Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Starchild Innovative Learning Academy Inc.

You’ll do
Ikalawang Buwanang Pagsusulit a great
job!
Filipino 3
S.Y. 2021 - 2022

Name: ____________________________________________ Petsa: _________________

Guro: _____________________________________________ Marka: ________________

I. Magbigay ng wakas ng Kwento.

Rubrics:

5 puntos- Nakapagbibigay ng tugma ng wakas ng kwento.

3 puntos- Nakakapagbigay ng wakas ng kwento pero hindi masyadong tugma sa kwento.

2 puntos- Nakakapagbigay ng wakas ng kwento pero hindi tugma sa kwento

1. Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko

Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella,

ang nag-iisang anak ng mag-asawang Don Manuel at Señora Faustina.

Ngunit ni minsan ay hindi inabuso ng dalaga ang pagiging anak-

mayaman niya. Sa katunayan, ibang-iba si Stella at malapit ang loob

nito sa mga bata sa bahay-ampunan. Isang araw, ikinuwento niya sa

dalawang kaibigan ang totoong dahilan kung bakit ganun niya ka

mahal ang mga bata.

Bigyan ng wakas itong kwento.

_____________________________________________________________________________________

2. Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa

Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang

aso at pusa – sina Bruno at Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may
tinatagong galit o inggit pala si Bruno kay Kiting. Isang araw, nadatnan na
lang ni Maymay na maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno at
pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na may kasalanan rin
siya. Sinuyo niya ang aso noong umalis ang bata at ang nanay niya.

Bigyan ng wakas itong kwento.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

II. Bilugan ang sagot ng tamang panghalip na panao sa bawat pangungusap. (20 points)

Mahal (niyang, kong, kitang)

Emily, Kumusta (ka, siya, ikaw) na? Pasensya na at ngayon lang (ikaw, tayo, ako)

nakasagot sa sulat mo. Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan kaya abala (siya, kayo,

ako) sa pag-aaral. Ang paborito (mong, niyang, kong) asignatura ay Science. Dahil hindi

(ako, ikaw, ka) masyadong magaling sa Math, tinuturuan ako ni Kuya Mio.

Sana magustuhan mo ang larawan na pinadala (ko, mo, niya) kasama ng liham na

ito. Ang buong pamilya (mo, ko, niya) ay pumunta sa isang resort sa Laguna. Pati si Lolo

Manuel sumama sa (kanila, kayo, amin). Nahalata mo ba sa larawan na tumangkad na si

Kuya Mio? Nahilig nga (sila, siya, ka) sa paglalaro ng basketbol. Badminton naman ang

bagong hilig ko ngayon.

Naalala mo ba ang pinsan ko na si Maya? Magkaklase na (ako, siya, kami)

ngayon. Bagong lipat dito ang pamilya (niya, namin, mo) at natutuwa siya dahil nagkita
kami. Galing sa lalawigan ng Quezon ang pamilya ni Maya kaya marunong 12(ako, siya,

tayo) mag-Tagalog. May ate at kuya si Maya. Mabait (sila, kayo, kami) sa akin.

Kumusta naman ang pamilya mo? Masaya ba (kayo, kami, ko) sa bagong tirahan

ninyo? Sana makabisita (ka, siya, ako) sa inyo balang araw. Pangarap ko na magkita

(tayo, siya, ikaw) muli. Nalungkot ako sa pag-alis mo dahil (siya, ikaw, sila) ang unang

matalik kong kaibigan. Sigurado ako na (kami, tayo, ako) ay mananatiling magkaibigan.

Hihintayin ko ang tawag mo sa Sabado dahil marami pa (akong, ikaw, siyang)

pagkukuwento sa iyo. Sabik na akong marinig muli ang boses (ko, mo, niya).

III. Dalawa sa tatlong salita sa bawat bilang ay magkasingkahulugan at

magkasalungat.Lagyan ng kahon ang magkasalungat na salita at bilugan ang
magkasingkahulugan.

1. maliit malaki munti

2. mali tama wasto

3. sobra labis kulang

4. masaya maligaya malungkot

5. bukod-tangi ordinaryo karaniwan

6. malamig maginaw mainit

7. matalas matalim mapurol

8. maralita mayaman mahirap

9. mapagbigay maramot sakim

10. mabagal makupad mabilis

IV.Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat
ang O kung ito ay isang opinyon.
____ 1.Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.

____ 2.Ang paboritong kulay ko ay bughaw.

____ 3.Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria

Macapagal-Arroyo.

____ 4.Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

____ 5.Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa

kalusugan.

____ 6.Ang mga taong naninigarilyo ay masama.

____ 7.Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

____ 8.May pitong araw sa isang linggo.

____ 9.Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.

____ 10.Mas maraming gusali sa pamayanang urban.

You might also like