Baron Filipino 304 Panghuling Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

Paaralang Gradwado

PANGHULING PAGSUSULIT
FIL. 304- Current Trends in Teaching Filipino
( Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pagtuturo ng Filipino)
A.Y. 2021-2022

FORTUNE MYRRH D. BARON ADORA B. GABAYOYO


Mag-aaral Guro sa Filipino

Panuto:

A. Sagutin ng pakomprehensibo ang mga sumusunod na katanungan

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang ang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo


ay dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral?
Maglahad ng patunay.

Sagot:
- Kailangang may ginagamit ang mga guro sa kanilang mga pagtuturo upang higit na
maengganyo ang mga estudyante sa pakikinig o madagdagan ang kanilang
partisipasyon sa klase.Lagi nating tatandaan na ang gagawa ng gawain ay ang mga bata
kung kaya’t magiging epektibo lamang ito kung ito ay angkop sa kakayahan ng mga
bata at dapat kawili-wili rin ito upang hindi antukin ang mga bata habang natututo.
Halimbawa, sa grade-7 dapat ang gamitin mong istratehiya ay mga pisikal na laro dahil
talagang maiuugnay mo ang ang mga kilos at galaw na gagawin nila sa laro sa iyong
paksa at sa parehong pagkakataon ang mga bata ay mag-eenjoy rin.

2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong


kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?

Sagot:
- Mahalaga talaga na nakakasabay ka sa makabagong kaalaman sa mga estratehiya sa
pagtuturo. Kailangang tumuklas ang guro ng panibagong estratehiya sa pagtuturo
upang makasabay siya sa pagbabago at lalong lalo na ngayon dahil kadalasan sa mga
mag-aaral ay napakaabanse nila sa larangan ng teknolohiya kaya minsan ay nawawala
ang kanilang pokus at interes sa klase.

Bilang 21st Century na guro ang pagiging malikhain ang dapat taglayin . Dapat palagi
tayong nakakasabay sa uso o “trending” upang sa gayon ay mahuli natin ang kiliti ng
ating mga mag-aaral, lalong lalo na ngayong pandemya, malaking tulong talaga ang
teknolohiya upang tugunan ang suliranin sa edukasyon. Napakalaking bagay ang
naitulong mga video lessons, paggamit ng green screen at iba pang app upang magturo
sa birtwal na klase.

3. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito makatutulong sa mabisang


pagtuturo ng wika?

SAGOT:

Nag-ugat ang pamaraang ito sa national-functional approach na pinaunlad ni David


Wilkins ng Britanya. Matatandaan na sa panahong ito,ang binibigyan pokus o diin ay ang
mensahe kaysa porma o istructura ng wika. Ang kinalabasan ng halos purong diin sa
mensahe ay hindi maganda para sa aspektong gramatika. Lalong humina sa gramatika
ang mag-aaral, kasi alam nilang higit na importante ang mensahe at hindi halos
pinupuna kung mali ang istrukturang gamit nila.
4. Ano-ano ang mga hamon ngayon sa pagtuturo at pagkatuto sa Filipino?
Paano mo iniaangkop ang mga estratehiya sa pagtuturo sa panahon ng
pandemya?

SAGOT:

Maraming hamon ang dumating sa mundo ng pagtuturo at pagkatuto sa Filipino ang


umusbong simula nang pumutok ang pandemyang Covid-19. Narito ang ilan:

una, ang pagpapabawal ng harapang pagkaklase sa loob ng mga paaralan.Hindi natin


masisigurado at matatayang mabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagkat lahat
ng sagot sa mga module ay maaring hanapin sa internet.

Ikalawa, Hindi natin nasisigurado kung binabasa at inuunawa ba talaga ng mga mag-
aaral ang laman ng kanilang modules.

Ikatlo, hindi lahat ng kabataan ay maroon kakayahan upang magkaroon ng mga


kasangkapan/ teknolohiya at internet upang saliksikin ang mga kaalamang
magpapalinaw ng kanilang pag-unawa. Ilan lamang ito sa mga maraming pagsubok sa
mundo ng edukasyon at pagkatuto ng wikang Filipino

Inaagkop ko ang aking estratehiya sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya.


Gumagamit ako ng mga video lessons, green screen at iba pang mga app na talagang
makakatulong sa pagkuha ng kawilihan ng mga bata at ganun din sa paghubog ng
kanilang kasanayan.

Sa tulong ng makukulay na mga larawan sa mga modules ay nakakatulong din upang


mainganyo ang mga bata upang basahin at tingnan ang laman ng kanilang modules.

Malaking tulong din ang dala ni Facebook sapagkat madali ako nakakakapagbigay ng
tugon sa katanungan ng mga bata at nakapagbibigay ng payo at feedback sa mga
Gawain ng mga bata.

B. Bigyang paliwanag ang kahalagahan ng mga sumusunod sa binagong


kurikulum.

1. Tematik na pagdulog-
Ang layunin ng Tematik na pagdulog ay isang integratibong pagtuturo. May mga
paksa o tema na maaaring iugnay sa iba’t-ibang disiplina. Halimbawa kung ikaw ay
natuturo ng isang akda na ang tema ay tungkol sa pagsisinungaling o pagpapakalap
ng tsismis, maari mong iugnay rito ang mga artikulo at batas tungkol sa “fakenews”
o libel.
2. Interaktibong pagdulog-
Madaling matamo ng mga mag-aaral ang kasanayan sa target na wika kung
nakapokus sila sa pagtanggap at paghahatid ng mensahe-kung nagagamit nila ang
target na wika sa mga awtentikong sitwasyong komunikatib na nagbibigay ng
pagkakataon para maisagawa ang palitan ng pahayag.Halimbawa dito ay pagbibigay
ng gawaing “dula-dulaan” sa mga bata.
3. Kooperatibong pagdulog-
Sabi nga nila mainam ang dalawa kaysa sa isa kaya naman sa kooperatibong
pagdulog ay mas natuto ang mga mag-aaral ng paksa. Ang pangkatang gawain ay
isa sa halimbawa nito, dito nakapagbabahagian ang bawat kasapi ng pangkat ng
kanilang ideya at kaalaman na tunay na magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-
aaral.
4. Pagtuturong batay sa nilalaman.-
Ang guro ay nagsisilbing pasiliteytor ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagsanib
ng wika at nilalaman, nadebelop ang sensitibiti ng guro sa suliraning pangwika na
maaaring makapagpahirap sa pag-unawa ng mga estudyante. Gayundin, ang guro
ng wika ay natutong gumamit ng mga awtentiko at makabuluhang nilalaman ssa
klasrum.
Sa pananaw na ito, bawat aralin ay may komponent pangwika at pangnilalaman.
Hindi kailangang bigyan ng parehong bigat o oras ang dalawang ito sa bawat aralin.
Depende ito sa pang-araw-araw na layunin ng guro. Ang layunin ng guro ay
malinang nang sabay ang kasanyang pangwika at pagtatamo ng akademikong
kaalaman.
C. Gamit ang KWWL o AGSN punan ng sagot ang loob ng kahon.

Alam ko…. Gusto kung Saan ko ito Natutuhan ko


malaman malalaman
1. Ang AGSN ay Gusto kung May apat na
naglalayon na malaman kung hakbang ang Aking natutuhan
alamin ang dating ano-ano ang mga AGSN: (1)A-Alam- ang apat na
kaalaman ng hakbang sa pagtatala ng alam sistematikong
mag-aaral hinggil pagsasagawa ng ng mga bata. (2)G- paraan sa
sa paksa AGSN? Gustong Malaman- paggamit ng
pagtatala ng mga estratrehiyang
tanong sa isipan AGSN at ito ay A
ng mga mag-aaral para sa alam ng
na gusto nilang mga bata, G para
bigyan ng gustong malaman
kasagutan. (3) S- ng mga bata, S
Saan malalaman- para naman sa
Pagtalakay sa saan nila
paksa kung saan malalaman ang
nila matatagpuan kasagutan sa
ang kasagutan sa kanilang
kanilang mga katanungan at N
katanungan. (4) N- para sa natutunan
natutunan- nila sa kanilang
Palalagom ng mga talakayan.
impormasyong
kanilang natutunan
at kasagutan sa
kanilang gustong
mlaman.
2.Ang AGSN ay
isang estratehiya Anong mga paksa AGSN ay maaaring Natutunan ko na
pampagtuturo na ang binabagayan gamitin sa malaking tulong
makakatulong sa ng estratehiyang pagtalakay ng mga ang estratihiyang
guro na sukatin AGSN? akdang AGSN sa pagtuturo
ang kasanayan at pampanitikan at ng wika at
interes ng mag- maari rin sa panitikan upang
aaral. pagtalakay ng mapagsanib ng
konseptong guro ang dating
pangwika. kaalaman sa
bagong kaalamang
ituturo sa bata.

3. Tinutulungan
ng gawaing ito Paano ito Nakakatulong ito Malaking
ang guro at mag- nakakatulong sa sa sa pagtuturo at pakinabang ang
aaral na pagtuturo at pagkatuto estratehiyang
magkaroon ng pagkatuto? sapagkat AGSN sa pagtuturo
sapat na gabay sa binibigyan nito ng at pagkatuto
kung ano at gabay ang guro at upang maging
paano ituturo ang mag-aaral sa tulay sa dating
isang aralin/paksa patungo sa kaalaman patungo
gamit ang dating pagtamo ng sa bagong
kaalaman ng layunin. karagdagang
bata. kaalaman at
nagiging gabay din
sa guro at bata
para sa
ikakatagumpay ng
layunin sa isang
aralin.

D. Gumawa ng isang halimbawa ng pagsasanay sa wika na ginagamitan ng


palatandaang konpigurasyon ( configuration clue).

Gawain:

Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng mga salita sa unahan. Bilugan ang tamang sagot.

1. Maganda - mahalimuyak marikit malinis


2. Banyaga - dayuhan bansa kakaiba
3. Balat-sibuyas - masayahin maputi iyakin
4. Buto’t balat - matigas manipis payat na payat
5. Maralita - malamig mahirap mataas

You might also like