Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGTATASA 2: Lagumang Pagsusulit

1. Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa kahulugan, kalikasan at katangian ng isang sulating


akademikong hindi tatalakayin sa aklat na ito.

2. Isulat sa mga kasunod na patlang ang iyong nasaliksik.


Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa
akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit
sa ikatataguyod ng lipunan. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin
ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lamang. Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay
nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa
na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at
seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang
karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman
ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak,
bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay,
synopsis, at iba pa.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na
pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-
aaral.

2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral
sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo
et al., 2005).

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay
pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at
binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap,
pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay
isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.

5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat
na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay
direktibo at sistematiko.
● Contributor, E. (2022, February 2). Ang Kahulugan, Katangian, at layunin ng
Akademikong Pagsulat. ELCOMBLUS. Retrieved November 12, 2022, from
https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-
pagsulat/

PAMANTAYAN:

HYPERLINK "../../Downloads/Kawikaan 9:10"Kawikaan 9:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ang pasimula ng karunungan,


At ang kaalaman ng Banal ay pag-unawa.

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipahayag ang iyong ideya sa isang pagsulat na ang
layunin ay manghikayat?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________
4. Ayon sa bibliya, ang karunungan ay pagkatakot sa Panginoon at ang pag-unawa ay ang
Banal na kaalaman. Paano maiuugnay ang kasabihan sa gawaing pagsulat?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________

You might also like