Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Filipino

Kuwarter 2 - Linggo 1
3
Pag-unawa sa Binasa at Pag-unlad ng
Bokabularyo

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 - Linggo 1: Pag-unawa sa Binasa ant Pag-unlad ng Bokabularyo
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such agency
or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Division of Malaybalay City

Development Team of the Module

Authors: Alma B. Mariñas Theresa T.N. Melendez


Editors: Armando A. Agustin Maria Luz G. Pama Vilma T. Fuentes
Valerie S. de Leon Guillerma S. Fortin Jeremy G. Lagunday
Lourdes O. Ducot Abel P. Galer Berna G. Bateriza
Leny G. Ama Zelda T. Arceno Jay Martin L. Dionaldo
Armand Anthony S. Valde Sr. Cosjulita K. Olarte Nairobi Jose B. Baja

Illustrator: Vanessa Joy D. Mirafuentes Al Francis and Ricky P. Mariñas


Layout Artist: Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:
Chairperson: Dr. Victoria V. Gazo, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Sunny Ray F. Amit


Asst. Schools Division Superintendent

Ralph T. Quirog
CES, CID

Members: Purisima J. Yap


EPS-LRMS

Maria Concepcion S. Reyes, EPS-Filipino


Jesus V. Muring, EdD. PSDS—District V

Printed in the Philippines by Department of Education


Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address: malaybalay.city@deped.gov.ph
3
Filipino
Kuwarter 2 - Linggo 1
Pag-unawa sa Binasa at Pag-unlad ng
Bokabularyo

Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri ng


mga dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling namin ang
mga guro, administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng puna,
komento at suhestiyon at ipadala o email sa malaybalay.city@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan po namin ang inyong feedback at rekomendasyon.

Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon


Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang, modyul sa Pag-


unawa sa Binasa at Pag-unlad ng Bokabularyo.
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay Lungsod ng
Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan ng mga punong-guro,
tagamasid pampook at tagamasid pansangay . Ginawa rin ito bilang tugon sa iyong
pangangailangan sa gitna ng pandemya (Covid-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Paala-ala Sa Mga Guro:


Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto ang mga
mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga mag-aaral sa paggamit nito.

Paala-ala Sa Mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan mo ang
mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot sa mga gawain
ay isulat lamang sa aktibiti notbok sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyul na maayos ayon sa petsa na napagkasunduan ng iyong
guro.
4. Kung merong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling magkonsulta
sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin
Magandang araw sa iyo! Akoy lubos na nasisiyahang ipaalam na sa
araling ito ay matututunan mo ang paggamit ng naunang kaalaman sa
pag-unawa sa nabasang teksto, paggamit ng pangngalan sa
pagsasalaysay, paggamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan
ng salita, pag-uugnay sa binasa sa sariling karanasan, pagtutukoy ng mga
bahagi ng aklat.

Subukin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ang titik ng tamang
sagot sa iyong aktibiti notbuk.
1. Ang kare-kare na niluto ni Nanay ay masarap. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang masarap?
a. mapait b. mapakla c. malinamnam d. maasim
2. Si tatay ay masipag mag-araro sa bukid. Ang salitang tatay ay pangalan ng
_________.
a. tao b. hayop c. lugar d. bagay
3. Gusto mong malaman ang pamagat ng kuwentong gusto mong basahin.
Sa anong bahagi ng aklat mo ito makikita?
a. Pabalat c. Talaan ng Nilalaman
b. Paunang Salita d. Karapatang Sipi
4. Ano ang kasalungat ng salitang malayo?
a. malaya b. malapit c. masarap d. masipag
5. Alin sa sumusunod ang pangalan ng lugar?
a. pusa b. Malaybalay c. laptop d. doktor

Unang Paggamit ng naunang kaalaman tungkol sa


Araw nabasang teksto.

Tuklasin

Upang mas maintindihan mo ang salitang baryo at lungsod, basahin


ang kuwentong “Magkaibang Mundo.”
Tuklasin at hanapin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng baryo at
lungsod.
Magkaibang Mundo
Tahimik at simple ang pamumuhay ni Nerry sa nakagisnan niyang baryo.
Kung gusto niya ng sariwang gatas, pupunta lamang ang kaniyang tatay sa
bukid upang gatasan ang kanilang mga baka. Kung gusto niya ng pinakbet,
pipitas lamang ang kaniyang nanay ng mga gulay sa kanilang bakuran
upang lutuin. Marami rin siyang kaibigan. Masaya at lagi silang sama-sama sa
pagpasok sa paaralan, sa paghahabulan sa malawak na bukirin at sa
paglalaro ng bahay-bahayan.

1
Si Trining naman ay batang nakatira sa lungsod. Sa isang mataas na
gusali nakatira si Trining at ang kaniyang pamilya. Kapag gusto niya ng gatas,
pupunta lamang ang kaniyang nanay sa groseri. Kapag gusto niyang
maglaro, sasamahan siya ng kaniyang tatay sa isang mall. Marami rin siyang
kaibigan pero hindi sila naglalaro. Sabay-sabay lamang sila sa pagpasok sa
paaralan sakay ng isang dilaw na school service.

Isang bakasyon, bumisita si Nerry sa kaniyang tiyahin na nasa lungsod.


Si Trining naman ay nagpunta sa baryo upang dalawin ang kaniyang lola. Ano
kaya ang nangyari sa kanilang bakasyon?
Ihambing natin ang baryo sa lungsod gamit ang Venn Diagram.

baryo lungsod
• tahimik •maingay
• malawak ang •makitid ang
palaruan palaruan

Suriin
Batay sa kuwentong Magkaibang Mundo, ibigay ang mga
impormasyong hinihingi at isulat ang iyong sagot sa aktibiti notbuk.
1. pangalan ng mga tauhan
2. katangian ng bawat tauhan
3. Alin ang gusto mong lugar, sa baryo o lungsod? Bakit?

Pagyamanin
Sagutin ang mga tanong mula sa kuwentong “Magkaibang
Mundo”. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong aktibiti notbuk.

1. Ano ang masasabi mo sa baryo?


a. tahimik b. magulo c. maraming gusali d. marumi

2. Ano ang masasabi mo sa lungsod?


a. tahimik b. magulo c. kakaunti ang gusali d. maaliwalas

3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


a. Sarah at Bella b. Alma at Theresa
c. Jovy at Nellie d. Trining at Nerry

4. Anong uri ng pamumuhay mayroon si Nerry?


a. magulo b. mahirap c. simple d. maingay

5. Ano ang sinasakyan ni Trining sa pagpasok sa paaralan?


a. school service b. traysikel c. bus d. motorsiklo

2
Ikalawang Paggamit ng Pangngalan sa
Araw Pagsasalaysay

Balikan
Ibigay ang kasalungat ng mga salita.

salita kasalungat
1. maingay
2. malawak
3. malayo
Tuklasin
Pag-aralan ang mga pangungusap.
1. Si Spotty ay mabait at masayahing aso.
2. Sa Casisang kami nakatira ngayon.
3. Si Gng. Cruz ang aming bagong guro.
4. May relo akong bago na binili ni nanay.
5. Sa bukid kami namamasyal ng aking kaibigan.

Ano ang tawag sa mga salitang nakasulat ng pahilig?


Suriin:
Ang mga salitang Spotty,Casisang, Gng. Cruz, relo, at bukid ay mga
pangngalan.
Ang Pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay,hayop, lugar, at pangyayari.
Halimbawa:
tao- Carl, Jessa, tatay, nanay
bagay – dyip, gulay, papel
lugar – baryo, Little Baguio, Paaralang Elementarya ng Casisang
hayop – isda, aso, pusa
pangyayari – Pasko, kaarawan, Hunyo 12
May dalawang uri ang Pangngalan
1. Pantangi – tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, kalagayan
at pangyayari; nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa:
Quezon City Nestle Fresh Milk Dr. Cruz Bagong Taon Adidas
2. Pambalana – karaniwan o balanang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook,
kalagayan, at pangyayari; nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa:
lungsod pagdiriwang gatas guro paaralan mag-aaral

Pagyamanin
Gamitin ang mga sumusunod na mga pangngalan sa pangungusap.
1. Joyzel 4. paaralan
2. Malaybalay 3 5. aso
3. Kaamulan Festival

Ikatlong Paggamit ng pahiwatig upang malaman ang


Araw kahulugan ng mga salita

Balikan
Panuto: Kilalanin ang sumusunod na mga salita kung ito ba ay ngalan
ng tao, bagay,hayop o lugar at pagkatapos ay gamitin ito sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong aktibiti notbuk.
_______1. kalabaw ___________ 2. bukirin _______3. G. Abao
_______4. tiyo ___________5. payong

Tuklasin:
Isang paraan ng pag-alam ng kahulugan ng salita ay ang
pagsusuri ng pagkakagamit nito sa pangungusap.
Halimbawa: Tanging-tangi sa maraming awiting Pilipino ang “Bayan
Ko” dahil ito ay naiiba. Ano ang pagkakaunawa ninyo sa salitang tanging-
tangi sa pangungusap? a. nakakaiyak b. ibang-iba

Suriin
Piliin ang titik na kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Gawin ito sa inyong aktibiti notbuk.
1. Ang mga taong bayan ang dapat magkaisa at kumilos para sa
kaunlaran ng bansa.
2. Hindi dapat gastusin sa hindi kailangang bagay ang perang naiimpok.
3. Ang nais ko’y sumagana ang aming buhay
a. gayahin b. naiipon c.ibig o gusto d.progreso

Pagyamanin
Hanapin sa kahon ang kasalungat ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap. Isulat sa iyong aktibiti notbuk ang sagot.

malaki mahirap mabigat sakitin mainit

1. Mayaman ang pamilya ni Ronnie. 3. Malamig sa Baguio.


2. Ang bag na ito ay magaan.

Ika-apat na Pag-uugnay ng sariling karanasan sa binasang


Araw teksto.
Balikan
Pagtapatin sa Hanay B ang kasalungat ng salitang nasa Hanay A.

Hanay A 4 Hanay B
1. kaunti a. mabango
2. mabaho b. malungkutin
3. masayahin c. marami

Tuklasin
Tuklasin natin kung pareho ba ang inyong nararamdaman at
karanasan sa pangunahing tauhan sa kuwento. Basahin ang kuwentong
“Mabuting Kalaro.”
Mabuting Kalaro

Sa palaruan ng paaralan, masayang naglalaro si Bambi at ang


kanyang mga kamag-aral. Napuna niya na hindi naglalaro si Marisa. Nilapitan
niya ang mga kaibigan.
“Halika, laro tayo, Marisa. Hayun ang mga kamag-aral natin. Sumali ka
sa amin,” yaya ni Bambi sa kaibigan.
“Ayaw ko nga. Ito na lamang aklat ang paglilibangan ko. Hindi pa ako
laging magiging taya,” tutol ni Marisa
“Aba, talagang ganyan ang naglalaro. Isport lamang. Kung ikaw
maging taya, huwag kang mayayamot o magagalit. At saka, lahat naman ay
nagiging taya,” paliwanag ni Bambi.

Nag-isip si Marisa. Tama si Bambi. Isa pa, nais niyang makipaglaro sa


mga kaibigan ni Bambi.
“O sige, sasali na ako,” wika ni Marisa.
“Pag naging taya ka, huwag kang aayaw sa laro, ha?” pagtitiyak ni
Bambi.
“Hindi na mauulit ang dating ginawa ko,” wika ni Marisa.
“Ganyan ang mabuting kalaro. Isport kahit na maging taya,” sabay-
sabay na wika ng mga kaibigan ni Bambi.
“Hindi na ako maiinis kahit palaging ako ang taya. Baka wala nang
makipaglaro sa akin.” wika ni Marisa.
Sumama na si Marisa kina Bambi at naging masaya ang paglalaro nila.

Suriin
Mag- isip ng mga karanasan mong may pagkakahawig ng
karanasan ng bata sa kwentong binasa mo. Ano ang naramdaman mo
sa karanasang iyon? Isulat ang iyong sagot sa iyong aktibiti notbuk.
Pagyamanin 5
Basahin ang sumusunod na kwento.
Ang Magandang Sungay ng Usa
Mayroong isang magandang usa na gumagala sa kabundukan. Araw-
araw, siya ay kumakain at umiinon nang walang pakialam sa mundo.
Isang araw, natunton niya ang isang malinaw at malinis na sapa at doon
uminom ng tubig. Nang makarating siya sa tubig, nakita niya ang repleksyon
ng kanyang sungay. Ang sanga ng kanyang mga sungay ay maganda, at
hawig ng isang magandang puno. Masayang-masaya siya at
ipinagmamalaki niya ito.
Pagkatapos uminom ng tubig, siya’y yumuko at nakita niya ang
kanyang apat na mapapayat na binti. Bigla siyang nayamot sa kanyang
nakita. Bakit ang isang magandang ulo at mga sungay ay may kakambal na
ganoong kapangit na mga binti? Nasuklam siya sa kanyang sarili.
Ilang sandali, nakarinig siya ng ingay mula sa mga mangangaso.
Natakot siya at tumakbo nang palayo hanggang sa abot ng kanyang
makakaya. Sa kanyang pagtakbo, sumabit ang kanyang mga sungay sa mga
sanga ng puno at baging. Anuman ang kanyang pagsisikap ay hindi niya
maalis ang sarili mula sa mga sanga at baging. Sa pagkakataong iyon, ang
kanyang ipinagmamalaking sungay ang nag naglagay pa sa kanya sa
kapahamakan at ang mga pangit niyang mga binti ang nagsagip ng
kanyang buhay. Ligtas na siya sa gubat. Hindi na siya matutunton ng
mangangaso. Napuna niya ang isang batis. Lumapit siya upang uminom.
Nakita muli niya ng kanyang sungay at paa.
“Hm! Muntik na akong ipahamak ng maganda kong sungay. At ang
mga pangit kong binti ang nagligtas sa akin sa panganib.”

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong aktibiti
notbuk.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
a. usa b. mangangaso c. aso d. gubat
2.Ano ang hinangaan ng usa sa kanyang sarili?
a.ang kanyang laki c. ang kanyang sungay
b.ang kanyang ulo d. ang kanyang mga binti
3.Anong katangian ang ipinakita ng usa nang maramdaman niyang may
mangangaso?
a.mahusay magpasiya c. matalas ang pakiramdam
b.mabilis tumakbo d. walang tiwala sa tao
4. Alin na ngayon ang hinahangaan ng usa sa kanyang sarili sa huling
bahagi ng kuwento?
a. ang kanyang laki c. ang kanyang sungay
b. ang kanyang ulo d. ang kanyang binti
5. Bakit sinabi ng usa na ipinahamak siya ng kanyang magandang sungay?
a. Nasabit ang sungay sa sanga at hindi siya nakatakbo.
b. Nakita agad siya dahil sa kanyang sungay.
c. Nahirapan siyang tumakbo dahil mabigat ang sungay niya.
6
Ikalimang Pagtutukoy ng mga Bahagi ng Aklat.
Araw

Tuklasin
Mga Bahagi ng Aklat
Pabalat – ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkadad na larawan
upang makatawag- pansin sa mambabasa.
Pahina ng Pamagat – nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-
akda nito.
Pahina ng Karapatang-ari – makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag
ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.
Paunang Salita – nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang
aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.
Talaan ng Nilalaman – makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa
aklat.
Katawan ng Aklat – makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.
Indeks – nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos
nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

Suriin

Kumuha ka ng isang aklat at sagutin ang mga tanong.

1. Ano-ano ang mga bahagi ng aklat?


2. Ano ang iyong makikita sa harapan ng aklat?
3. Saan matatagpuan ang pamagat ng aklat?

Pagyamanin
Gamit ang aklat na hawak mo. Sagutin ang mga sumusunod.

1. Sino ang sumulat ng aklat na iyong hawak?___________________


2. Anong taon ito nailathala?__________________________________
3. Ano ang matatagpuan sa huling bahagi ng aklat?______
4. Ano ang pamagat ng inyong aklat?__________________________
5. Anong bahagi ng aklat makikita ang pahina ng mga paksa?
7

Isaisip

Isulat ang iyong sagot sa iyong aktibiti notbuk.


1. Anong impormasyon ang makikita sa pabalat?
2. Anong impormasyon ang makikita sa paunang salita?
3. Anong bahagi ng aklat makikita ang sumulat at petsa ng paglimbag?
4. Anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman?
5. Anong bahagi ng aklat nakasulat ang mga paksa at pahina.

Isagawa

Pumili ng aklat sa loob ng iyong bahay at kunin ang sumusunod na


mga impormasyon: pamagat, may-akda, taon at lugar ng pagkalimbag,
bilang ng pahina.
1. pamagat ng aklat: ________________________________
2. may-akda ng aklat: _______________________________
3. taon at ng pagkalimbag: __________________________
4. lugar ng pagkalimbag: ____________________________
5. bilang ng pahina: _________________________________

Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa isang lungsod maliban sa isa?


a. tahimik b. maingay c. matao d. maraming sasakyan
2. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ng tao?
a. Gng. Reyes b. kambing c. sapatos d. Bagong Taon
3. Alin sa mga pares ng mga salita ay magkasalungat?
a. masarap-malinamnam c. malamig- mainit
b. malawak- malapad d. malakas-matatag
4. Ano ang hinangaan ng usa sa kanyang sarili sa unang bahagi ng kuwento?
a. binti b. ulo c. katawan d. sungay
5. Anong bahagi ng aklat makikita ang pamagat nito?
a. Pahina ng Pamagat c. Paunang Salita
b. Talaan ng nilalaman d. Pabalat
8

You might also like