Random Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso

Pandamdamin:
Naipapamalas ang pagsasaalang-alang sa hinaharap kaugnay ng pagpaplano ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Gawain: Pagbuo ng Kontrata
Panuto: Bumuo ng isang kontrata tungkol sa pagpapaunlad ng iyong mga personal na salik
gamit ang halimbawang ibibigay ng guro. Punan ang mga patlang at ilagay ito sa isang papel.

Sarbey Tungkol sa Gawain


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin ang antas ng iyong pagsang-ayon o
hindi pagsang-ayon sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () angkop na kahon.
Gabay:
5 – Lubhang Sang-Ayon
4 – Sang-Ayon
3 – Walang Pinapanigan
2 – Hindi Sang-Ayon
1 – Lubhang Hindi Sang-Ayon

5 4 3 2 1
1. Ang aking talento at kakayahan ay makatutulong sa
pagkakamit ng mithiin.
2. Kaya kong isakatuparan ang aking mga itinakda sa kontrata.

3. Ako at wala ng iba ang magdidikta ng aking pangarap.


4. Tanging talento at kakayahan lamang ang magdudulot ng
tagumpay.
5. Ang pagbuo ng isang kontrata ay masisigurado ang pagiging
tapat at paninindigan ko sa aking mga layunin.
Gawain: Think-Pair-Share!
Panuto: Basahin ang talata. Pumili ng isang kaklase at sagutin ang katanungan sa dulo ng
sitwasyon. Magpalitan ng ideya patungkol sa binasa at ibahagi ang sintesis nito sa harap ng
klase.
Mula pa pagkabata ay ninanais na ni Rosa na maging pintor. Pinaplano niyang mag-aral sa
isang pribadong unibersidad na may espesiyalisasyon sa kursong Fine Arts, ngunit malaking
bayarin ang kakailanganin para dito. Batid niya ang problemang pinansyal na daranasin ng
kanilang pamilya sa kabila ng pagsuporta ng mga ito sa kaniyang pangarap. Bilang panganay,
kailangan niyang isaalang-alang ang hinaharap ng kaniyang sarili at ng pamilya. Ano ang
dapat na maging desisyon ni Rosa?

Batayan sa Pakikibahagi (Involvement)


Pangalan: Paksa:
Petsa:
Pamantayan Marka
Aktibong nagbabahagi ng sariling argumento. Taimtim na nakikinig sa
tugon ng kaklase. Positibong tinatanggap at tinutugunan ang bawat
5
opinyon sa kasiya-siyang paraan. Mahusay na nagpapamalas ng
positibong postura sa pakikipag-usap.

Nagbabahagi ng sariling argumento. Nakikinig sa tugon ng kaklase.


Tinatanggap sa maayos na paraan ang bawat tugon ngunit minsa’y hindi 4
natutugunan. Angkop ang paraan ng pakikipag-usap.

Nagbabahagi ng sariling argumento sa tuwing tinatanong. Madalas


nalilingat ang atensyon. Kailangang paalalahanan na magpokus sa 3
gawain. Angkop ngunit hindi madalas na nakikipag-usap.

Nagbahagi ng sariling argumento sa simula lamang. Wala sa gawain ang


atensyon. Madalas na pinapaalalahanan na magpokus sa gawain. 2
Malimit makipag-usap.
Hindi nakibahagi sa gawain. 1

You might also like