Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

H.O.P.E. CHRISTIAN ACADEMY, INC.

Modyul 2.04
FILIPINO 10

WW Score PT Score
PANGALAN: ___________________________________
SEKSYON: _____________________________________
KAUKULANG PETSA: ___________________________

Alamin (Harapan 1)
Mga Layunin:
 Nakagagamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o
panunuring pampanitikan.
 Nakahihinuha sa mga bahaging binasa sa pakikipag-ugnayang pandaigdig.
 Nakapagsusuri ng diyalogo ng mga tauhan sa kasiningan ng akda.
 Nakapagsasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat/napiling maikling
kuwento.
 Nakapagtatala ng mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.

Subukin
Bilang isang kabataan ng kasalukuyang henerasyon, nakikita mo ang mga kilos at salitang binabanggit ng mga tao
sa paligid mo bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal. Ano ang mga naoobserbahan mong love language ng
mga taong malalapit sa iyo? Sa tingin mo, napagtitibay ba nito ang kanilang pagsasama? Ilista ang mga ito sa loob
ng puso.
Napagtitibay ba nito ang kanilang pagsasama?
Love Language

Balikan

1. Ano ang naidudulot ng fake news sa mga tao?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Paano ito maiiwasan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Tuklasin
Ang "Ang Kwento ng Isang Oras" sa pamamagitan ng Amerikanong may-akda na si
Kate Chopin ay isang tagapagtaguyod ng Feminist Literary Study. Orihinal na
inilathala sa 1894, ang kuwento ay nagtatala ng kumplikadong reaksyon ni Louise
Mallard nang malaman niya ang kamatayan ng kanyang asawa.

Si Kate Chopin ay hinahangaan sa ginawa niyang paglikha ng mga akdang may


temang feminism maraming taon bago pa naitatag sa Amerika ang mga Kilusang
Feminista. Sa mga panahong iyon, matapang na inilabas ni Chopin sa pamamagitan
ng kaniyang mga tauhan ang kaapihan ng mga kababaihan sa kamay ng mga asawang
nagtuturing sa kanila bilang pag-aari ayon sa idinidikta ng lipunan katulad na lang ng temang tinalakay sa
mababasa mong maikling-kuwento, “Ang Kuwento ng Isang Oras.”

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 1


ANG KUWENTO NG ISANG ORAS
Batid ng lahat na may sakit sa puso si Ginang Mallard kaya naman lahat ng pag-iingat ay ginawa nila sa
pagpapaalam sa kanya ng masaklap na balitang patay na ang kanyang asawa.
Si Josephine, ang kanyang kapatid ang bumasag ng balitang ito sa kanya. Sa paputol-putol na paraan ay
unti-unting naipahiwatig nito ang pangyayari habang nakatabi naman sa kanya si Richard. Si Richard ay kaibigan
ng kanyang asawa at siyang unang nakarinig sa balita. Nasa tanggapan siya noon ng pahayagan nang makarating
ang balitang nagkaroon ng sakuna sa may riles ng tren kung saan isa si Brently Mallard sa mga "namatay."
Naghintay lang siya sandali sa pagdating ng pangalawang telegrama upang makumpirma ang balita at saka
nagmamadaling nagtungo sa tahanan ng mga Mallard upang siya ang maunang makapaghatid ng balita at
maagapan ang ibang taong maaaring hindi maging kasing-ingat at
kasimbanayad niya sa pagsasabi.
Di tulad ng ibang babaeng nakaririnig sa ganitong masaklap na balita
na di agad makukuha sa bigat at kahulugan nito, si Ginang Mallard ay agad
napasigaw at buong pait na nanangis sa mga bisig ng kanyang kapatid. Nang
mapawi ang matinding unos ng dalamhati ay agad siyang nagkulong sa
kanyang silid. Sinabihan niya ang lahat na gusto niyang mapag-isa.
Napasalampak siya sa isang malaking silyang nakaharap sa bintana.
Pakiramdam niya'y pagod na pagod siya. Pagod na hindi lang nadarama ng
kanyang katawan kundi umaabot sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa.
Natatanaw niya sa labas ng bintana ang mga dahon ng punong tila
masayang-masaya sa pagdating ng tagsibol. Naaamoy niya sa hangin ang
mabangong hininga ng bagong patak na ulan. Naririnig niya mula sa ibaba ang sigaw ng tinderong nag-aalok ng
kanyang paninda. Nakarating din sa kanyang pandinig ang mahinang himig ng awiting inaawit ng kung sino,
gayundin ang masayang awitan ng mga ibong maya.
Sa gawing kanluran ng kanyang bintana ay nakasilip ang bughaw na langit sa mga balumbon ng
mapuputing ulap.
Isinandal niya ang kanyang ulo sa malambot na kutsong nakabalot sa silya nang hindi halos gumagalaw,
maliban na lang sa paghikbing tila bumibigkis sa kanyang lalamunan
at yumayanig sa kanyang buong katawan, tulad ng isang batang sap
ag-idlip ay humihikbi pa rin hanggang sa kanyang panaginip.
Bata pa siya, may maganda at kalmadong mukha, kung saan
ang mga guhit ay kakikitaan ng katatagan at pagsupil sa kung
anumang nararamdaman. Subalit ngayon siya'y nakatitig sa kawalan,
sa bughaw na kalangitang natutuldukan ng mumunting ulap. Hindi ito
titig ng pagmumuni-muni kundi pagpigil sa isang matalinong
kaisipang nais kumawala.
May isang damdaming paparating sa kanya at hinihintay niya
ito nang may pagkatakot. Ano ba ito? Hindi niya maipaliwanag;
banayad at mailap, hindi niya matanto kung ano. Subalit nararamdaman niyang ito'y gumagapang sa kalangitan,
dumarating sa kanya sa pamamagitan ng mga tunog, ng amoy, ng kulay na pumupuno sa hangin.
Ngayo'y tumahip ang kanyang dibdib at nakadarama siya ng kalituhan. Unti-unti na niyang nakikilala ang
bagay na lumalapit at bumabalot sa kanyang pagkatao habang pinipilit niya itong paglabanan kahit pa wala na
siyang lakas na makikita sa dalawang maninipis at namumuti niyang palad. Namalayan na lang niyang isang salita
ang ibinulong ng kanyang mga labi. Paulit-ulit ang pagbigkas nang pabulong: "Malaya, malaya, malaya!" Ang
titig sa kawalan at pagkatakot ay nawala sa kanyang mga mata. Sa halip ang mga ito'y napalitan ng ningning.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso, ang bugso ng dugo ay nakapagpahinahon sa bawat himaymay ng kanyang
buong katawan.
Hindi siya huminto upang tanungin kung ang damdamin bang umiiral sa kanya'y isang higanteng
kaligayahan o hindi. Minaliit ng malinaw at mataas niyang pananaw ang nadarama. Alam niyang luluha siyang
muli kapag nakita niya na ang mabubuti at mapagpalang mga kamay na pinagsalikop ng kamatayan; ang
mukhang tanging titig lang ng pag-ibig ang iniuukol sa kanya, ngayo'y matigas, kulay abo, at patay. Subalit
natatanaw na niya sa kabila ng mapait na gunitang ito, ang paparating na maraming taon na kanyang-kanya na.
Iniunat niya ang kanyang mga braso at kamay upang salubungin ito.
Wala na siyang sinumang paglalaanan ng kanyang buhay sa mga darating na taon. Mabubuhay na lang
siya para sa sarili niya. Wala nang makapangyarihang bagay ang magpapasunod sa kanya sa isang bulag na
paniniwalang ang babae at lalaki ay may karapatang magpataw ng kagustuhan para sa isa't isa. Mabuti man o
masama ang intensiyon, isa pa rin itong krimen sa kanyang pananaw sa mga sandaling ito ng kanyang
pagmumuni-muni.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 2


Subalit mahal niya ang asawa minsan-minsan. Madalas, hindi niya ito
nadarama. Subalit hindi na ito mahalaga. Ano pa ba ang silbi ng pagmamahal sa
harap ng malakas na damdaming itong bago pa lang niyang nakilala at bumabalot
sa kanyang pagkatao.
"Malaya na! Malaya na ang aking katawan at kaluluwa!" ang paulit-ulit
niyang ibinubulong.
Si Josephine ay nakaluhod sa labas ng nakapinid na pinto habang ang
mga labi ay nakadikit sa susian at nagmamakaawang papasukin siya. "Louise,
buksan mo ang pintuan! Para mo nang awa, buksan mo ang pinto magkakasakit
ka sa ginagawa mo. Ano ba ang ginagawa mo, Louise? Sa ngalan ng Diyos,
buksan mo ang pinto!"
"Umalis ka na. Hindi ako gagawa ng bagay na magdudulot sa akin ng
sakit." Hindi. Ngayon pang siya ay tumutungga ng gamot mula sa bahay na
nagmumula sa bukas na bintana ng kanyang silid.
Naiisip na niya ang mga araw na darating sa buhay niya. Mga araw ng tagsibol, mga araw sa tag-araw, at
iba't iba pang araw na kanyang-kanya lang. Umusal siya nang maikling panalangin na sana y humaba pa ang
buhay niya. Kahapon lang, naisip niya nang may pag-aalala na baka maging mahaba ang buhay niya.
Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto ang kapatid na kanina pa
nangungulit. Makikita sa ningning ng kanyang mga mata ang tagumpay at
naglakad siyang tila isang diyosa ng tagumpay. Sinapo niya ang baywang ng
kapatid at masigla silang bumaba ng hagdan. Nakatayo si Richard habang
naghihintay sa kanila sa ibaba ng hagdan.
Subalit natigilan ang lahat nang maramdamang may nagbubukas sa
susian ng harapang pintuan. Laking gulat ng lahat nang pumasok si Brently
Mallard, halatang pagod nang kaunti, dala-dala ang kanyang bag at payong.
Malayo raw siya sa lugar kung saan nangyari ang sakuna at ni hindi nga niya
alam na nagkaroon pala nito. Ikinatulala niya ang malakas na pagtili ni
Josephine; naging mabilis si Richard na humarang sa pagitan ng mag-asawa.
Nang dumating ang doktor ay sinabing namatay si Louise dahil sa
sakit sa puso — nang dahil sa kaligayahang nakamamatay.

Suriin
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano sa tingin mo ang uri ng pagsasama nina Brently at Louise Mallard base sa pangyayari sa kuwento?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Bakit naisip ni Louise Mallard ang pagiging malaya niya nang mabalitaang namatay ang asawa? Ano ang
nais nitong ipahiwatig?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Sa katanungan sa bilang 3, ano ang nais ipinaparating nito ayon kay Brently bilang isang asawa kay
Louise?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Sa kalagayang mayroon si Louise Mallard, sa iyong palagay hindi ba siya naging malaya sa piling ng
kanyang asawa? Bakit? Bakit hindi?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pagyamanin (Pag-aaral sa Tahanan 1)


Gawain 1
Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay
Sa pag-unawa ng panitikan, malaki ang ginagampanang tungkulin ng
wika bilang daluyan ng kaayusan nito. Ang isang mambabasa ay maaaring
umugat ng pag-unawa sa akda batay sa mga salitang pamilyar sa kaniya. Ayon sa
mga pag-aaral, mas nagiging matagumpay ang pag-unawa sa mga akda o
tekstong kung nasusulat ito sa katutubong wika. Magkagayunman, may mga
hakbangin din tungo sa pag-unawa ng akda o teksto batay sa umiiral na wika at
daloy ng pahayag sa kuwento.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 3


Suriin ang mga salita sa ibaba.

mabango–mahalimuyak–masamyo
maganda–kaakit-akit–maayos

May mga salitang akala nati’y magkakaparehas lamang ang gamit dahil halos
magkaparehas ito ng nais ipakahulugan. Ngunit mali, ang bawat salita ay may
inaangkupang pangungusap depende sa diwa o mensaheng nais ihayag nito.

Halimbawa:
Mabango ang bulaklak ng sampagita. - “Mabango” pangkalahatang termino sa mabangong amoy.
Masamyo ang pabangong iyong ginamit. - “Masamyo” para sa panandaliang pagkakamoy sa bango.
Mahalimuyak ang iyong buhok. - “Mahalimuyak” para sa pangmatagalan at nanunuot na bango.

suwail–pasaway–masama - “Suwail” para sa taong hindi sumusunod sa mga utos at panuntunan.


“Pasaway” para sa taong matigas ang ulo at hindi nasasaway.
“Masama” para sa pangkalahatang kahulugan ng paggawa ng masama.

Ang pangkat ng mga salitang ito ay matutukoy rin bilang magkakaugnay na salita, na kapag
makita mo sa isang kuwento o pahayag, madali mo na lamang malalaman kung ano ba ang
kahulugan ng iyong binasa.

Halimbawa:
problema–dalamhati–suliranin
pag-asa–bukas–positibo
pagtitiis–sakripisyon–malasakit

Pagtataya 1
Piliin ang dalawang salitang katulad o kaugnay ng bawat salita sa talahanayan. Isulat ang sagot sa tamang hanay
at ibigay ang kahulugan ng bawat salita.

disgrasya humigop mabagal mabatid


malaman marahan nakakandado nakasara
sakuna tumangis umiyak tumungga

1. aksidente

2. banayad

3. uminom

4. lumuha

5. nakapinid

6. matanto

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 4


Gawain 2
Kasiningan ng Akda Gamit ang mga Matatalinghagang Pahayag
Matatalinghagang Pahayag o Tayutay
- Ang tayutay ay nanggaling sa salitang “taytay” na ang ibig sabihin ay “tulay”.
- Layunin nito na maging maganda at kawili-wili ang pagpapahayag.

1. Pagtutulad o Simile - Naghahambing sa dalawang bagay, tao, pangyayari, kaisipan at


iba pa. na hindi makatulad na ginagamitan ng mga pariralang panulad na kawangis ng,
animo, tila, wari, gaya ng, parang, at iba pa.
Halimbawa:
1. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
2. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
3. Si Maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.

2. Pagwawangis o Metapor - Tuwirang naghahambing na di-magkatulad na bagay na hindi ginagamitan ng


mga pariralang panulad.
Halimbawa:
1. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
2. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
3. Ang pag-ibig ay halamang yumayabong sa dilig ng mairugang kamay.

3. Pagsasatao o Personipikasyon - Pagsasalin ng mga katangian o gawain ng tao sa isang


bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Sumilip ang araw sa munting silid ng maysakit.
2. Ngumiti ang kapalaran nang magpunta siya sa ibang bansa.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

4. Pagmamalabis/Eksaherasyon o Hyperbole - Pagbibigay ng lubhang kahulugan sa nais


na ipakahulugan o mga pahayag na pinalulubha sa tunay na kahulugan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. Bumabaha ng dugo sa lansangan.

5. Pagtawag o Apostrophe - Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-
usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.

6. Pagpapalit-saklaw/tawag o Senekdoke - Paggamit ng ibang katawagan sa isang tao o


bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.

7. Pag-uyam o Irony - Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.
Halimbawa:
1. Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.
2. Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.

8. Paglipat-wika - Ito ay paggamit ng pang-uri upang ilarawan ang mga bagay.


Halimbawa:
1. Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon ngayon.
2. Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.

Pagtataya 2
A. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang kung anong uri ng tayutay ang tinutukoy nito.
1. O pagsintang labis ang kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw. Pag 1._____________
ikaw ang ‘nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 5


2. Naninikluhod ang langit para sa kapayapaan. 2._____________
3. Maraming uban na ang nakahimlay sa libingan ng pagkalimot. 3._____________
4. Langit ang tahanang ito. 4._____________
5. Umaatungal ang langit sa paparating na sigwa. 5._____________

B. Suriin at tukuyin ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag na nagmula sa binasang akda. Bilugan ang
tamang sagot.

1. Nang mapawi ang matinding unos ng dalamhati ay agad siyang nagkulong sa kanyang silid.
a. binagyo ang kanyang isipan at damdamin
b. nagluwag nang bahagya ang kanyang damdamin
c. naging masaya na siya
d. nabuksan ang mga kinikimkim niyang galit

2. Nakadama siya ng pagod na hindi lang hanggang katawan kundi umaabot sa kaibuturan ng kanyang
kaluluwa.
a. taglay niya ang negatibong emosyong kinimkim nang mahabang panahon at ngayo’y lumikha ng pagkapagal
at napakalalim na sugat sa kanyang puso
b. labis siyang pinahirapan sa mga gawaing-bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagkapagod ng katawan
c. naging mahirap ang kanilang pamumuhay kaya't kinailangan niyang magpakapagod sa trabaho nang walang
puknat upang sila'y mabuhay
d. ang mga kasalanang nagawa niya'y nagdudulot sa kanya ngayon ng labis na kapaguran

3. Naaamoy niya sa hangin ang mabangong hininga ng bagong patak na ulan.


a. malamig na simoy ng hanging dala ng katatapos na pag-ulan
b. mga patak ng ulan sa mababangong halaman
c. magandang bahagharing dala ng hamog ng ulan
d. malinis at mabangong hanging dala ng katatapos na pag-ulan

4. Nakarating din sa kanyang pandinig ang mahinang himig ng awiting inaawit ng kung sino, gayundin ang
masasayang awitan ng mga ibong maya.
a. nagpapakitang ang tagpuan ay isang kabukirang maraming ibon
b. nagpapakita ng isang masaya o positibong pakiramdam
c. nagpapakita ng talentong hindi matatawaran
d. nagpapakita ng pagdating ng isang dakilang nilalang

5. Ang titig sa kawalan at pagkatakot ay nawala sa kanyang mga mata. Sa halip and mga ito'y napalitan ng
ningning.
a. hindi dapat mawala and takot kundi dapat lang itong takpan ng pag-asa
b. hindi na siya uli titingin sa mga bagay na maaaring magdala ng takot
c. ipinahihiwatig na tapos na ang problemang dinadala at paparating na ang ligaya
d. nakita niyang mas maganda ang kanyang mga mata kung hindi siya babalutin ng takot at pangamba

Pagyamanin (Harapan 2)

Gawain 3
Isyu at Pakikipag-ugnayang Pandaigdig
Ang isyu ng pagkakapantay-pantay ng tao anuman ang kasarian o tinatawag sa
Ingles na gender sensitivity ay isang isyung pandaigdig na matagal nang
itinatawag ng pansin. Madalas, ang kababaihan ang nagiging biktima ng
diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian tulad ng ilang kaugalian mula sa iba’t
ibang bansang tinututulan ng mundo. Panoorin ang video tungkol sa isyung ito na
nasa Learning Kit ninyo at sagutin ang mga katanungan sa Pagtataya 3.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 6


Pagtataya 3
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mga nagiging dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga babae sa mga lalaki?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Sa anong mga larangan hindi nagkakapantay-pantay ang mga babae at lalaki?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga dulot ng hindi pantay na karapatan para sa mga kababaihan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. Sa panahon ngayon, nakikita pa ba ang hindi pantay na pagtrato sa mga kababaihan? Bakit? Bakit hindi?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

A. Basahin ang mga uri ng teoryang pampanitikan.

TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral


ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong
iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito.


Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad.
Mga uri nito:
1. MORALISTIKO - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad,
disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda
2. SOSYOLOHIKAL - mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL - makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO - pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO - umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe
sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa
6. HUMANISMO – “ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay
7. MARXISMO - pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas
at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL - gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga
simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO - maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng
akda at maaring ilantad din ang mga de-kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang
anumang diskriminasyon, exploitation, at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza
Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO - binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at
gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 7


11. KLASISISMO - pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan
Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO - binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas na pagtakas
mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga
sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa
paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at
kaisipan
13. REALISMO - ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa
ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas
din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno

B. Balikan ang kwentong “Ang Kuwento ng Isang Oras’ na ating binasa. Ano ang uri ng teoryang pampanitikan
ang sinasalamin ng kuwento? Tukuyin ang mga pangyayaring naganap sa akda na nagpapakita o sumasalamin
sa teoryang inyong napili. Ilahad ang iyong sagot.

Isaisip (Pag-aaral sa Tahanan 2)

Ano ang buod ng mga kaalamang iyong natutunan sa modyul na ito? Isulat sa 3-5 na mga pangungusap.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Isagawa

Ilahad ang teoryang pampanitikan na iyong nakita sa kuwento. Magbigay ng mga halimbawa na magpapatunay sa
iyong napiling teorya.

Pagtataya (Harapan 3)

Gamit ang mga impormasyong napanood sa video tungkol sa gender sensitivity, gumuhit ng isang poster sa
maikling bond paper na nagpapakita kung paano maiiwasan ang hindi pantay na pagtrato sa mga kababaihan.

RUBRIC SA GINAWANG POSTER

NANGANGAILANGAN
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN NG PAGPAPAHUSAY
5 4 2-3 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong Walang ipinamalas na
nagpamalas ng malikhain sa naging pagkamalikhain sa
pagkamalikhain sa paghahanda. malikhain sa paghahanda.
paghahanda. paghahanda.
Presentasyon Lubhang naging Naging Hindi gaanong Hindi naging malinaw
malinaw ang malinaw ang malinaw ang ang paghahatid ng
paghahatid ng paghahatid ng paghahatid ng mensahe.
mensahe. mensahe. mensahe.
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang
Paksa ang larawan sa larawan sa angkop ang larawan sa paksa.
paksa. paksa. larawan sa paksa

Sanggunian

Marasigan E., Del Rosario M.G., & Dayag, A. (2019) Pinagyamang Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing House, Inc.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 8

You might also like