LP Demo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

I. Pamantayan ng Pangnilalaman – Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng


sariling ideya, karanasan, kaisipan at damdamin.
II. Pamantayan sa Pagganap - Nakapag-uulat ng impormasyong napakinggan at makabuo ng balangkas ukol
dito
III. Tatas – Naipahahayag ang ideya,kaisipan,/damdamin/reaksyon nang may wastong tono,diin.,bilis,
antala at intonasyon.
IV. Layunin
1. Magiliw na makinig sa kuwento
2. Masagot ang mga tanong ukol sa kuwento
3. Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap
V. Paksang Aralin:
Simuno at Panaguri
1. Sanggunian: Alab Filipino V p. 158 – 159
Filipino Wika V p. 334-336
2. Kagamitan: Laptop, projector, manila paper, cartolina, pentel pen, larawan, module
INTEGRASYON:ESP / APAN/ HEALTH
VI. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Tongue Twister
UNANG PANGKAT: Minekaniko ni Monico ang makina ni
Monica (nakikibahagi ang mga mag-aaral)
IKALAWANG PANGKAT:Botika, butiki, bituka
IAKTLONG PANGKAT:Ang relo ni Leroy ay Rolex.

B. Balik-Aral
Lagyan ng wastong pang-angkop ang mga sumusunod.
1.tao___ bahay
2. bagoong ___ isda
3. tulisan ___ dagat
(nakikibahagi ang mga mag-aaral)
4. bahay ___ bato
5. wala ___ simuman
C. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan ng mga mga taong
salbahe,magnanakaw,masasamang loob..pulubi.
Itanong kung sino ba ang dapat ang nakalalasap Mag-aaral: Mga biktima po
ng katarungan ?mayroon ba itong pinipili at kinikilingan?
Mag-aaral: wala po dapat kilingan ang
katarungan

Mag-aaral: lahat po dapat ay pantay


pantay sa batas
Lahat ng inyong sagot ay tama! Magaling. Tayo ay dumako sa
susunod na Gawain upang lubus ninyong maintindihan an
gating paksa sa araw na ito.

D: Paghawan ng Sagabal
Panuto: Piliin ang mga salita sa loob ng kahon na maaaring
iugnay sa sumusunod na salita sa bawat bilang:
baul ng mga ginto (nakikibahagi ang mga mag-aaral)
salapi sira-sirang damit
korona palasyo
prutas
malyete reyna
karne
1.hari 3.pagkain
5.kayamanan
2.pulubi 4. katarungan
Matapos nating makilala ang mga salita at
larawang ito, mayroon kayong mga katanungan
na dapat sagutin. Ano ang sa palagay ninyo ang
kahulugan ng baul na ginto? (tanungin ang mga
bata sumusunod pang mga salita)
Ngayon naman mga bata, ako ay may babasahing kuwento
upang mas maunawaan ninyo ang ating paksa o
aralin.

2.Pamantayan sa Pakikinig:
3. Pagkukuwento
Ang mga Magnanakaw p. 158 – 159

E. Talakayan
Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan
batay sa paglalarawan sa kanila.
Sagutin ang sumusunod:
 Ano ang dahilan ng hari kaya ipinag-utos Mag-aaral: Dahil po maganda ang
niya ang pagpugot sa ulo ng pulubi? kanyang nagging dahilan

Mag-aaral: dahil po lahat ng nakausap ng


hari na kanyang kasama ay minsan ng
Tama! Talagang nakikinig kayo sa kwento. nagnakaw ganun din ang pulubi at pagkain
lamang ang kinuha nito.

 Magsalaysay ng naging katuwiran ng mga


magnanakaw sa kuwento. Ipaliwanat ang Mag-aaral: lahat po ay nagnakaw o
bigat ng kanilang kasalanan? nangupit na sa kaharian o sa kanilang
tahanan

Mag-aaral: lahat po ay may dahilan sa


pakiusap po ng hari at hindi nakikarapat
Magaling! Lahat ng nakausap ng hari ay dapat sa pakiusap ng hari
minsan ng nagnakaw kaya wala sa kanila
ang karapat-dapat na magtanim sa nasabing
buto

Mag-aaral: ang pulubi po, dahil sa hidni


 Sino sa kanila ang nabigyan ng katarungan?
kabigatan ang kanyang nagawa at may
Bakit?
sapat na dahilan upang hindi bitayin.

Tama!

Tayo ay dumako sa ating paksa sa araw na ito.

Alam natin na ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita


na may buong diwa. Magbigay ng
pangungusap na hango sa kuwentong binasa.
Halimbawa:
 May isang pulubing nakapasok sa kaharian.
 Hinatulan ng hari ang pulubi na pugutan ng
ulo.
Magpapakita ang guro ng mga
pangugngusap at magtatanong ukol dito.
Pansisin ang mga bagagi nito.
 Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain.
 Ang pulubi ay pupugutan ng ulo.
 Pinatawad ng hari ang pulubi.
Napansin n’yo baa ng mga guhit sa pangungusap? Alin ang
simuno at alin ang panaguri? May dalawang
bahagi ang pangungusap; ang Simuno at
Panaguri. Sa pangungusap na ipinakita na
may salungguhit na isa ay tinatawag na
simuno; samantalang ang mga salitang may
dalawang salungguhit ang tinatawag naming
panaguri. Ang simuno ay ang paksa sa
pangungusap. Ang panaguri naman ang
nagsasabi o naglalarawan tungkol sa simuno.
Mga halimbawa:
 Mataas ang bundok.
 Lumilipad ang ibon.
 Nandito ako.
 Kami ay nagkausap na.
 Nagsisikap mag-aral si Pepe
F. Ginabayang Pagsasanay
Isulat kung ang salitang may salungguhit ay
simuno o panaguri. Lagyan ng S kung ito ay simuno at
P kung panaguri sa patlang.
_______ 1. Maraming tao ang naparusahan ng hari.
_______ 2. Ibinigay ng pulubi ang buto sa hari. (nakikibahagi ang mga mag-aaral)
_______ 3. Nagutom ang pulubi at nagnakaw ng
mga pagkain.
_______ 4. May pakialam ang hari sa bahay ng
tao.
_______ 5. Pinatawad ng hari ang pulubing
nagnakaw sa kaharian.
G. Pangkatang Pagsasanay:
Pangkat I—Sumulat ng 5 Pangungusap at salungguhitan ng
isang beses ang simuno at dalawang
beses ang panaguri.

(naki
Pangkat II—Gumawa ng isang maikling tula gamit ang simuno
kibahagi ang mga mag-aaral)
at panaguri

Pangkat III—Magsagawa ng drama gamit ang simuno at


panaguri batay sa kuwento

H. Paglalahat: Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap.?


Ano ang simuno?

Mag-aaral: Ang simuno po ay ang paksa


Tama!
sa isang pangungusap

Ano naman ang panaguri.?

Tama!
Mag-aaral: Ang panaguri po ay ang
naglalarawan sa paksa ng isang
VII. Pagtataya. pangungusap
Salungguhitan ng isa ang simuno at dalawa naman kung
panaguri.
1. Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain.
2. Ang pulubi ay pupugutan ng ulo.
3. Pinatawad ng hari ang pulubi.
4. Ang buto ay tumutubo. (nakikibahagi ang mga mag-aaral)
5. Ang espada ay kinuha ng magnanakaw.
6. Umiyak ang pulubi.
7. Dinala sa hari ang pulubi.
8. Ninakaw ng ministro ang gintong korona.
9. Ang prutas ang paboritong pagkain ng hari.
10. Pinalaya ng hari ang pulubi.
VIII. Takdang Aralin
Bilugan ang simuno at ilagay sa kahon ang panaguri.
1. Pinakamababang bulkan ang Bulkang Taal.
2. Si Bb. Jovita Obnamia ang aming guro sa Filipino.
3. Kay ganda ng ating musika.
4. Ang Pilipinas ay isang bansang pinagpala. (nakikibahagi ang mga mag-aaral)
5. Magtanim tayo ng mga puno.
Mahalagang Kaisipan:
Bago mo hatulan ang iyong kapwa ,tiyakin mong ikaw ay
marangal at walang dungis ang iyong pagkatao.

PREPARED BY: LEOTERIO P. LACAP

You might also like