Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1/14/2023

FILIPINO
Christine Vibe C. Arsenio Grade 8 STE- A

Pagmamahal ng Pamilya
Isinilang ako sa isang nayon na payak ang uri ng pamumuhay. Ang aming pamilya
ay tahimik, nagtutulungan, at nagmamahalan. Nagbubukang-liwayway pa lamang ay
gumigising na ang aking ama. Inihanda n anito ang kagamitan sa pagtratrabo. Si Inay
naman ay walang sawang nagsisinop ng tahanan at pumapatnubay sa amin, sila ang
inspirasyon ko, gumagabay at sumosupurta sa akin. Kami ay nagtutulungan, nagtitiyaga
upnag umunlad ang aming pamilya. Sila din ang lagging nasa tabi ko kapag may
problema ako. Mahal ko sila dahil sila ang nag-aalga, at nag palak isa akin, kaya narito
ako ngayon, Maganda ang buhay, nakakapag-aral ng Mabuti, Kaya mahal ko sila.
Sa isang simpleng pamilya ko natutuhan na kailangan ang pagmamahalan at
pagtutulungan ng bawat isa. Sa gayon ay lumaki kaming may pagkalinga sa kapuwa. Sa
aking mga magulang ay Nakita at nadama ko ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng
magulang sa pamilya. Ginagawa nila ang tungkulin ng makapag-aral kaming lahat sa
gitna ng aming kahirapan sapagkat mahalaga sa kanila ang aming magandang
kinabukasan na makakamit lamang sa pamamagitan ng edukasyon.
Bilang mga anak, tinitiyak naming na hindi na hindi sila bigyan ng sama ng loob.
Tumutulong at gumagawa kami ng gawaing-bahay upang makagaan sa Gawain ni Nanay.
Sa aking karanasan sa aming pamilya, masasabi kong masuwerte ako sa pagkakaroon ng
magulang na tulad nila.
Naniniwala akong walang magulang na magnanais na mapasama ang anak, bagkus ay
hangad pa nga nila na maipagkaloob ang lahat na makabubuti sa pamilya. Walang
hinihintay na kabayaran ang magulang sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin.
Alam ko na sapat na sa kanila ang makatapos kami ng pag-aaral, maging matapat,
masunurin, mapagmahal sa kapuwa, matulungin, at higit sa lahat may takot sa Diyos at
may matibay na pananampalataya sa kaniya, kaya mahal na mahal ko ng sobra ang aking
pamilya.

You might also like