FIL 2. Prelims CIP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

University of Santo Tomas Academic Year/Term: 2020-2021/ Second Term

España, Manila 1015,


PHILIPPINES

COURSE INQUIRY PROJECT SHEET

Department Filipino
Course Title Panimulang Pagsasalin
Date Assigned Agosto 12, 2022 (1st half)
Period of
Preliminaryong Markahan
Assignment
Title of IP Paghahanda ng Salin
Makapaghanda sa matagumpay na pagsasalin ng isang
Purpose of IP tekstong teknikal/siyentipiko

Units of Coverage Yunit I-III

Nature of ▪ Pananaliksik
Concepts and Skills
Inquiry Project ▪ Mapanuring pag-iisip at akademikong pagsulat
Application
IP Involvement ❑ Individual ❑ Pair ✓ Team
Date of Submission Setyembre 10, 2022
✓ Servant Leadership
✓ Effective Communication and Collaboration
ThoGA Alignment
✓ Analytical and Creative Thinking
✓ Lifelong Learning
1. Nasusuri ang mga katangian ng isang mahusay at etikal na
tagasalin;

CILO Alignment 2. Nasusuri ang kalikasán ng simulaang teksto (ST);

3. Nakapagsasalin ng isang tekstong disiplinal salig sa angkop


na teorya at tamang proseso.

Ang pagsasalin ay hindi lámang simpleng pagtutumbas ng mga salita mula SL tungong TL.
Ito ay isang sistematikong prosesong kinapapalooban ng paghahanda, aktuwal na
pagsasalin, at ebalwasyon ng salin. Nakatuon ang CIP na ito sa unang hakbang – ang
paghahanda sa pagsasalin. Matapos makapili ng tekstong teknikal/siyentipiko, ihahanda ang
Context mga estudyante sa matagumpay nitong pagsasalin sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng
simulaang teksto (ST), pagbása sa ST, pagsusuri at interpretasyon ng ST, pagsasaliksik
tungkol sa ST at sa awtor nito, pagtukoy sa layon ng ST, pagkilála sa pinag-uukulan ng salin,
at pagtukoy sa gagamiting teorya sa pagsasalin.

Project Dokumentasyon ng paghahanda sa pagsasalin ng isang tekstong teknikal/siyentipiko


Summary
Audience Ang target audience ng simulaang teksto
1. Anyo: Mapanuring mga sanaysay
2. Panahon: Unang 4 na linggo ng klase
3. Tuon: Paghahanda sa pagsasalin ng isang tekstong teknikal/siyentipiko na
makabuluhan sa larang
4. Integrasyon sa Ibang Kurso: Nakabatay ang pagsasalin sa tiyak na disiplinang
kinabibilangan ng mga mag-aaral
5. Mga Output: Dokumentasyon ng paghahanda sa pagsasalin
6. Komunikasyon: Akademikong Filipino ang wikang gagamitin sa lahat ng mga gawain
7. Estruktura:
Guidelines
PROSESO NG PROYEKTO:
Dokumentasyon ng Paghahanda sa Pagsasalin

Bilang lagumang pagtataya ng mga aralin sa preliminaryong yugto, inaasahang mabubuo ng


mga estudyante ang unang bahagi ng kanilang salin na may dokumentasyon – ang
paghahanda sa pagsasalin. Sa puntong ito, inaasahang nakapili na ang mga mag-aaral ng
batayang tekstong isasalin na naaayon sa kanilang programa o ayon sa natural na
pagkagustong nararamdaman nila sa tekstong pinili.

____________________________________________________________________________________________________
UST Center for Innovative Teaching and Educational Delivery Course Inquiry Project (CIP) Form
Page 1 of 4
Basahin ang Aralin 3 tungkol sa Paghahanda sa Pagsasalin, gayundin ang naunang mga
aralin tungkol sa mga batayang kaalaman sa pagsasalin at pilíng mga teorya sa pagsasalin.
Gawan ng dokumentasyon ang gagawing pagsasalin ayon sa mga sumusunod:

a. Pagpili ng Simulaang Teksto

Maghanap ng tekstong nais isalin para sa CIP/assessment task. Hangga't maaari, ang
tekstong ito ay pinal at hindi na babaguhin dahil ito na ang gagawan ng dokumentasyon ng
pagsasalin sa buong termino. Sa magkakahiwalay na talata, ipaliwanag ang mga sumusunod
tungkol sa napiling teksto:

• Paano ninyo naramdaman sa teksto ang natural na pagkagusto o “natural affinity?”


• Paano ninyo masasabi na sinasalamin ng teksto ang sarili ninyong panlasa? Ipaliwanag.

b. Pagbása sa Simulaang Teksto

Basahin ang iyong napiling teksto nang paulit-ulit hanggang sa maintindihan mo ito. Sagutin
ang mga sumusunod sa anyong patalata pa rin:

• Tungkol saan ang teksto? Ano ang naintindihan ninyo rito sa pangkalahatan?
• Ano-ano ang mga teknikal na salita, malalalim na salita o iba pang salitang sa palagay
ninyo ay magiging balakid paglaon kapag nagsasalin na kayo ng teksto? Paano ninyo
hinanapan ng inisyal na katumbas ang mga ito?

c. Pagsusuri at Interpretasyon sa Simulaang Teksto

Suriin ang uri ng tekstong inyong isasalin (tandaan ang dáting talakay tungkol sa tekstong
impormatibo, ekspresibo, at operatibo). Sagutin ang mga sumusunod sa anyong patalata pa
rin:

• Anong uri ng teksto ang inyong isasalin? Paano ninyo nasabi?


• Batay sa uri ng tekstong ito, ano kaya ang inyong magiging diskarte o paraan ng
pagsasalin sa teksto? Bakit?

d. Pagsasaliksik Tungkol sa Awtor at Mismong Simulaang Teksto

Alamin ang bakgrawnd ng awtor o organisasyong pinagmulan ng ST. Kailangan itong


saliksikin. Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa pinagsama-samang anyong patalata:

• Sino ang sumulat ng teksto? / Ano ang pinagmulan ng teksto?


• Ano ang estilo sa pagsulat na nagsisilbing tatak ng awtor? / Anong uri ng organisasyon
ang pinagmulan ng teksto? Anong layunin ang tinutugunan nito?
• Kung walang masasaliksik na naunang mga pag-aaral tungkol sa estilo ng pagsulat ng
awtor, suriin ang kaniyang estilo batay sa tekstong hawak o at ilarawan ito. / Bakit inilabas
ng organisasyon ang tekstong inyong isasalin?
• Paano ninyo pananatilihin sa iyong pagsasalin ang estilo ng orihinal na awtor?

e. Pagtukoy sa Layon ng Simulaang Teksto

Tukuyin ang layon ng awtor sa pagsulat ng teksto. Para maiba ito sa c, ang ilarawan doon ay
ang kalikasán (nature) ng tekstong isasalin. Dito, ang ipaliwanag ay ang layunin (purpose) ng
awtor sa pagsulat ng teksto.

• Ano kaya ang layon ng may-akda sa pagsulat ng teksto? Paano ninyo nasabi?
• Ano ang pagkakaintindi ninyo sa layuning iyon?

f. Pagkilála sa Pinag-uukulan ng Salin

Kilalanin ang target audience na pinag-uukulan ng salin. Kailangan ito upang matukoy ang
antas ng wikang dapat gamitin sa kanila.

• Sino kaya ang pangunahing mambabasa ng teksto?


• Anong uri sila ng awdyens? Ilarawan ang kanilang bakgrawnd gaya ng antas ng pinag-
aralan o literacy, uri ng wikang gamit, etc.

g. Pagtukoy sa Teoryang Gagamitin sa Pagsasalin

Talakayin ang teoryang gagamitin ninyong batayan sa pagsasalin.

• Ano ang teoryang pinakaangkop gamítin sa gagawin ninyong pagsasalin? Ano-ano ang
mga pangunahing probisyon nito?
• Bakit ito ang napili ninyong teorya?

____________________________________________________________________________________________________
UST Center for Innovative Teaching and Educational Delivery Course Inquiry Project (CIP) Form
Page 2 of 4
Ilagay ang mga sanaysay na nagpapaliwanag ng mga hakbang sa paghahanda sa pagsasalin
sa anyo ng Google document na may format na Calibri, 11, justified alignment, single-spaced,
at 1-puntong palugit sa lahat ng panig. Ibigay ang link ng shared document sa guro.

Rubrics sa Dokumentasyon ng Paghahanda sa Pagsasalin

Pamantayan 4 – Napakahusay 3 – Mahusay 2 – Katamtaman 1 – Dapat


Pagbutihin
Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Pagpili ng ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
Simulaang naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
Teksto husto sapat gaanong kulang na kulang
x2 naipaliwanag sa paliwanag

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Pagbása sa ST ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
x2 naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
husto sapat gaanong kulang na kulang
naipaliwanag sa paliwanag

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Pagsusuri at ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
Interpretasyon naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
sa ST husto sapat gaanong kulang na kulang
x2 naipaliwanag sa paliwanag

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Saliksik sa Awtor ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
at Mismong ST naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
x2 husto sapat gaanong kulang na kulang
naipaliwanag sa paliwanag

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Layon ng ST ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
x2 naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
husto sapat gaanong kulang na kulang
naipaliwanag sa paliwanag

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Pagkilála sa ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
Pinag-uukulan naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
ng Salin husto sapat gaanong kulang na kulang
x2 naipaliwanag sa paliwanag

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paliwanag Napakamakabuluhan Makabuluhan ang Walang gaanong Walang kabuluhan
tungkol sa ng mga kaisipang mga kaisipang kabuluhan ang mga ang mga
Pagpili ng ibinahagi at ibinahagi at kaisipang ibinahagi kaisipang
Teoryang naipaliwanag nang naipaliwanag nang at hindi din ibinahagi at
Gagamitin sa husto sapat gaanong kulang na kulang
Pagsasalin naipaliwanag sa paliwanag
x3 12 puntos 9 puntos
6 puntos 3 puntos

____________________________________________________________________________________________________
UST Center for Innovative Teaching and Educational Delivery Course Inquiry Project (CIP) Form
Page 3 of 4
Estruktura Napakalohikal ng Lohikal ang Hindi gaanong Hindi lohikal ang
x2 ugnayan ng mga ugnayan ng mga lohikal ang ugnayan ugnayan ng mga
kaisipan; napakatibay kaisipan; matibay ng mga kaisipan; kaisipan; matibay
ng ugnayan ng ang ugnayan ng matibay ang ang ugnayan ng
talataan talataan ugnayan ng talataan
talataan

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Gramatika Walang maling May iláng maling Maraming maling Napakaraming
x2 baybay, bantas, baybay, bantas, baybay, bantas, maling baybay,
kapitalisasyon, at iba kapitalisasyon, at kapitalisasyon, at bantas,
pa iba pa iba pa kapitalisasyon, at
iba pa

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos


Paggamit ng May pinagbatayang May Kulang ang Kulang na kulang
mga mayamang pinagbatayang pinagbatayang ang
Sanggunian sanggunian na maayos sapat na sanggunian; hindi pinagbatayang
x2 na natukoy sa papel sanggunian na gaanong maayos sanggunian; hindi
maayos na natukoy na natukoy sa papel maayos na
sa papel natukoy sa papel

8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos

Kabuoan: /84 puntos


Prelims PETA (40%)

MR. MON KARLO L. MANGARAN


Tagapagpadaloy ng Kurso
Lagda sa Ibabaw ng Pangalan

____________________________________________________________________________________________________
UST Center for Innovative Teaching and Educational Delivery Course Inquiry Project (CIP) Form
Page 4 of 4

You might also like