AP 9 - Ekonomiks - Q1 - LM2 - Kakulangan at Kakapusan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Ekonomiks:

Kakulangan at Kakapusan
Araling Panlipunan 9
Unang Kwarter
Aralin 2
Kahulugan ng Kakapusan
• Ito ay tumutukoy sa di-kasapatan ng
mga produkto at serbisyo na
tugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
• Ito ang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman upang
mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Pinaniniwalaan na ang bawat
ekonomiya ay nakakaranas ng
kakapusan sa pinagkukunang-
yaman.
Uri ng Kakapusan Ayon sa Kalagayan
Uri ng Kakapusan Ayon sa Kalutasan Nito
Mga dahilan sa pagtindi ng suliranin sa
kakapusan
1. Paglaki ng populasyon ng bansa
2. Pagkasira ng mga pinagkukunang-yaman dahil sa mga natural na
kalamidad at pagbabago ng panahon
3. Pang-aabuso at pag-aaksaya ng mga tao sa pinag-kukunang yaman
o resorses
4. Maling prayoridad at patakaran sa paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman
Paglaki ng Populasyon
• Ayon sa Malthusian Theory ni
Thomas Maltus, napakabilis ng
pagdami ng tao ngunit ang
suplay ng pagkain ay mabagal.
• Dahil dito, ang lumalaking
pangangailangan at kagustuhan
ng tao ay hindi kayang tugunan
ng resorses o pinagkukunang-
yaman na nagbubunga ng
suliranin sa bansa.
Pagkasira ng mga pinagkukunang-yaman dahil sa
mga natural na kalamidad at pagbabago ng
panahon
• Ang mga natural na kalamidad ay hindi kontrolado ng mga tao dahil
ito ay mga natural na penomena sa mundo.
• Minsan, ito ay nakadudulot ng hindi maganda sa kabuhayan ng mga
tao kapag nasisira nito ang mga likas na yaman.
Pang-aabuso at pag-aaksaya ng mga tao sa
pinag-kukunang yaman o resorses
• Dahil sa ilang mga pang-aabuso at aksyon ng tao, nababawasan o
nasisira din ang mga limitadong resorses ng mundo.
• Ilan sa mga gawaing ito ay sobrang pamumutol ng puno, quarrying,
pagpapatag ng kabundukan, pagtatapon ng dumi sa mga katubigan, at
mga usok na nagmumula sa mga pabrika, sasakyan, at marami pang
iba.
Maling prayoridad at patakaran sa paggamit
ng mga pinagkukunang-yaman
• Ang mga batas tungkol sa pangangalaga ng likas na yaman ay hindi
nabibigyan ng sapat na aksiyon ng pamahalaan.
Mga Palatandaan ng Kakapusan
1. Mataas ang presyo ng bilihin particular ang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng bigas, asukal, kape, langis, at harina.
2. Mahaba ang pila sa mga pamilihan ngunit walang mabili na mga
produkto at serbisyo.
3. Dumarami ang nagugutom, nagkakasakit, at naghihirap sa bansa.
4. Ang pamahalaan ay walang ginawa kundi umangkat ng umangkat ng
produkto kahit na wala na silang sapat na badyet para dito.
5. Ang pangunahing bilihin ay inirarasyon na lamang ng pamahalaan dahil
walang mabili sa mga pamilihan.
6. Tumataas ang kriminalidad sa bansa. Dumarami ang mga kumakapit sa
patalim mabuhay lamang ang pamilya at sarili.
7. Nangingibangbansa ang mga manggagawa.
Kahulugan ng Kakulangan
• Ito ay tumutukoy sa panandaliang di-kasapatan ng mga
pinagkukunang yaman na maaaring masolusyunan sa madaling
panahon.
Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng Kakulangan
1. Mabagal na produksiyon
2. Hoarding
3. Panic buying
4. Pagkakaroon ng monopolyo o pagkontrol ng isang tao sa bahay-
kalakal o Negosyo
5. Pagkakaroon ng kartel o ilang mga pangkat na kumukontrol sa
pamilihan ng dami at presyo ng mga bilihin
Mabagal na produksiyon
• Dahil sa mabagal na produksiyon ng mga produkto, hindi ito
sumasapat sa demand ng nakararami.
• Kung magdadagdag ng mga manggagawa at mga makabagong
makinarya, mas mapapagaan at mapapadali ang paggawa ng mga
produkto.
Hoarding
• Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng mga produkto ng mga prodyuser
upang tumaas ang presyo sa pamilihan.
• Dahil sa pagtatago ng ilang mga prodyuser na nagsasabwatan,
nagkakaroon ng “artipisyal na kakulangan” sa pamilihan na
nagdudulot ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Panic buying
• Ito ang pagbili ng labis sa pangangailangan dulot ng pangamba sa
maaaring maging epekto ng mga kaganapan sa bansa.
• Dahil sa ginagawang pagbili ng sobra sa kanilang pangangailangan,
nagdudulot ito ng consumer hoarding kaya ang mga produkto sa
pamilihan ay nagkukulang.
Pagkakaroon ng monopolyo o pagkontrol ng
isang tao sa bahay-kalakal o Negosyo
• Ang pagkakaroon ng monopoly sa mga produkto at serbisyo ay
maaaring maging dahilan ng pananamantala ng isang negosyante
dahil siya lamang ang nagtitinda sa pamilihan.
Pagkakaroon ng kartel o ilang mga pangkat na
kumukontrol sa pamilihan ng dami at presyo ng
mga bilihin
• Ang mga monopolista at kartel ang nagsasagawa ng hoarding ng mga
prdoukto upang hintayin ang pagtaas ng presyo nito para sa ikalalaki
ng kanilang mga kita.
Paraan ng Pagtugon/kalutasan ng Kakapusan
at Kakulangan sa Pamilihan
• Pangangalaga sa kalikasan
• Pagkakaroon ng pagmamalasakit
• Pakikiisa sa pagtitipid
• Disiplina sa lahat ng pagkakataon
• Pagkakaroon ng matalinong pagpili
Matalinong Pagpili
• Hindi maiiwasan sa buhay ng tao na magdesisyon kung ano ba ang
dapat bigyan ng prayoridad.
• Hindi lahat ay may badyet upang tugunan ang kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
• Dahil kapos ang pinagkukunang yaman, kailangan ng matalinong
pagpili.
• Sa bawat pagpili at pagpapasiya kailangan isipin ang mga
kahihinatnan nito.
Matalinong Pagpili

Opportunity Cost – ito ay tumutukoy sa alternatibong isinuko mo sa


iyong pagpili. Ito ang pakinabang na tinalikuran mo sa iyong pagpili.

Trade Off – Ito ang palitan na may kasamang kompromiso. Ito ay isang
sitwasyon na handa kang magkompromiso sa pamamagitan ng
pagsasakripisyo ng isa para sa iba.
Halimbawa
• Ang lupaing agrikultural, sa halip na patayuan ng bahay, mas
pinaunlad pa ng pamahalaan ang lupa sa pamamagitan ng paglalagay
ng irigasyon, mamahagi ng punla sa mga magsasaka, at pgbibigay ng
libreng seminar.
• Opportunity Cost – Ito ay ang halaga ng dapat na kikitain ng
pamahalaan kung sakaling ginawa nitong lupang residensyal ang
lupang agrikultural.
• Trade Off – Ito ay ang pagpili na panatilihin ang lupa na gawing lupang
agrikultural at paunlarin pa ito kasabay ng pagsasakripisyo sa maaari
sanang kitain kung ito ay gagawing lupang residensyal.

You might also like