Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan (Ekonomiks)

I. LAYUNIN

Sa loob ng 60 na minute ang mga mag aaral ay nakikilala ang Sektor ng Agrikultura.

II. NILALAMAN

A. Paksa – “Aralin 2: Sektor ng Agrikultura”

B. Sanggunian – Modyul ng Mag-aaral, pp. 363-368


- Gabay ng Guro, pp. 252-256

C. Iba pang Kagamitan – LED TV, Laptop, PPT, colored paper

III. PAMAMARAAN

A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsetsek ng liban at di-liban

B. Pagbabalik-aral
Paano masasabing may pag-unlad na nararanasan sa sarili? O sa bansa?

C. Mga Gawain
1. Pagganyak
Pagpapapakita ng mga gawain/imahe patungkol sa agrikultura at tukuyin kung
saang ng Sektor ng Agrikultura ito nabibilang.

3. Pangkatang Gawain
Magkakaroon ng apat ng grupo ang buong klase at ang bawat grupo ay mag-
uunahang manghula sa kung anong Sektor ng Agrikultura nabilalang ang mga
larawan.
4. Malayang talakayan

D. Pagtalakay sa Paksa

ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA


Agrikultura – isang sining, agham at gawain ng pagproprodyus ng mga pagkain at
mga hilaw na sangkap sa pamamagitan ng pagtatanim, pag- aalaga ng hayop upang
matugunan ang pangangailangan ng tao.
Nahahati ang Sektor ng Agrikultura sa mga sumusunod:
 Paghahalaman (farming)
 Paghahayupan (livestock)
 Pangingisda (fishery)
 Paggugubat (forestry)
E. Paglalapat
Sa loob ng 15 minuto, bibigyan ang bawat pangkat ng mag-aaral ng isang colored
paper. Gagawa ang bawat pangkat ng islogan patungkol sa Agrikultura ng
bansang Pilipinas.

IV. Ebalwasyon
Sa isang-kapat na papel. Iguhit ang masayang mukha (Smiley face) kung kabilang sa
Sektor ng Agrikultura at malungkot na mukha (sad face) kung hindi ito kabilang.

V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng mga suliraning kinakaharap ng sektor ng Agrikultura. Isulat ito sa
kwaderno.

Inihanda ni:

JUSTINE R. ARCALAS
Guro sa Araling Panlipunan

You might also like