Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BARBA, JERYLL JOYCE G.

BSPA- 1 DAY CLASS

FILIPINO 1

A. BALIK-TANAW:

1. Ano ang pakikinig?

 Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan


ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na
tunog, nauunawaan, natatandaan.

2. Bakit napakahalaga nito sa isang mag-aaral sa tanggapan, at sa ibang


pamilya?

 Sa pamamagitan ng komunikasyon at pakikinig, nagkakaroon tayo ng


tiyansa upang miapahayag natin an gating tunay na saloobin.

3. Ipaliwanag ang apat na uri ng pakikinig.

 Passiv o Marginal - pakikinig na kung saan ang pinakikinggan ay di


gaanong napagtutuunan ng pansin dahil sa ibang gawain.
 Atentiv - pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon. Ang layunin ng
tagapakinig ay makakuha ng kawastuhan ng pagkaunawa sa paksang
narinig.
 Analitikal - layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga o reaksyon sa
napakinggan.
 Kritikal - mapanuring pakikinig, pagkuha ng mensahe at pagpapahalagang
moral sa paksang narinig.
4. Ilahad kung anu-anong mga tunog ang naririnig mo sa iyong kapaligiran.

 simoy ng hangin
 ingay ng bata
 tunog ng electric fan
 ingay sa paligid
 tahol ng aso

A. BALIK-TANAW:

1. Ipaliwanag ang iba’t-ibang elementong nakaiinfluwensya sa pakikinig.

 Tsanel - daanan ng pakikipagtalastasan. Maaaring pasalita, pasulat o


pagguhit.
 Kultura - ang pagkakaiba-iba ng kultura ay maaaring maging sagabal sa
pagkakaunawaan ng tao. Maaaring asahan na higit na mahusay na
tagapakinig ang taong naturuan ng tamang asal tulad ng paggalang sa kapwa
at may sariling disiplina.
 Edad – ang mga bata ay matalas ang memorya ngunit mainipin samantala
ang matatanda'y mahilig makinig ngunit mahina na ang katawan.
 Oras o Panahon – Ang panahon ay sagabal halimbawa kapag mainit o
malamig ang panahon o di kaya'y inaantok ang tagapakinig.
 Kasarian – mahaba ang pasensya ng mga babae sa pakikinig dahil
interesado sila sa mga detalye ng mga ideya. Samanatalang ang mga lalake
nama’y madaling mabagot at ibig nila ang diretsong pagpapahayag.
 Lugar o Kapaligiran – kailangan ng isang tao ng lugar na tahimik,
maaliwalas at komportable upang siya ay epektibong nakapakinig.Malaki
ang magagawa na kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa
paraan ng kanyang pakikinig.
 Konsepto sa sarili – maaaring ang taong may malawak na kaalaman ay
magkaroon ng sagabal sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili,
at dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o
maunawaan dahilan sa taglay na konsepto sa sarili.
 Distansya - Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di maririnig, marinig
ma ay bahagya’t di pa maintindihan. Pag naman sobrang lapit
nagkakailangan.

2. Anu-ano ang mga kasanayan na may kaugnayan sa pakikinig?

 Maging handa sa pakikinig.


 Tukuyin ang mga pangunahing kaisipan.
 Magkaroon ng layunin sa pakikinig.
 Magbigay ng pokus sa pinakikinggan.
 Huwag punahin ang tagapagsalita at huwag husgahan agad ang mensaheng
ipinararating.
 Isaisip at tandaan ang mga bagay na napakinggan.

3. Bakit itinuturing na isang sining ang pelikula?

 Gaya ng iba pang mga anyo ng sining, ang pelikula ay naghahayag din ng
mga kwentong nagbibigay-aral at/o nagpapakita ng iba't ibang kalagayang
panlipunan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

4. Ipaliwanag ang dalawang mahalagang sangkap nito.

 Mahalagang bahagi ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag
ang nilalaman ng puso’t isip sa konkretong paraan.
 Isa pinakamahalagang sangkap ay ang tainga, ito ang nagsisilbing paraan
upang mas maunawaan natin ng maayos ang mensahe na nais iparating ng
nagpapahiwatig.

You might also like