Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALBAL SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON

Isang Konseptong Papel na iniharap sa Kaguruan ng Senior High School ng Saint Paul
School of Professional Studies
Campetic, Palo, Leyte

Bilang Pangunahing Pangangailangan sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino

Isinumite ni:
Angelito A. Dela Torre Jr.
Grade 11- Ephesians

Isinumite kay:
Bb. Jessa B. Baldomar
I. Rasyonal

May mga iba’t ibang salita na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.


Bawat henerasyon ay may mga sariling salita na ginagamit at sila din ang
nakatuklas o bumuo ng salita na kung saan sila ang may alam ng
kahulugan nito. Kung mayroon karaniwang salita at di-karaniwang salita,
mayroon din balbal na ang kahulugan ay gumagamit ng salita na hindi
pormal o tinatawag na salitang lansangan o salitang palengke. Mga
halimbawa ng salitang balbal ay olats, sikyo, erpat, yosi at iba pa. Minsan
nabubuo ang mga salitang balbal na hindi sinasadya or imbento ng mga
tao sa paligid. Ang mga salitang balbal ay minsan nauuso na mga salita
na kung saan ginagamit na ito sa pakikipagusap sa ibang tao.

Isa sa mga napapanahong isyu sa kasulukuyan ay ang paggamit ng


salitang balbal sa pakikipagkomunikasyon. Ang pagtutuunan ng
konseptong papel na ito ay kung gaano ginagamit ang salitang balbal sa
pakikipagkomunikasyon at ang epekto nito. Matutukoy kung ano ang mga
salitang balbal ang madalas magamit sa pakikipagusap sa iba’t ibang tao.

II. Layunin
a. Mailahad ang dahilan ng paggamit ng salitang balbal sa
pakikipagkomunikasyon.
b. Maisa-isa ang mga epekto sa paggamit ng salitang balbal sa
pakikipagkomunikasyon.
c. Matuklasan ang mga salitang balbal na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon.

III. Metodolohiya

Magpapakalat ng mga questionnaire tungkol sa mga salitang balbal na


madalas nilang gamitin sa pakikipagkomunikasyon sa mga mag-aaral sa
Tolosa National High School na may edad na labin’ apat hanggang labin’
walong (14-18) taong gulang. Magkakaroon din ng mga panayam sa mga
awtoridad tungkol sa nasabing usapin. Sa pamamagitan ng mga
talakayang ito, makakalikom ng sapat na impormasyon ang mga
mananaliksik ukol sa paksang tinatalakay.

IV. Inaasahang Bunga


Ang konseptong papel na ito ay inaasahang makapagbigay ng
impormasyon tungkol sa epekto ng paggamit ng salitang balbal sa
pakikipagkomunikasyon. Ito ay naglalaman ng mga datos na tumatalakay
kung gaano madalas gamitin ang salitang balbal sa
pakikipagkomunikasyon. Inaasahan din na batay sa mga datos na
nakalap, malalaman natin kung ano ang dahilan ng paggamit ng salitang
balbal sa pakikipagkomunikasyon.

V. Mga Sanggunian
Balbal – Depinisyon at mga Halimbawa
https://www.tagaloglang.com/balbal/

You might also like