Komposisyon Blanza Mariel Bsed3fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng

Pipinas

Region V

Bicol University, Gubat Campus

Gubat, Sorsogon

Pangalan: Mariel Blanza


Kurso: BSED III- FILIPINO
Asignatura: NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

“Eleksiyon sa Pinas”
Komposisyon ni Mariel Blanza

“Iboto: Osko Montero (MAYOR)” … nagkalat na naman sa kalsada ang mga poster ng mga
mukha ng mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksiyon. Paulit-ulit ko na namang nababasa ang
mga pangalan na nagsusulputan na animo’y parang naging tradisyon sa tuwing darating ang
kabuwanan ng Mayo. Sandmakmak na mga papel na nakadikit sa mga poste, pader,tindahan, puno at
kung saan-saan pa ,maipakita lang ang pangalang nais ipagmalaki sa mga botanteng target ng mga ito.
Kanya-kanyang disenyo ng mga poster makuha lang ang interes ng sambayanan at sakaling sa paraang
ito ay maulanan ang boto kahit pangalan palang ang nakikilala. Kasabay pa nito ang kaliwa’t kanang
Pagpapaalala sa pamamagitan ng adbertismo sa telebisyon, mga kandidatong nanghihimok gamit ang
mga mababangong salita makuha lang ang panig ng mamamayan. Kapag iyong naranasan ang mga
nabanggit ko, sinasabi ko saiyo na ganito nagaganap ang eleksiyon sa Pinas.
Isa ang Eleksiyon sa mga mahalagang panahon para sa bawat Pilipinong nag-aasam ng tunay
na pagbabago. Ito ay isang pagkakataon kung saan ay magtatakda kung sino ang siyang mauupo sa
iisang upuang pag-aawayan ng marami. Isang panahon kung saan ang lahat ay may prebelehiyong
piliin ang mga kanya-kanyang napupusuang kandidato na nais nilang tumakbo sa isang partikular na
posisyon. Kung iisipin natin, hindi ba’t isa itong nakakagiting pakinggan? Nakasalalay sa kamay ng
mga pilipino ang kaayusan ng administrasyon gamit lamang ang bilog na balota at lahat ng ito pinoy
ang makikinabang.
Sa mga panahon na ito, hindi rin maiiwasan na makakarinig na naman ang lahat ng mga
mahahalimuyak na mga salita mula sa mga kandidatong hindi mo alam kung totoo sa kaniyang
pangako o sadyang nagmamataas lamang. Ika nga nila mga “pangakong napapako”, kailan ba
naranasan ng mamamayan ang magkaroon ng mga lider na umupo sa kinauukulan ang hindi nangako?
Ngunit iilan lang ang tumupad sa kanilang mga salita at ang ilan ay sadya atang nakalimot dahil
nakamit na ang posisyong natatamasa at nasa kaniya na ang pabor ng lahat. Nasa kaniya nga ba? Halos
karamihan nagmamalinis ng plataporma ngunit ang sa likod nito sumisigaw ang katotohanang ang
pangalan nila ay nangangamoy sa baho kasama ng kanilang mga ligwak sa kasinungalingang mga
pangako.
Aminin man natin o hindi, hindi parin nawawala ang dumi ng eleksyon sa Pinas. Kung
bibilangin natin sa mga daliri nating naging ugat ng kapalaran ng pagpili sa mga kandidatong tumakbo,
nariyan ang mga pangakong hindi natupad, mga programang hanggang sa plano lamang, nandiyan rin
ang polisiyang hanggang pantasya lang at mga pagpapabagong nauwi lang sa mga panloloko.
Kailan malilinis ang parteng madumi na ito ng eleksiyon? Sa pagkakataon na ito walang dapat
panigan kung hawak nito ang kinabukasan ng lahat. Huwag namang magpatuloy ang ganitong sistema
kung saan sa bawat pagbabago ng termino iba-iba ang uupo, iba-iba rin ang kabaluktutan.
Hindi mangmang ang mga Pilipino, patunayan ng lahat sa pagpili ng tunay laban sa peke,
huwag masilaw sa pilak na kulay na kanilang inaalok—tumakbo ka!
Huwag mong hayaang sirain ang pangarap mong maayos ang bansang kinatatayuan mo.
Mabuhay ang Pilipinong tapat at totoo!
Sabay na pinunit ang poster na kanina pang hawak habang naglalakad.

You might also like