Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ap

Act: oral recitation


All: Magandang Hapon Sa lahat! Ngayon nga pala ay aming grupo ay mag uulat sa inyo
tungkol sa arkitektura at inhenyeriya! Kayoy makinig ng Mabuti at kami ay magsisimula
na
Guro: magandang hapon sa inyong lahat
estudyante: magandang hapon rin sainyo ginang ______

Guro: kunin Ninyo ang inyong mga modyul at sa hapon na ito tatalakayin natin ang
arkitektura at inhenyeriya, sino ang makapagbibigay ng isang halimbawa ng
arkitektura?

*hands up students*
guro: oh ikaw _____
_____: Isang halimbawa ng arkitektura ay semento at stucco

guro: ano nga ba ang stucco?


______: Ang Stucco o render ay isang materyal na konstruksyon na gawa sa mga
pinagsama-samang, isang binder, at tubig. Ang Stucco ay inilapat na basa at tumigas
sa isang napaka-siksik na solid. Ginagamit ito bilang isang pandekorasyon na patong
para sa mga dingding at kisame, panlabas na panghaliling tabi ng gusali, at bilang isang
eskultura at artistikong materyal sa arkitektura.
Guro: magaling! Ngayun sino pa ang makakapagbibigay ng mga halimbawa ng
arkitektura?
*hands up students*
_____: may marami pang mga halimbawa ng arkitektura kagaya ng arch, basilica,
forum, pampublikong paliguan at pamilihan, at colosseum
Guro: napakagaling! Ngayun sino ang makapagbibigay ng mga kahulugan sa mga
nabanggit ni ____, base sa inyong modyul?

_______: base sa modyul ang arch ay ginagamit sa mga templo, aqueduct at mga
gusali, ang basilica naman ay isang bulwagan na nagsilbing korte at pinagpupulungan,
ang forum ay sentro ng lungsod, habang ang colosseum ay isang amphitheater para sa
labanan ng Gladiator

Guro: sa mga sinabi ni ____ na mga kahulugan ay mababasa sa module ngayun sino
naman ang makakadagdag sa mga kahulugan na wala sa modyul
_____: sa aking pananaliksik Sa arkitekturang Sinaunang Roman, ang isang basilica ay
isang malaking pampublikong gusali na maraming puwedeng paglaanan, karaniwang
itinatayo sa tabi ng foro ng bayan. Ang basilica ay nasa Latin na Kanlurang katumbas
ng isang stoa sa Griyegong Silangan. Ang gusali ay nagbigay ng pangalan nito sa
arkitekturang anyo ng basilica
Guro: ano naman ang inyong maidagdag sa forum at colosseum? Base sa inyong
pananaliksik?
______: ang colosseum ay Gawa sa sementado at bato, ito ang pinakamalaking
ampiteatrong naitayo kailanman at isa sa mga itinuturing na pinakakahanga-hangang
yari ng arkitektura at inhinyero.
Ang colosseum ay nakatayo sa silangan lamang ng Roman Forum. Ang konstruksyon
ay sinimulan sa ilalim ni emperador Vespasiano noong 72 AD, at natapos noong 80 AD
sa ilalim ng kanyang kapalit at tagapagmanang si Tito.

_____: habang ang forum  sa Roma, nagkaroon ng isang espesyal na lugar, na kung
saan ay ginamit bilang isang merkado. ito ay isinasaalang-alang din ang sentro ng
panlipunan at negosyo buhay ng lungsod.

Guro:Siguraduin nyo na ang mga sinabi ng inyong kaklase ay inyong tatandaan at tayoy
may pasulit mamaya, ngayon inhenyeriya nanaman ang ating tatalakayin magpapakita
ako ng mga scramble words at inyong huhulaan kung ano ang word

studyante: sige po maam!


*dinikit ang mga scramble words sa board*
*students hands up*

guro: sige ikaw nga ____

____: Ang unang scramble words ay APPIAN WAY! O ang nag uugnay sa rome at
timog Italy
Guro: mahusay! Ano naman ang pangalawang scramble words?

____: Ang pangalawang scramble words ay AQUEDUCT o ang ginagawa upang dalhin
ang mga tubig sa lungsod

guro: magaling! Ngayon sino naman ang makapagbibigay ng kahulugan ng wala sa


modyul!?
_____: ang appian way ay isa sa pinakamaaga at madiskarteng pinaka-
estratehikong daang Romano ng sinaunang republika. Iniugnay nito
ang Roma sa Brindisi, sa timog-silangan ng Italya. Ang kahalagahan nito ay
ipinahiwatig ng karaniwang pangalan nito, na naitala ng Statius
Habang ang aqueduct naman ay isang tulay na ginawa upang magdala o magpadaloy
ng tubig. Sa makabagong inhenyeriya, ang katagang ito ay ginagamit sa anumang
sistema ng tubo, kanal at iba pang mga bagay na ginagamit sa layuning ito.

Guro: napakahusay! Ngayun meron tayong pasulit! Ito ay huhulaan nyo kung ano ang
larawan na pinapakita ko!

*nagpakita ng larawan ng aqueduct*

_____: yan ay ang aqueduct!

guro: ngayun ano naman ito!?


*nagpakita ng larawan ng appian way*

______: yan ay ang appian way!

*nagpakita ng larawan ng colosseum*

_____: yan ang colosseum!

*nagpakita ng larawan ng forum*

_____: alam ko yan! yan ang forum!

Guro: mahuhusay! kayo ba ay nag enjoy sa leksyon natin ngayung araw?


Studyante: opo maam!
Guro: mabuti naman at kayoy nag enjoy at dito na magtatapos ang leksyon natin sa
araw na ito maraming salamat sa inyo at paalam!
Gtudyante: paalam na po ginang _____

AAll: at doon nagtatapos ang pag uulat namin tungkol sa arkitektura at inhenyeriya
maraming salamat sa inyong lahat!

You might also like