Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

4

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pakinabang sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental

AIRs - LM
LU_Q2_EPP 4_Module 2
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Ikalawang Markahan - Modyul 2: Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rodolfo R. Cardinez Jr.


Language Reviewer: Gemma Bassig
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Bernard M. Bunuan
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Melba N. Paz Ph.D, EPS in Charge of EPP/TLE/TVL
Michael Jason D. Morales PDO II
Claire P. Toluyen Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q2_EPP 4_Module 2
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pakinabang sa Pagtatanim ng
Halamang Ornamental

LU_Q2_EPP 4_Module 2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niyang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q2_EPP 4_Module 2
Sapulin

Kumusta ka na? Ngayong panahon ng pandemya, marami ang nawiwili sa


pagtatanim ng halamang ornamental. Sila ay tinatawag na plantitas o plantitos.
Maaaring ikaw din ay may tanim na halamang ornamental sa inyong bakuran o kaya
naman balak mong simulan.

Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May makukuha ba tayong


kapakinabangan mula dito? Ano ang maitutulong ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa pamilya at sa pamayanan?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

• Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental


para sa pamilya at sa pamayanan (EPP4AG-IIa-2).

Simulan
L

Larawan ! Bigyang Kahulugan!


Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Batay sa larawan, ano ang pakinabang ng
pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at sa pamayanan? Piliin ang sagot
sa Hanay B. Isulat ito sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1.

(Pagkakakitaan, Nagpapaganda ng
kapaligiran)

2.

(Naiiwasan ang polusyon, Nakapipigil ng


pagguho ng lupa)

1
LU_Q2_EPP 4_Module 2
3.

(Pagkakakitaan, Nagbibigay lilim at


sariwang hangin)

4.

(Nakapipigil sa pagguho ng lupa,


Nakapipigil sa pagdami ng peste)

5.

(Nakapipigil ng pagbaha, Pagkakakitaan)

Lakbayin

Pakinabang sa Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental

Ang pagtatanim ng mga halamang/punong ornamental ay may malaking


pakinabang na makatutulong sa mga pangangailangan ng pamilya at pamayanan.

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha


– kumakapit ang mga ugat ng mga punong
ornamental sa lupang taniman kaya napipigilan
ang landslide o pagguho ng lupa. Ang mga
punong ornamental ay nakatutulong din sa pag-
iwas sa pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat
nito.

2
LU_Q2_EPP 4_Module 2
2. Naiiwasan ang polusyon- gamit ang mga
halaman o punong ornamental, nakakaiwas sa
polusyon sa tahanan at maging sa pamayanan
sa maruming hangin na nagmumula sa mga
usok ng sasakyan, sinigaang basura,
masasamang amoy na kung saan nililinis ang
hangin na ating nilalanghap.

3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin – may


mga matatas at mayayabong na halamang
ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine
tree, fire tree, at marami pang iba na maaaring
itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar na
puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa rito,
sinasala pa ng mga punong ito ang maruruming
hangin sanhi ng usok ng tambutso, pagsusunog at
napapalitan ng malinis na oksiheno (oxygen) na
siya nating nilalanghap.

4. Napagkakakitaan – maaaring ibenta ang mga


tanim na halamang ornamental. Magpunla o
magtanim sa mga itim na plastik bag o lata. Ito ay
maaaring ibenta at magiging perang panustos sa
pang-araw-araw na gastusin.

5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran – sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel,
mall, at iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng
pansin sa mga dumadaan na tao lalo na kung
ang mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.

3
LU_Q2_EPP 4_Module 2
Galugarin

Gawain 1. Isip ! Isulat!


Panuto: Gamit ang dayagram, isulat ang mga pakinabang sa pagtatanim ng
halamang ornamental.Kopyahin ang pormat at ilagay ang kasagutan sa iyong
sagutang papel.

Mga
Pakinabang
sa
Pagtatanim
ng Halamang
Ornamental

Gawain 2. Basa Mo! Sagot Mo!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang katanungan sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19, nawalan ng pagkakakitaan ang pamilya


ni Mang Karding. Marami silang tanim na gulay at mga halamang ornamental sa
kanilang bakuran na higit pa sa kanilang konsumo araw-araw. Ipaliwanag kung
paano makatutulong ang mga tanim nila Mang Karding sa kanilang pamilya.

2. Madalas magkasakit si Dona dahil sa masangsang na amoy ng basura at


polusyong dulot ng maruming hangin na pumapasok sa kanilang bintana. Batid
nating mahirap magkasakit ngayon lalo na at may pandemya. Sa tingin mo,
makatutulong ba kay Dona ang pagtatanim ng halamang ornamental? Bakit? Sa
paanong paraan ito makatutulong?

4
LU_Q2_EPP 4_Module 2
Palalimin

Gawain 1. Mabubuo Mo Ba Ako?

Panuto:Basahin at punan ng salita o mga salita upang mabuo ang diwa ng talata.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay may malaking pakinabang na


makatutulong sa mga pangangailangan ng pamilya at pamayanan. Ang mga
halamang ornamental ay may malaking pakinabang na makatutulong sa mga
pangangailangan ng pamilya at pamayanan. Ang mga halamang ornamental ay
nakapagpapaganda ng 1. _______________ dulot ng mga bulaklak at halimuyak nito.
Maaari ding 2._________________ ang mga ito upang pagkakitaan. Malinis na
3.___________ na siya nating nilalanghap at nagbibigay lilim ang mga mayayabong
na mga halamang/punong ornamental. Sa pamamagitan ng mga halamang ito,
naiiwasan ang 4._______________ na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, pabrika
at iba pa. Napipigilan din ang 5.______________ at 6.____________ dahil sa mga ugat
ng mga punong ornamental sa lupang taniman.

ibenta
itanim
hangin
kapaligiran
pagbaha
pagguho ng lupa
polusyon

Sukatin

Gawain 1: NATUTO BA AKO?


Panuto:Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang


ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. Nagpapaunlad ng pamayanan.
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
C. Pumipigil sa pagguho ng lupa
D. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.

5
LU_Q2_EPP 4_Module 2
2. Bago pa man ang pandemya na dulot ng Covid-19, nakahiligan na ng pamilya
Cruz na magtanim ng mga halamang ornamental sa magagandang paso. Paano
mapapakinabangan ng pamilya Cruz ang kanilang mga tanim gayong tumigil ang
ama ng pamilya sa pagtatrabaho dahil sa pagsasara ng kompanyang kanyang
pinapasukan?

A. Ipamigay sa mga bisita at hintayin ang tulong na ibibigay.


B. Ibenta gamit ang makabagong teknolohiya upang pagkakitaan.
C. Ipakain na lamang sa mga alagang kambing upang mapakinabangan.
D. Ialok sa mga kapitbahay upang sila din ay magtanim.

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang pahayag ukol sa


pagtatanim ng halamang ornamental?

A. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakasira ng ating kapaligiran.


B. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nagbibigay ng maruming hangin.
C. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakatutulong sa pagguho ng
lupa at pagbaha.
D.Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakapagbibigay ng
kapakinabangan sa pamilya at pamayanan.

4. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga halamang ornamental


gaya ng sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. Napagkakakitaan
B. Nagbibigay ng liwanag
C. Nagpapaganda ng kapaligiran
D. Naglilinis ng maruming hangin

5. Makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng halamang ornamental.


Alin sa mga sumusunod ang hindi tama ang ipinapahayag?
A. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
B. Hindi nililinis ang maruming hangin sa paligid.
C.Sinasala ng mga dahon ang maruruming usok sa kapaligiran.
D. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ang ating pamilya
ang maruming hangin sa kapaligiran.

6. Tuwing tag-ulan, madalas gumuho ang lupa malapit sa bahay nila Anton.
Naisipan ng kanyang ama na magtanim ng mga punong ornamental tulad ng Pine
Trees at Fire Trees ang bahagi ng lupa ng madalas gumuho. Paano nakatutulong ang
halamang ornamental sa suliranin ng pamilya nila Anton?
A. Ang mga punong ornamental ay nakapagbibigay ng mga prutas para sa buong
mag-anak.
B. Ang mga punong ornamental ay nagsisilbing lilim tuwing tag-init.
C. Ang mga ugat ng punong kahoy ay tumutulong upang hindi gumuho ang lupa.
D. Ang mga punong ornamental ay nakadadagdag sa magandang tanawin sa
kanilang bakuran.

7. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang


ornamental maliban sa isa?
A. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran.
D. Nagpapababa ng presyo ng mga bilihin sa palengke.

6
LU_Q2_EPP 4_Module 2
8. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin upang maging malinis ang hangin
sa ating komunidad?
A. Magtapon ng basura kahit saan.
B. Sirain ang mga tanim ng kapitbahay.
C. Putulin ang mga halaman sa kapaligiran.
D. Magtanim ng mga halamang ornamental sa paligid ng bahay.

9. Madalas inaatake ng hika si Ana dahil sa mabahong amoy na nalalanghap niya


mula sa kanal sa likod ng kanilang bahay. Naisipan niyang magtanim ng mga
madadahong halamang ornamental malapit sa kanal. Paano nakakatulong ang
mga halamang ornamental sa kanyang suliranin?
A. Nababawasan ang dumi mula sa kanal.
B. Namamatay ang mga mikrobiyo na sanhi ng mabahong amoy ng kanal.
C. Naiiwasan ang polusyon sa hangin at nakapagbibigay ang mga halamang
ornamental ng sariwang hangin.
D. Naiiwasan ang pagguho ng lupa malapit sa kanal.

10. Alin sa mga sumusunod ang mga kapakinabangang ibinibigay ng pagtatanim ng


halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?

I. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
II. Nakapipigil ng pagguho ng lupa at pagbaha
III. Nakapagdudulot ng polusyon sa paligid
IV. Nakapagbibigay ng dagdag kita sa pamilya.

A. I, II, III
B. I, II, IV
C. I, III, IV
D. II, III, IV

7
LU_Q2_EPP 4_Module 2
Susi sa Pagwawasto

8
LU_Q2_EPP 4_Module 2
Sanggunian
BOOKS
• Doblon, Teresita B., et. al., EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan 4
Kagamitanng Mag-aaral (p. 320-323), (DepEd-BLR) Meralco Avenue Pasig
City Philippines 1600
• Doblon, Teresita B., et. al., EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan 4
Patnubay ng Guro (p. 128-130), (DepEd-BLR) Meralco Avenue Pasig City
Philippines 1600
LINKS
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fimages.app.goo.gl%2FkWT9uRe
G87knXpU76%3Ffbclid%3DIwAR3LIgmSBYxPYoDvJ6OghKOv9FEFH0q1_U8b5qeia
81-vVkquXU7E99yqA0&h=AT2qza61Xraia8q42V2NaPOZdn9p4XySEO4J-
skZblMikMAu54kpbj28gZzrUvdcWGDwsjLG04ZzoeICxeiwFx99vx5n3jmc6zT2VvuxS
fTFEZjTExUYEfswqDCmZusBHKuf
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.google.com%2Fimgres%3F
imgurl%3Dhttps%253A%252F%252Fwww.thetreecenter.com%252Fc%252Fuploads
%252Fwhitekousadogwood1450x450.jpg%26imgrefurl%3Dhttps%253A%252F%252
Fwww.thetreecenter.com%252Fflowering-trees%252F%26tbnid%3Dkx0o-
J5qnaW5KM%26vet%3D1%26docid%3DzqUDXZe6If16vM%26w%3D450%26h%3D
450%26source%3Dsh%252Fx%252Fim%26fbclid%3DIwAR02mAa7cn3WBfTqgxBv
QV5YHhZrVZffs1iYiNK_tNW5ulwRIGFQLQG678&h=AT2qza61Xraia8q42V2NaPOZd
n9p4XySEO4JskZblMikMAu54kpbj28gZzrUvdcWGDwsjLG04ZzoeICxeiwFx99vx5n3
jmc6zT2VvuxSfTFEZjTExUYEfswqDCmZusBHKuf
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fimages.app.goo.gl%2FM9EZfyrJ
bgnENwQZA%3Ffbclid%3DIwAR365EDkr591sEgkymXXOueG7-
Ct8DfvKMGnaXw4grzMoG7wp_cThkQHbUo&h=AT2qza61Xraia8q42V2NaPOZdn9p
4XySEO4JskZblMikMAu54kpbj28gZzrUvdcWGDwsjLG04ZzoeICxeiwFx99vx5n3jmc
6zT2VvuxSfTFEZjTExUYEfswqDCmZusBHKuf
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.google.com%2Fimgres%3F
imgurl%3Dhttps%253A%252F%252Fi.pinimg.com%252Foriginals%252F0d%252F8
6%252Fcf%252F0d86cfa8adfa9cbdfdd01adde4badff0.jpg%26imgrefurl%3Dhttps%2
53A%252F%252Fwww.pinterest.com%252Fpin%252F152278031125168883%252F
%26tbnid%3DpEmkAMYrozVkVM%26vet%3D1%26docid%3DnX3dsCD5wEahcM%
26w%3D616%26h%3D462%26source%3Dsh%252Fx%252Fim%26fbclid%3DIwAR1
r6VTHqShcVlOB1S0NoguVv8pk0RmEMAAUl7THclZQrgQiCbARQLw4wa4&h=AT2qz
a61Xraia8q42V2NaPOZdn9p4XySEO4J-
skZblMikMAu54kpbj28gZzrUvdcWGDwsjLG04ZzoeICxeiwFx99vx5n3jmc6zT2VvuxS
fTFEZjTExUYEfswqDCmZusBHKuf
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.google.com%2Fsearch%3F
q%3Dlarawan%2520ng%2520pagtitinda%2520%2520ng%2520halamang%2520orn
amental%26client%3Dms-android-oppo-
rev1%26prmd%3Dinv%26source%3Dlnms%26tbm%3Disch%26sa%3DX%26ved%3
D2ahUKEwit1oSes8LsAhWtGEKHZE7AvMQ_AUoAXoECBkQAQ%26biw%3D360%2
6bih%3D724%26fbclid%3DIwAR09yyjEtsI8o_Dx2jCn4wvWrOdmxcpxfk0XTU_Ofohr
ilDGgRGPu9A0E%23imgrc%3DnBl0h26VQrSKM%26imgdii%3DTTRrTsewv0kcM&h
=AT2qza61Xraia8q42V2NaPOZdn9p4XySEO4J-
skZblMikMAu54kpbj28gZzrUvdcWGDwsjLG04ZzoeICxeiwFx99vx5n3jmc6zT2VvuxS
fTFEZjTExUYEfswqDCmZusBHKuf

9
LU_Q2_EPP 4_Module 2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q2_EPP 4_Module 2

You might also like