Noong unang panahon,may isang sultan na nangangalang Makan-Dang. Nagpakasal siya sa isang sultan.Nagkaroon sila ng anak na lalaki.At tinawag nila itong Duriong.Hindi namana ni Duriongang magandang mukha ng kaniyang ina kaya walang nagkakagusto sa kanya.Ngunit sa kabila ng pangit na mukha ni duriong ay mayroon naman siyang malinis at magandang kalooban.
Naging malungkot ang buhay ni Duriong.Bagamat masagana ang
kanyang buhay ay malungkot parin siya sapagkat wala siyang kaibigan. Lahat ng kaseng-edad niya ay nangagsipag-asawa na.At lalo pa siyang nalungkot sapagkat masaya ang mga ito sa piling ng kanilang pamilya. Sa labis na kalungkutan ay nagkasakit si Duriong.Lahat ng gamut ay sinubukan na ngunit hindi parin siya gumagaling.
Isang gabi ay nakarinig siya ng isang napakagandang
awit.Napakalambing nito at labis siyang naakit.Pinilit niyang bumangon kahit nanghihina ang kanyang katawan at hinanap ang pinagmulan ng awit.Kinabukasan ay natagpuan na lamang ng kanyang magulng si Duriong na wala ng buhay malapit sa tabing dagat.Ipinalibing siya sa ng kanyang magulang sa gilid ng kabundukan.Maraming taon ang lumipas at nakalimutan ng mga tao si Duriong.Isang araw ay napansin nila ang isang puno sa lugar ng pinaglibingan kay Duriong.Ang bunga nito ay tulad ng langka ngunit napakasama ng amoy.Iniiwasan ng mga tao ang lugar na iyon sapagkat ang bunga na nababalot ng tinik ay napakasama ng amoy.Itinulad nila ang bunga kay Duriong ang binatang inilibing sa lugar na iyon.