Dec. 7, 2022

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Pembo Elementary School

(Daily Lesson Plan)


L-BoW
Grading
Intended Subject: FILIPINO III Teacher: MELANIE B. PEREZ
Period
Curriculum
11:20-12:10 BUNSEN
Date/Time: Grade/Section:
DECEMBER 7, 2022 12:10- 1:00 NOBEL
1:20-2:10 CURIE
UNANG IKALIMANG 2:40- 3:30 VOLTA
MIYERKULES
MARKAHAN LINGGO 3:30- 4:20 ANDERSON
4:20-5:10 MORSE
Gemma G

I. OBJECTIVE*
A. CONTENT STANDARD
Paggamit ng magalang na pananalitang angkop sa sitwasyon gaya ng
B. PERFORMANCE pagbati, pakikipag–usap, paghingi ng paumanhin, pakikipag-usap sa
STANDARD matatanda at hindi kakilala, at panghihiram ng gamit

Nagagamit ang magalang na pananalitang angkop sa sitwasyon (pagbati,


C. LEARNING
pakikipag–usap, paghingi ng paumanhin, pakikipag-usap sa matatanda at
COMPETENCIES/OBJECTIVES
Write the LC code for each
hindi kakilala, at panghihiram ng gamit); (F3PS-If-12 F3PS-IIb-12.5)

Paggamit ng Magagalang na Pananalitang Angkop sa Sitwasyon (Pagbati at


II. CONTENT Pakikipag-usap)

III. LEARNING RESOURCES

A. REFERENCES

1. Teacher’s Guide Pages 1. Localized Budget of Work (Intended Curriculum)

2. Learner’s Material Pages Unang Markahan


Modyul 7: Magagalang na Pananalitang Angkop sa Iba’t ibang
Sitwasyon: Gamitin
Binded Module 7-Unang Markahan
3. Textbook pages Batang Pinoy Ako p.

4. Additional Material from Unang Markahan


Learning Modyul 7: Magagalang na Pananalitang Angkop sa Iba’t ibang
Resources(LR)Portal Sitwasyon: Gamitin
B. Other Learning Resources 1. Grade 3 Filipino Q1 Ep13: Ang Paggamit ng Magagalang na Salita
na Angkop sa Sitwasyon
2. https://youtu.be/0G_Y7cn9yPo
IV. PAMAMARAAN

A. PAUNANG PAGSUBOK:

Tayo nang kumanta:


Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Dumating ang lolo at lola mo galing probinsiya. Paano mo sila babatiin?
A. Magandang araw po, Lolo at Lola. Mano po. Masaya po akong
nakarating kayong ligtas at bumisita po kayo sa amin.
B. Lolo, Lola, pasok po kayo. May pagkain na po diyan.
C. Lolo, Lola, mano po. Saan na po ang pasalubong ko?
D. Nay, Tay! Sina Lolo at Lola nandito na po.
2. Binati ka ng kaibigan mo na matagal mo nang hindi nakikita. Ano ang
sasabihin mo?
A. Hindi kita kilala.
B. Ikaw na ba iyan, Jessa? Hindi kita nakilala ah?
C. Magandang araw, rin! Sige, mauna na ako sa iyo.
D. Magandang araw rin sa iyo, Jessa! Natutuwa akong makita kang
muli.
3. Namamalengke kayo ng nanay mo nang di sinasadya, natabig mo ang
isang bote ng mantika. Ano ang angkop na sasabihin mo?
A. Hay naku! Nakaharang po kasi ang mga bote sa dadaanan namin.
B. Paharang-harang po kasi ang mga paninda ninyo. Ayan natabig ko
po tuloy.
C. Sa susunod po sana pakiayos ninyo ang mga paninda sa hindi
nadadaanan?
D. Paumanhin po, hindi ko po sinasadya. Maaari po bang bayaran na
lang namin?
4. Magbibigay ng pagsusulit ang iyong guro. Nagkataong naiwan mo ang
lapis mo sa isang bag mo. Paano ka manghihiram ng gamit sa kaklase
mong si Minda?
A. Minda, maaari ba akong makahiram ng lapis? Naiwan ko kasi sa
isang bag ko.
B. Minda, magpahiram ka nga ng lapis, baka paghintayin mo pa ako?
C. Minda, baka naman puwede mo akong pahiramin ng lapis, ha?
D. Minda, pahiram nga ng lapis. Nalimutan ko sa isang bag ko eh.
5. Tumunog ang telepono ninyo at nagkataong ikaw ang nakasagot.
Hinahanap niya ang tatay mo at may itatanong daw. Paano mo siya
kakausapin?
A. Kung gusto mo po kausapin si Tatay, maghintay po kayo.
B. Wala po si Tatay rito eh. Sa ibang araw na lang kayo tumawag.
C. Magandang araw po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
D. Sa akin mo na lang po sabihin ang itatanong mo kay Tatay, pwede?
B. BALIK-ARAL :(DRILL) Panuto: Suriin ang mga sumsunod na pangungusap. Subuking ilagay ang
angkop na panghalip sa patlang.  
1.  Sina Allyna, Mia Cassandra at ako ay nagbabalot ng mga  pagkain.
_____ ay lalahok sa pamimigay ng pagkain para sa mga frontliners.  

       A. Sila  B. Kami C. Tayo  D. Kayo

2. Sina Matthew, Ayesha , ikaw at ako ay mananatili sa loob ng bahay


habang may quarantine. _____ ay sumusunod sa batas. 

       A. Kami  B. Kayo C. Tayo  D. Sila

3. Ang mga doktor, sundalo at bgy. Tanod  ay mga bayaning  hinahangaan


ng karamihan. _____ ay tumutulong at nagpapanatili ng kaligtasan ng mga
tao sa pag iwas sa sakit. 

     A. Tayo B. Kayo C. Kami D. Sila

4. Sina Andrew, Caleb at Xian  ay ilan lamang sa mga youtuber na nagbigay


ng tulong sa panahon ng krisis. _____ ay dapat nating tularan.  
      A. Kami      B.Sila C.  Kayo  D.  Tayo

5.  Ikaw, ako, lahat _______ ay may maitutulong upang mawakasan ang
pandemyang dulot ng Covid 19.  

    A. Tayo  B. Kami C. Sila   D. Kayo


C. PAGGANYAK Panonood ng video:

Grade 3 Filipino Q1 Ep13: Ang


Paggamit ng Magagalang na
Salita na Angkop sa Sitwasyon
https://youtu.be/0G_Y7cn9yPo

Basahin ang teksto. Alamin ang magagalang na pahayag na ginamit sa


diyalogo
Unang araw ng pasukan. Maagang gumising si Dona at Tony. Niligpit
muna nila ang kanilang hinigaan, nagdasal, nagsepilyo ng ngipin, naligo,
nagbihis, at saka bumaba.
“Magandang umaga, Nanay, Tatay. Kumusta po ang inyong umaga?” ang
bati ni Dona.
“Mabuti naman, anak. Ikaw Dona, kumusta ang iyong umaga?” tanong ni
Tatay.
“Naku! Tatay, masayang-masaya po ako. Sabik na po kasi akong pumasok
sa paaralan at matuto,” masayang sagot ni Dona.
“Ikaw naman Tony, kumusta ang umaga mo?”
“Tatay, masaya rin po ako dahil makikita ko na ang aking mga kamag-aral
at bagong guro,” magiliw na sagot ni Tony.
“Hali na kayo mga anak at nakahain na ang almusal,” aya ni Nanay sa
tatlo.
“Magandang umaga Nanay,” sabay na bati ng dalawa. “Kuya Tony, maaari
mo bang iabot sa akin ang kanin at ulam?” pakiusap ni Dona sa kuya.
“Oo naman, heto, kumain ka nang mabuti para hindi ka magutom sa
klase.”
“Nasaan nga po pala si Lolo Ben, Tatay?” usisa ni Dona. Maya-maya ay
papasok na si Lolo Ben.
“Lolo Ben, mano po. Magandang umaga po. Saan po kayo galing?” tanong
ni Tony.
“Diyan lang apo sa panaderya ni Kulas. Bumili ako ng pandesal.”
“Lolo, kaya po kita hinahanap ay may sasabihin po ako. Ipagpaumanhin po
na nabasag ko po ang salamin ninyo sa mata. Hindi ko po sinasadyang
naapakan dahil madilim po sa kuwarto kagabi,” malungkot na sabi ni
Dona.
“Walang anoman, apo. May binili na rin naman akong bago. Makukuha ko
mamaya sa klinika ni Doktora Reyes. Salamat at naging tapat ka.”
“Yehey! Maraming Salamat po Lolo Ben. Mahal po kita.”
“Halika na Dona, mahuhuli na tayo. Pakikuha na ang bag mo at
bumubusina na si Mang Tomas sa labas,” aya ni Tony. “Paalam, Nanay,
Tatay at Lolo Ben. Aalis na po kami ni Kuya Tony,” masayang sabi ni
Dona.
Mga Tanong sa Pag-unawa:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa binasang kuwento?
2. Saan naganap ang mga pangyayari sa binasang kuwento?
3. Ano ang suliraning binanggit sa kuwento?
4. Paano nalutas ang suliranin sa kuwento?
5. Ano ang wakas ng binasang kuwento?
6. Paano nakipag-usap ang magkakapatid sa mga nakatatanda nilang
kasama sa
bahay? Isa-isahin ang mga ito.

Alam mo ba?
Ang mga sagot mo sa mga tanong sa pag-unawa ay tungkol sa
magagalang na pahayag na angkop gamitin sa mga sumusunod na
sitwasyon. Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay makikita sa mga
sumusunod na sitwasyon. Bukod sa magagalang na pananalita, ang mga
sagot mo ay tumatalakay rin sa iba’t ibang elemento ng isang kuwento.
D. Pagtalakay sa Aralin. Mga sitwasyong ginagamitan ng magagalang na pananalita:

E.PAGLINANG SA ARALIN.

F.Pag-uugnay sa realidad ng buhay.


(Integrasyon sa ibang asignatura at
Project WATCH)

Naipakikita ang magandang pag-uugali sa pamamagitan ng pakikipag-usap


sa kapuwa. Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay nakatutulong
upang mapaunlad ang ating pakikisama sa ating mga nakasasalamuha. Sa
araling ito, lubos nating matututuhan at maiintindihan ang mga
kahalagahan ng paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa iba’t
ibang sitwasyon.
G. TANDAAN:
H..MGA GAWAING PANGKASANAYAN Gawain 1 Batang Bibo…Batang Panalo!
Ang Batang Pilipino ay lubos na magalang at bibo.
Kumuha ng kapares na kapamilya at magsalitan ng sagot sa
sumusunod na mga sitwasyon:

Gawain 2: Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon sa Hanay A


at piliin ang angkop na sagot sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa kahon.

I.PAGLALAHAT Bakit mahalaga sa isang bata ang maging magalang?


Paano nakatutulong ang ganitong ugali sa pamayanan?
Ano-ano ang iba pang magagalang na salita na iyong nagagamit sa
J. PAGPAPAHALAGA: pakikipag-usap? Sa anong sitwasyon?
Ang pagiging magalang na bata ay nagpapamalas ng kaugalian ng
isang batang Pilipino.
Ang mga salitang “po at opo” ay isa sa mga kadalasang ginagamit sa
pakikipag-usap na nagpapakita ng paggalang sa mga taong ating
nakakasalamuha.
Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot:
K.PAGTATAYA 1.Nasalubong mo isang umaga sa hagdanan ng paaralan ang iyong
punongguro, ano ang dapat mong sabihin?

A. Magandang umaga po.

B. Magandang hapon po.

C. Magandang gabi po.

D. Magandang tanghali po.

2. Dumating ang lolo at lola mo galing probinsiya. Paano mo sila babatiin?


A. Hey Lolo at Lola! Ano ang sa atin?
B. Nay, Tay! Sina Lolo at Lola nandito na po.
C. Lolo, Lola, mano po. Saan na po ang pasalubong ko?
D. Magandang araw po, Lolo at Lola. Mano po, masaya po ako na
nakarating kayong ligtas at bumisita po kayo sa amin.
3. Binigyan kayo ng relief goods sa inyong barangay galing sa opisyal ng
Lungsod ng Makati. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Sana sa susunod mga gulay at pang-ulam naman.
B. Salamat po. Saan pa puweding makahingi?
C. Ito lang po? Sana puwede pong dagdagan?
D. Maraming salamat po sa biyayang ito.
4. Matagal nang hindi nagkikita ang tatay mo at ang kanyang kapatid na
nasa probinsya. Ano ang dapat nilang maging batian kapag nagkita sila?
A. Ang tanda mo na.
B. Kumusta ka?
C. Bakit ngayon ka lang?
D. Pwede ba akong tumuloy?
5. May naghahanap sa mga magulang mo na hindi mo kakilala at sinabing
sila raw ay mga kamag-anak ng tatay mo. Wala pa sa bahay ang mga
magulang mo. Paano mo sila sasalubungin?
A. Magandang araw po sa inyo. Wala po dito ang tatay ko. Bumalik na
lang kayo sa susunod na araw.
B. Magandang araw po sa inyo. Wala pa po ang mga magulang ko.
Bilin po nila sa akin na kapag may maghanap sa kanila at hindi ko po
kakilala, hintayin na lamang po sila dito sa labas.
C. Hindi ko po kayo kilala. Hindi kayo makapapasok sa aming bahay.
D. Wala po ang mga magulang ko dito. Maaari na po kayong umalis.

Takdang Aralin 
Panuto: Sumulat ng pangungusap na ginagamitan  magagalang na
pananalita sa pakikipag usap kapag:
Takdang Aralin: 1. Pagbati
Enrichment Activity 2. Paghingi ng paumanhin
3. Pagpapasalamat
4. Pagpapaalam o paghingi ng pahintulot

A. REMARKS

B. REFLECTIONS

A. No. of learners who earned 80%


of the formative assessment
B. No. of learners who require
additional activities for
remediation
C. Did the remedial lessons work?
No. of learners who have caught
up with the lessons.
D. No. of learners who continue to
require remediation
E. Which of my teaching strategies
worked well? Why did these
works?
F. What difficulties did I encounter
which my principal or supervisor
can help me solve?
G. What innovation or localized
materials did I use/discover
which I wish to share with other
teachers?

Prepared by: Noted by:

MELANIE B. PEREZ JUDITH T. PICHAY


Teacher III Master Teacher I

Noted by:

BENZON T. GERMAN
Principal

You might also like