Professional Documents
Culture Documents
Filipino Notes-Week 1-8
Filipino Notes-Week 1-8
PAGBASA
– isa sa limang (5) makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsusulat, pagsasalita, pag-unawa)
– isang gawaing nangangailangan ng sapat na kasanayan
Ayon kina Ancheta et al. (2015)
– nalilinang pagkatapos magkaroon ng kakayahan sa pakikinig at pagsasalita
– pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo
– proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ipahayag ng manunulat sa kanyang mga
mambabasa
Mula naman sa Matilla et al. (2015)
– makapagbubukas ng daan sa lahat ng katarungan at disiplina
– nagbibigay ng lubos na kasiyahan at kaluwalhatian sa buhay
– nagig ing ganap ang pagkatao
– nagig ing sapat ang kaalaman at kasiglahan
– gawaing nagpapaunlad sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang
kinabibilangan
Mula pa rin sa Ancheta et al. (2015)
– isang kompleks na kognitibong proseso ng pagdedekowd ng mga simbolo
– isang mahalagang kasanayan na kinasasangkutan ng pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo,
pag-unawa, katatasan, at motibasyon
– isang laro ng panghuhula o psycholinguistic guessing game
– ang estratehiya sa pagpoproseso ng impormasyon sa pagbasa ay may kaugnayan sa
kakayahang pangkaisipan at dating kaalaman ng mambabasa
KATANGIAN NG PAGBASA
ISANG KOMPLEKS NA PROSESO
• Hindi ito kinasasangkutan lamang ng kakayahang maunawaan ang mga salitang nakapaloob
sa teksto kundi maging ang kontekstong kinapapalooban ng teksto, ng manunulat, at ng
mismong mambabasa
ISANG TWO-WAY NA PROSESO
• Bagama’t hindi harapan, tila nag-uusap ang mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng
teksto at ang mambabasa ang bumubuo ng kanyang sariling interpretasyon ng akda.
ISANG PROSESONG BISWAL
• Hindi maipagkakaila na kapag sinabing pagbasa,
unang pumapasok sa isipan ay ang “pagtingin” sa HALAGA NG PAGBASA
isang teksto. Ang laki o liit ng aklat, kapal o nipis nito, • Daan upang matuto ng wika
maging ang laki o liit ng font size ay nakaaapekto • Daan upang makipag-ugnayan
sa ating pagbasa. Sangkot ang mata sa proseso ng • Daan ng pagbabahagi ng
pagbasa kung saan sa pamamagitan ng persepsyon kaalaman
ay nakabubuo tayo ng interpretasyon ng teksto.
AKTIBONG PROSESO
• Hindi isang simpleng pagsubo, pagnguya, at paglulon ng mga kaisipang nasa teksto ang
pagbasa. Aktibong kasapi ang mambabasa dahil sa kanyang kakayahang magbigay-
interpretasyon nakasalalay ang pagbibigay-buhay sa isang teksto. Ang dating kaalaman ng
mambabasa, maging ang kanyang pagbuo ng mental na larawan ng tauhan, tagpuan, at ibang
elemento ng akda ay sa kanya nakasalalay.
Hakbang ng Pagbasa
PERSEPSYON O PAGKILALA
– kinikilala ang mga simbolong nakalimbag
– kailangang alam ng mambabasa ang wikang ginamit sa tekstong babasahin na magsisimula sa
pagkilala ng mga simbolong ginamit
KOMPREHENSYON O PAG-UNAWA
– pag-unawa sa mga mensahe o kaisipang inihahatid ng mga simbolo
– nasusukat ang kakayahan ng isang mambabasa sa wika dahil maaaring alam niya ang wika
ngunit hindi niya lubusang maunawaan ang teksto dahil ang antas ng wikang ginamit ay
mataas para sa kanyang personal na antas
REAKSYON
– paglalapat ng hatol at pagpapahalaga sa mga kaisipang inilahad ng awtor
– ang kakayahang umunawa ay naisasabuhay sa pagbigay ng makabuluhang reaksyon kaugnay
ng ating naunawaan sa tekstong binasa
I NTEGRASYON O ASIMILASYON
– pag-uugnay ng mga bago at dati ng kaalaman at karanasan ng mambabasa
– mayroong mga akdang mag-iiwan ng malalim na tatak sa ating isipan at maaaring dumating
ang panahong maisasabuhay natin ang mga aral na ating natutunan mula sa mga ito
2 URI NG PAGBASA
Masusing Pagbasa Masaklaw na Pagbasa
– maingat at puspusang pag-unawa sa isang – karaniwang itinatakda nang maaga at
teksto ginagawa sa labas ng isang silid-aralan
– maaaring bahagi ng maikling kwento, tula, – maaring buong kwento, nobela, o dula na
isang kabanata ng nobela, at iba pang akda nakatuon ang pag-unawa sa mga tauhan
at nauukol sa mapanuring pag-aaral sa at pangyayari sa halip na mga detalye
nilalaman at kayarian ng teksto
MGA PARAAN NG PAGBASA
Tahimik na Pagbasa (Silent Reading)
– mata lamang ang ginagamit at walang tunog o pagsasalitang ginagawa
– hig it na ginagamit sa pagpapaunlad ng kakayahang bumasa
Pasalitang Pagbasa (Oral Reading)
– gumagamit din ng bibig—bukod pa sa mga mata, kaya naman may tunog at pagsasalitang
nagaganap
– karaniwang ginagamit ng mga nag-aaral pa lamang bumasa
TEKSTONG PROSIDYURAL
– isang tekstong naglalayong ilahad ang mga hakbang kaugnay ng pagsasagawa ng isang bagay
– kalakip din nito ang pagpapaliwanag kung paano gumagana ang mga bagay
– kinapapalooban ng mga pahayag na malinaw na nagpapaliwanag ng isang proseso na isinaayos
nang sunod-sunod at nararapat na sundin upang matiyak ang kawastuhan ng gawain
KATANGIAN NG TEKSTO
• Nagsasalamin ng pananaw ng mismong naglalarawan
• Kakikitaan ng kakayahang pangwika ng manunulat—kung paano nilapatan ng salita ang
mga inilalarawan, tao man, bagay, pook, o maging damdamin
• Gumagamit ng pang-uri at pang-abay
• Maituturing na sabjektib dahil ito ay naaayon sa pananaw ng naglalarawan
TEKSTONG NARATIBO
– uri ng tekstong nagpapahayag ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay, tinatawag ding
pagkukwento
– maaaring totoo o likhang isip
– maaaring impormatibo, mapanghikayat, o nakaaaliw ang salaysay
SANGKAP NG TEKSTONG NARATIBO
TAUHAN
• Tao man o hindi, sila ang nagbibigay buhay sa kwento. Sila ang nagpapausad ng kwento
TAGPUAN
• Nagaganap ang salaysay sa isang partikular na pook sa isang partikular na panahon
TUNGGALIAN
• Ito ang nagbibigay ng kapanabikan ng isang salaysay kung saan maaaring tao laban sa
tao, tao laban sa kalikasan, o tao laban sa mismong sarili kung saan madadala sa isang
kasukdulan tungo sa pagkakaroon ng kasagutan sa mga naging suliranin
PUNTO DE BISTA
• Ang bawat kwento ay may tagapagsalaysay at sa kabuuan ng kwento, dapat ay
magmumula ito sa i sang punto de bista lamang
BANGHAY
• Ito ang maituturing na kalansay ng kwento. Maaaring magkakatulad ng banghay ngunit
mag-iiba ang kwento. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang daloy ng kwento
• Halimbawa: Karaniwang banghay ng kwentong pag-ibig: May 2 nilalang na magkakakilala,
magkakaibigan, maghihiwalay, ngunit mananaig ang tunay na pag-iibigan sa pagwawakas
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
– makatwiran at lohikal na paraan ng paglalahad
– paninindigan ang kanyang panig, paniniwala, at kongklusyon kaugnay ng isang isyu