Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang uri ng pananaliksik na isasagawa ay kwalitatibo.

Gagamit ng
penomenolohiyang disenyo ang mga mananaliksik upang makuha ang kinakailangan na
impormasyon at datos mula sa mga respondente. Akma ang disenyong ito dahil
naglalayon ang mga mananaliksik na suriin ang epekto ng pandemya sa Buhay
Pananampalataya ng mga Katolikong Kapampangan sa Barangay Calulut na may Edad
60-70.

Ang mga respondenteng napili ng mga mananaliksik ay ang mga Katolikong


Kapampangan sa Barangay Calulut, San Fernando, Pampanga na edad 60-70 taong
gulang. Sila ang mga napiling respondente sa kadahilanang, mas marami silang
karanasan tungkol sa aspektong relihiyon kumpara sa mga kabataan. Isinasaalang-
alang ng mga mananaliksik ang naging karanasan ng mga matatandang edad 60-70
noong naisakatuparan ang "Community Quarantine" kung saan sila'y mahigpit na
ipinagbawalang lumabas. Ang kanilang mga naging karanasan sa panahong iyon ay
magagamit bilang datos sa pag-aaral ng epekto ng pandemya sa kanilang buhay
pananampalataya. Sa Barangay Calulut matatagpuan ang San Vicente Ferrer Parish,
isang malaking simbahan na dinadaluhan ng mga residente doon, kaya ito ang napiling
lugar ng mga mananaliksik. Kaya naman, akma lamang na ang mga respondente ng
pananaliksik ay ang mga residente na naninirahan sa nasabing lugar.

Nagpasya ang mga mananaliksik na gumamit ng purposive sampling sa pagpili


ng mga respondente dahil ito ay akma at makakatugon sa datos na kinakailangan sa
pag-aaral. Angkop ang teknik na gagamitin sapagkat pipiliin lamang ng mga
mananaliksik ang mga Katolikong Kapampangan sa Barangay Calulut upang
makuhanan ng angkop na impormasyon at datos na kakailanganin sa pagaaral.
Mangangalap ng datos ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng panayam upang
malaman ang kalagayan ng kanilang pananampalataya noong bago pa dumating ang
pandemya, kasagsagan ng pandemya at ngayon, na kung saan maari nang lumabas at
makapagsimba ulit ang mga matatanda na may edad 60-70. Ang mga tanong ay
nakapokus sa mga karanasan ng mga respondente sa kanilang buhay ispiritwal noong
bago ang pandemya, sa kasagsagan ng pandemya at ngayong nakaluwag-luwag na
kung saan hindi na ganoon kahigpit ang pagdalo sa mga pananambahan. Nais din
malaman kung kanila pang ipinagpapatuloy ngayon ang mga nakasanayan na mga
gawaing ispiritwal. Nakapokus ang mga tanong sa kung ano at paano nakaapekto ang
pandemya sa kanilang pananampalataya sa kasalukuyan

You might also like