan, diyos-diyosan. Kwentong Bitbit dito nagmula o nag-ugat ang maikling kwento. Pumapaksa ang mga ito sa mga anito, lamang-lupa at mga iba’t ibang kababalaghan at nilalang, Ilan sa mga ito ay nakaukit o nakasulat sa mga makikinis na bato, o malalaking dahon at kahoy.
1565-1900, KASAMA NA ANG PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN Nang dumating ang mga kastila, lumitaw ang mga kwentong hinggil sa mga buhay banal, tulad ng buhay ng mga santo at santa, o mga maikling anekdotang ginagawang pantulong upang madaling maunawaan ang mga sermon o pangaral sa mga babasahing panrelihiyon na pinalalaganap ng simbahan. Ang Doctrina Cristiana (1953) ang kauna unahang aklat na nalimbag sa panulat nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva. Kakana sumibol noong dumating ang mga kastila dito sa Pilipinas, naglalaman ito ng mga alamat at engkanto na karaniwang pang aliw sa mga bata, sa Panahong ito humina ang pagsulat ng maikling kweto dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagtuturo ng mga aral mula sa Bibliya na kinapapalooban ng mga aral at utos ng Diyos.