IKALAWANG-MARKAHAN-EXAM Sa AP8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE
Bagong Silang II National High School
Labo, Camarines Norte

Ikalawang Markahan
Araling Panlipunan VIII

Pangalan:________________________Baiting/Seksyon___________Petsa:______
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel. (1/2 lengthwise)
1. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na kaluluwa ng kultura at batayan din
sa pagpapangkat ng tao sa daigdig?
a. Relihiyon b. Wika c. Lahi d. Pangkat
2. Ilang language Family mayroon sa buong daigdig?
a.134 b. 132 c. 138 d. 136
3. Ano ang tawag sa uri ng heograpiya na sumasaklaw sa pag-aaral ngwika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig?
a. Heograpiyang Pisikal c. Heograpiyang Pantubig
b. Heograpyang Pantao d. Heograpiyang Pangkaugalian
4. Sa anong pamilya ng wika nabilang ang wikang ginagamit ng pilipinas?
a. Afro-asiatic c. Astronesian
b. Indo-European d. Niger-Congo
5. Ilang buhay na wika mayroon sa buong daigdig?
a. 7, 105 b. 7,106 c. 7, 108 d. 7,150
6. Alin sa mga sumusunod ang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang
pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o
Diyos?
a. Ritwal b. Tradisyon c. Kultura d. Relihiyon
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
a. Upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa iba’t-ibang pangkat ng tao
b. Upang makilala ang iba’t ibang paniniwala, kultura, relihiyon at wika ng iba’t
ibang lahi ng tao
c. Upang mabigyan ng pagpapahalaga ang kultura, paniniwala at wika ng bawat
isa sa iba’t ibang panig ng daigdig tungo sa pag-unlad
d. Upang gamitin ang mga paniniwala at kultura tungo sa pagkakaisa
8. Sa anong panahon nabuo ang mga tao?
a. Old stone age b. Zenozoey c. Modern age d. Taglamig
9. Ano ang tawag sa mga ninuno ng mga Homo Sapiens?
a. Hominid b. Homo Species c. Homo Erectus d. Wala sa nabanggit
10. Anong homo species ang unang nakagawa at nakagamit ng mga kagamitan na
yari sa magagaspang na bato at sila rin ang tinaguriang handy man?
a. Homo Erectus b. Homo Sapiens c. Homo Habilis d. Homonid
11. Ito ay tumutukoy sa uri ng homo species na nagtataglay ng mga katangian na
nahahawig na sa tao. Sila ay nakakatayo na ng tuwid, nakagagamit ng apoy,
nangangaso at nagingisda. Anong homo species ito?
a. Hominid b. Homo Habilis c. Homo Sapiens d. Homo Erectus
12. Ang mga______ ay pangkat ng mga tao at uri ng homo species na nagtataglay
ng malaking utak. Sila ang itinuturing na pinakamatalino sa lahat ng homo species.
a. Homo Erectus b. Java Man c. Homo Sapiens d. Peking Man
13. Sino sa mga sumusunod ang halimbawa ng Homo Sapiens?
a. Yu b. Cromagnon c. Charles Darwin d. Hammurabi
14. Sa panahong ito natuklasan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng apoy at ang
kanilang kagamitan ay gawa sa magagaspang na bato.
a. Panahong Paleolitiko c. Panahong Mesolitiko
b. Panahong Neolitiko d. Panahong Metal
15. Ano ang kahulugan ng salitang nomadiko?
a. May permanenting tirahan c. Walang matirahan
b. Palipat lipat ng tirahan d. Wala sa nabanggit
16. Sa panahong ito nagkaroon ng rebolusyon sa pagsasaka at ang tao ay nagkaroon
na ng permanenting tahanan.
a. Panahong Mesolitiko c. Panahong Neolitiko
b. Panahong Metal d. Panahong Paleolitiko
17. Sa panahong ito ang mga sinaunang tao ay walang permanenting tirahan at ang
pangunahing ikinabubuhay ay pangangaso.
a. Panahong Paleolitiko c. Panahong Mesolitiko
b. Panahong Neolitiko d. Panahong Metal
18. Sa anong panahon natuto ang mga taong magpanday at gumawa ng mga
kagamitang yar isa tanso at bakal?
a. Panahong Mesolitiko c. Panahong Metal
b. Panahong Neolitiko d. Panahong Paleolitiko
19. Ano ang scientific name ng homo erectus na Java man?
a. Pitercanthropus Pikeninses c. Sinanthropus Erectus
b. Pithecanthropus Erectus d. Sinanthropus Pekinensis
20. Paano naging mahalaga ang papel ng pag-aaral ng iba’t ibang panahon o yugto
ng pag-unlad sa kasalukuyang panahon?
a. Sapamamagitan ng pagpapakita ng kaganapan sa sinaunang panahon
b. Sapamamagitan ng pagiging bukas ng isip ng mga kabataan sa nakaraang
panahon na naagin daan upang sila ay magkaroon ng interes na pag-aralan ang
kasaysayan
c. Sapamamagitan ng pagpapakita ng mga pagbabago sa pag unlad ng karunungan
ng tao na naging daan sa pagpapahalaga ng kasalukuyang pamumuhay ng tao.
d. Lahat ng nabanggit
21. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang cradle of civilization?
a. Sumer b. Akkadian c. Mesopotamia d. Indus
22. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahabang ilog sa buong daigdig?
a. Ilog Tigris b. Huang ho river c. Euphrates d. Ilog Nile
23. Anong kabihasnan ang nabuo sa timog asya?
a. Kabihasnang Shang c. Kabihasnang Indus
b. Kabihasnang Sumer d. Kabihasnang Mesoamerica
24. Sino ang namuno sa kabihasnang shang o kabihasnang tsino na nakatuklas ng
paraan upang makontrol ang pagapaw ng tubig sa yellow river?
a. Shi Huang Ti b. Yu c. Xia d. Zeng
25. Alin sa mga ssumusunod ang tinaguriang banal na ilog?
a. Ilog Ganges b. Ilog Nile c. Ilog Indus d. Ilog Huang Ho
26. Siya ang nagtatag ng unang aklatan na mayroong 200,000 tableta??
a. Nebuchadnezzar II b. Ashurbanipal c. Hammurabi d. Nebopolassar
27. Alin sa mga sumusunod ang dalawang mahalagang lungsod sa kabihasnang
Indus?
a. Hindi at Bengali c. Sama Veda at Veda
b. Harrapa at Mohenjo-Daro d. Vedic at Atharva
28. Ano ang tawag sa tao na nagtatala ng mahahalagang pangyayari sa clay tablet?
a. Artisano b. Artista c. maghahabi d. scribe
29. Ilang batas ang nakapaloob sa code of Hammurabi?
a. 280 b. 283 c. 282 d. 286
30. Ang Templong ito ay naitatag ng mga Sumerian bunga ng kanilang pinagsanib na
paniniwala. Ito ay pinanahanan ng mga patron at diyus-dyusan na sinasamba ng mga
tao sa lungsod.
a. Ziggurat b.Taj Mahal c. Pyramid d. Lahat ng nabanggit
31. Alin sa mga sumusunod ang Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?
a. Calligraphy b. Pictogram c. Alibata d. Cuneiform
32. Alin sa mga sumusunod ang umusbong na kaisipan sa panahon ng kabihasnang
shang na humubog sa kamalaan ng mga Tsino?
a. Hinduism b. Indoism c. Confucianism d. Monotheism
33. Sino sa mga sumusunod ang nagtatag ng Hanging Gardens of Babylon para ssa
kanyang asawang may sakt sa isip?
a. Haring Sargon I b. Hammurabi c. Cyrus the great d. Nebuchadnezzar
34. Siya ang nagtatag ng unang imperyo at nagpalawak ng teritoryo ng mga
Akkadian.
a. Haring Sargon I b. Hammurabi c. Cyrus the great d. Nebuchadnezzar
35. Alin sa mga sumusunod ang isang maliit na yunit pampolitika sa Greece na
tinatawag ding lungsod estado at sa kasalukuyang panahon ang katumbas ay
Barangay?
a. Acropolis b. Polis c. Agora d. Metropolis
36. Ito ay nangangahulugang pamilihan at matatagpuan sa ibabang bahagi ng
acropolis.
a. Mosaic b. Acropolis c. Polis d. Agora
37. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa templo o gusaling pampubliko na
matatagpuan sa itaas ng lungsod?
a. Zigurrat b. Acropolis c. Polis d. Agora
38. Ang ______at_______ ang mga politiko sa panahon ng klasikal na europe na
nagdedesisyon sa anumang kaso na may kinalaman sa isang pamilya o angkan.
a. Hari at sanggunian c. periosi at helot
b. Helot at Sanggunian d. Sanggunian at kapulungan
39. Ano ang tawag sa sandatahang lakas ng polis na binubuo ng mga ordinaryong
tao?
a. Spartiate b. Hoplite c. Hittite d. Dravidian
40. Ito ang stratehiya ng mga griyego sa pakikipagdigma na kinatatakutan ng
marami. Dikit-dikit ang mga nakahilerang sundalo at ang kanilang depensa ay ang
pansalag na nasa unahan habang ang opensa a ang mga sibat na nanggaagaling sa
likurang bahagi. Ano ang tawag sa stratehiyang ito?
a. Phalanx b. V-style c. Sun Tzu d. Wala sa nabanggit
41. Saang bahagi ng Greece matatagpuan ang Athens?
a. Hilagang-Silangan b. Timog-Kanluran c. Timog Silangan d. Kanluran
42. Alin sa mga sumusunod ang lahi ng mga mananakop na matatagpuan sa Asia
Minor sa bahagi ng Turkey o yung tinatawag na Anatolia noon. Sinasabing ang
Athens ay payapang nasakop ng mga ito.
a. Dravidian b. Ionian c. Spartans d. Aryanan
43. Ito ay Sistema ng pamahalaan sa Athens kung saan ang mga tao ay may
kalayaang pumili ng kanilang pinuno sa kaniang lugar o kabihasnan.
a. Monarkiya b. Aristokrasya c. Demokrasya d. Oligarkiya
44. Ang Sistema ng pamahalaan sa Greece ay hindi patas at may kinikilingan sa
pagitan ng babae at lalaki sapagkat_________.
a. Parehas ang pagtingin sa pagitan ng dalawang kasarian
b. Lalaki lang ang may Karapatan na makilahok sa pagdedesisyon sa usapin sa
lipunan
c. Ang mga babae at lalaki ay parehas na gumagawa sa bahay
d. Walang karapatanang mga babae sa kahit anumang aspeto
45. Ano ang tawag sa opisyal na namamagitan sa alitan ng mga mahihirap at
mayayaman? Ang pagkakaroon ng ganitong posisyon ang syang naging paraan upang
masolusyunan ang alitan at maiwasan ang pag-aaklas ng mga mahihirap.
a. Archon b. Prime Minister c. Sanggunian d. Alcaldeza
46. Siya ang isa sa mga unang lider ng Athens na ang nagging stratehiya ang kunin
ang mga lupain ng mga mahatlika at ipamahagi sa mahihirap na magsasakang
walang lupa.
a. Cleisthenis b. Draco c. Solon d. Pisistratus
47. Siya ang nag ayos ng sigalot sa dept slavery at nagtatag ng council of the four
hundred.
a.Cleisthenis b. Solon c. Pisistratus d. Draco
48. Siya ang unang lider na tumutol sa pagpapangkat pangkat ng tao ayon sa
kayamanan. Pagkatapos ay hinati ang Athens sa sampung tribo at bawat isang tribo
ay may pinuno.
a. Draco b. Solon c. Cleisthenis d. Pisistratus
II. Isulat ang sagot sa tanong sa natitirang espasyo ng iyong sagutang papel.
49. Ano sa iyong palagay ang mahalagang dulot ng pag-aaral ng mga kabihasnan
daigdig? (5 puntos)
50. Pumili ng isa sa mga unang lider ng Athens na nagustuhan mo ang estratehiya ng
pamamahala. Ipaliwanag kung bakit siya ang iyong napili. Ilahad din kung ano pa ang
inaasahan mong pwede pa niyang magawa. (5puntos)
*Iwasan ang pangongopya. Masayang magtagumpay sa sariling pagsisikap at hindi bunga ng
pandaraya lamang*

You might also like